CHAPTER 44

25 2 0
                                    

(044)

LUXZELL POV

"Konti na lang ay mabubuo ka na" nakangiting sabi ko habang pinagmamasdan ang screen na nakakonekta sa robot.

Isang buwan bago ko nakompleto ang lahat lahat.Ngayon ay konting konti na lang.Nasa harap ako ng screen kung saan pinapakita dito kung paano nagpoprocess ang bawat wires na nasa loob ng katawan niya.Maayos na din ang screen kung saan nakaconnect ang mata ng robot.Lahat ng makikita niya ay nakakonekta sa screen na'to.

Nakaprocess na din ang puso't isip ko sa robot na 'to at lahat ay kontrolado ko na.

Napatingin ako sa robot.Kamukhang kamukha ko.Kuhang kuha lahat ng detalye ng itsura ko.

Pagkatapos nito ay makakapagpahinga na ako ng mahaba haba at hindi na iisipin ang nangyayari sa labas.

AXQUECIA POV

Nasa Campus kami ngayon at may special announcement si Dad.Magsimula kasi ng mawala si tito ay si Dad na ang naging principal ng Campus.Ayos lang naman kay Dad dahil ang sabi niya ay ibibigay niya lang naman ito kay Lux kapag twenty years old na ito.Three years lang naman daw at paniguradong kakayanin niya.

"Intramurals is waving CIS!!!" ganadong sabi ni Dad na nasa microphone sa unahan.

Nasa gymnasium lahat ng estudyante at narito naman ulit ako sa pinakahulihan.Lonely psh.

Nagsigawan naman ang mga estudyante na halatang excited sa Intramurals na kung sa tutuusin ay pagod lang amg makukuha nila do'n.

"Waahhhh excited na 'ko"
"Ohmygash ang balita ko ay makakalaban natin ang Miranda International School"
"Ow shit!May pogi do'n!!!"
"Sayang wala si Luxzell huhu.Hindi natin siya mapapanood sa volleyball,basketball,Badminton at Chess"

Napangiwi na lang ako sa sinabi nila.Akalain mo nga namang ganu'n karami ang kayang laruin ng lalaking 'yun.Sabagay,hindi na nakapagtataka kung lahat ng bagay na 'yun ay magaling siya.

"And I'm glad that I'm exactly to sit for this position to guide you all for this event."nakanngiting anunsyo ni Dad."Alam kong napakafamiliar ng event na 'to sa inyo at dahil gaganapin ito sa susunod na linggo ay ngayong buong linggo ay walang pasok"

"Yessss!!"
"Nice nice"
"Ayosssss!"

"Practice.Practice.Practice ang gagawin sa isang linggo.Naintindihan niyo ba?"nakangiti nanaman na sabi ni Dad.

"Yeesss Mr. Alvarez!!!"sigawan nanaman ng mga estudyante.

"Sa saturday is distribution for tshirt and pants na gagamitin para sa events.Sa lahat ng sasali ay magpalista na sa office ni Mrs. Listiangco sa P.E office para maturuan na kayo at sa mga walang balak sumali,sayang ang grades kaya kung maaari ay makapili kayo at kung kaya naman ay special project" mahabang paliwanag ni Dad.

Ano nga ba ang sasalihan ko?psh.

Kaya ayaw ko ng mga ganitong events ay simpleng iisipin pero nakakabala sa isip ko.Marami akong sports na alam at kahit ayaw kong sumali ay kailangan.Baka isipin nila na porket Principal na si Dad sa Campus na 'to ay libre na 'ko sa lahat.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now