CHAPTER 62

32 0 0
                                    

(062)

AXQUECIA POV

Hindi ko maiwasang malungkot para kay Seirho. Alam kong wala siyang kasalanan sa nangyayari dahil pinapasunod lang siya ni Lux. Kahit hindi ko makita ang lungkot sa mata niya tulad ni Lux e nararamdaman ko naman 'yun. Hindi ko man alam ni hindi siya si Lux noon ay napalapit na din ako sa kaniya.

"A-alam kong hindi kayang gawin ni Lux ang bagay na 'yun" sabi ko na ikinalingon niya.

Malaki ang tiwala ko na hindi kayang ishutdown ni Lux si Seirho na minsan ay naging kaibigan,kakambal at pamilya niya sa loob ng ilang buwan. Malaki ang tiwala ko sa bait ni Luxzell dahil ilang beses niya ng napatunayan sakin 'yun.

"Pero kung 'yun ang paraan para bumalik siya sa dating sigla kasama ka,papayag ako" sabi niya na nasa mata ko mismo ang tingin.

Napalunok naman ako habang tinitignan ang mata niya. Wala man akong mabasang ekspresyon do'n pero ramdam ko ang natural na ngiti niya na bukal sa loob niya na gawin 'yun para lang sa Master niya. Tulad ng sabi ni Lux kanina, nakakonekta ang puso nila sa isa't isa. Hindi na 'ko magtataka kung makuha nito ang kabutihang loob ni Lux.

"Sevi" rinig kong may tumawag kay Seirho kaya sabay kaming napalingon, si Lux.

Napalunok ito ng makita ako tsaka muling bumalik kay Seirho. Hindi ko alam kung bakit Sevi ang tawag niya pero hindi 'yun ang isipin ko sa ngayon.

Tumayo si Seirho at sinalubong ang tingin ni Lux,lumapit naman si Lux sa pwesto namin at diretso din ang tingin kay Seirho.

"Ano 'yun Master? May kailangan ka ba?" Nakangiting tanong ni Seirho na para bang kinalimutan ang nangyari kanina para lang mapagsilbihan si Lux.

Umiling si Lux at napalunok pa bago nagsalita. "S-sorry sa mga sinabi ko kanina. H-hindi ko sinasadya. Hindi ko kasi nakontrol 'yung galit ko kanina kaya nasabihan kita ng hindi mo gu-"

"Okay lang" nakangiting sabi ni Seirho na nagpatigil sa sinabi ni Lux. Natural ang ngiti niya.

Robot siya at hindi mo agad malaman ang reaksyon niya. Napakahirap malaman ng nararamdaman niya.

"I'm sorry Sevi" sabi ni Lux na halatang nagsisisi sa sinabi niya 'yun.

Nakangiti lang si Seirho. Hindi siya normal na tao kaya hindi niya kayang umiyak pero paniguradong umiiyak siya.

Lumapit si Lux kay Sevi at niyakap ito. Hindi pa rin siya nagbabago,mabait pa din siya pero hindi pa rin naalis ang inis ko sa kaniya.

Nagbuntong hininga ako tsaka naglakad palayo sa kanila. Pumunta ako ng parking lot ng bahay at nagmukmok sa loob ng kotse ko. Nilock ko 'yun para walang makapasok. Nangilid agad ang luha ko ng maalala ko na hindi si Lux ang kasama ko. Wala akong galit kay Seirho dahil alam kong biktima din siya dito. Naiintindihan ko din naman si Lux pero hindi niya inintindi 'yung nararamdaman ko.

Napasinghal pa 'ko na yumuko ng maalala ang unang araw na makita ko si Seirho. Tuwang tuwa ako ng pumunta siya sa Intramurals para manood pero hindi ko man lang naiisip na second version na 'yun. Kaya pala una pa lang ay kakaiba na ang nararamdaman ko. Kaya pala ang layo ng pagkakaiba ng naramdaman ko 'nung lumapit siya sakin. Psh. Galing. Nag effort ako ng luha dahil hindi niya 'ko pinansin,si Seirho pala 'yun.

Pero... 'yung sa sementeryo? B-bakit pakiramdam ko ay si Lux 'yun? Andon lahat ng personality ni Lux. Siya ba 'yun?

LUXZELL POV

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now