CHAPTER 86

6 0 0
                                    

AXQUECIA POV

Nagising ako sa walang maalala. Ang natatandaan ko lang ay nag inuman kami kagabi. Nilibot ko ang tingin sa kwarto, kwarto 'to ni Luxzell. Saan ba 'yun?

Tatamad tamad akong tumayo at nag stretch tsaka uminom ng tubig na nakalagay katabi ng lampshade. Nanlaki ang mata ko ng makita si Lux na lumabas ng banyong nakaboxer lang, napalunok ako. Parang wala lang sa kaniya na lumabas ng ganu'n ang suot.

"B-bakit ka lumabas ng ganiyan?" kunot noong tanong ko na napatingin pa sa boxer niya, bakat na bakat ang pagkalalaki niya. Lunok.

"Tsk tsk 'wag mo nga akong inaano" natatawang sabi niya tsaka naupo sa sofa na kaharap ng kama na kinauupuan ko.

Talagang sutil ang mata ko at hindi mapakali sa mata niya at bumababa ang tingin sa boxer niya.

"A-anong nangyari kagabi? B-bakit napunta ako dito? Nandiyaan pa ba sina Nix?" nagtatakang tanong ko na napatingin pa sa pinto.

Ngumisi naman ito habang nagpupunas ng tuwalya sa buhok niya. "You don't remember everything?" nakangiting tanong niya na ikinakunot ng noo ko, umiling naman agad ako. "Nirape mo lang naman ako kagabi" natatawang sabi niya na ikinaawang ng labi ko.

Wala ako sa sariling napatingin sa suot ko, maayos naman.

"A-anong pinagsasasabi mo?" inis na tanong ko.

"Ginapang mo nga ako kagabi" natatawang sabi niya na kinagat pa ang sariling labi, napalunok naman ako. Totoo ba? "Wag kang mag alala, wala namang nangyaring putukan" nakangiwing sabi niya.

Wala ako sa sariling nasapo ang noo. Wala akong matandaan. A-anong ginapang? Nirape? Paanong nirape? Nakakahiya!

"W-wala akong matandaan" naguguluhang sabi ko.

Natawa naman siya na lalo kong ikinakaba. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko na inalalayan akong tumayo. Ang akala kong pindutan na katabi ng kama niya ay hindi pala,finger print. Dahan dahan bumukas ang kama at may nakita akong hagdan pababa. Napatingin ako sa kaniya pero nginitian niya lang ako at inalalayan makababa ng hagdan. May pinidot siya pagbaba naman at doon nagsara ang dinaanan. Tsaka kami nagtuloy, may body recognizer. Sa katabi 'nun ay makikita ang  dinadaan ng scan tsaka nagbukas ang pinto. Doon tumambad sa akin ang simpleng set ng sala. Nasa kaliwa ang kama at nasa kanan ang dinning area habang kaharap naman 'nun ang malaking glass door na nakaharang at kitang kita ang loob nito. Maraming iba't ibang uri ng machine, may malaki at maliit. May kung ano ano pa na hindi ko alam at dito ko lang nakita.

"Dito ako gumagawa ng mga machine at dito ko rin ginawa si Sevi" sabi niya na iginaya ako papasok ng galss door."Walang ibang nakakapasok dito bukod sa akin, bukod sa amin ni Sevi" sabi niya nilingon ako tsaka naupo sa swivel chair na kaharap ng computer.

Nanlaki naman ang mata ko ng hilain niya ako at paupuin sa kandungan niya paharap ng computer, niyakap niya ako mula sa likod. Napalunok pa ako ng maramdaman ang balat niya, nakabrief lang siya e. Inabot niya ang keyboard habang nasa kandungan niya ako nakaupo, hindi naman nakakapagtaka e mahaba ang braso niya tsaka pinipindot pindot ang keyboard, napatingin naman ako sa screen ng computer.

"Ipapakita ko sayo kung anong ginawa mo kagabi sakin" natatawang sabi niya, napalunok naman ako.

Napatingin ako sa screen at nakita ko na ang kuha ng Cctv kagabi. Simula ng pumasok kami ng kwarto, karga niya ako at tinititigan niya ang mukha ko habang nakapikit. Napalunok naman ako ng hilain ko si Lux para halikan ang leeg nito. Napalingon naman ako kay Lux pero nakangiti itong kagat kagat ang daliri habang nasa screen ang tingin habang tinataas taas ang kaliwang binti.

Napalingon ulit ako sa screen, nanlaki ang mata ko ng makita ko sa screen nang itulak ko si Lux pahiga at halikan ito. Hubaran ng damit at halikan pababa hanggang tiyan. Napalunok naman ako. Nakita ko kung paano ko hubaran ng padjama si Lux at halikan ang brief nito. Napatakip ako ng mukha sa kahihiyan.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now