CHAPTER 100: VIS VS. CIS

8 0 0
                                    

AXQUECIA POV

"Mukhang nakakakaba ang tingin nila, para bang nang aasar agad ang tingin nila" bulong sa akin ni Nix.

Narito kami sa announcement room at nakaupo sa bandang huli, kitang kita namin ang mga papasok na estudyante ng VIS.

"Mukhang iisa ka sa kanila, tingin pa lang nagyayabang na" bulong nanaman ni Nix, napasinghal naman ako.

Talagang nagyayabang ang mga tindig nila. Napakaformal ng pagkakaupo nila at wala kang makitang nag iingay o kaya nagbubulungan, nakangiti sila pero hindi mo man lang makikitaan ng paghanga sa mga mata nila kundi puro yabang.

"Luxzell, sali ka do'n! Parehas ang tindig niyo!" pambubuyo naman ni Tristan kay Lux.

"Tsk tsk, tingin lang ang nagyayabang sa kanila, sa akin lahat" pagyayabang nanaman ni Luxzell.

Nagsimula na ngang mag announce si Dad sa microphone pero hindi naalis ang tingin ko sa mga taga VIS. Napakatahimik nila at napakakalmado ng mga itsura. Hindi naman ako napepressure sa itsura nila, nagtataka lang ako kung paano sila naging ganiyan.

Nakaupo lang ng tuwid at pangiti ngiti, 'ni hindi nga sila lumingon lingon sa kung saan at lahat nakatingin kay Dad. Walang nagkekwentuhan o nagsisigawan kahit isa, lahat kontrolado.

"Kinakabahan ka na ba Axie?" Nang aasar na tanong ni Nix.

"Walang dahilan para kabahan ako Nix, hindi agad ako kinakabahan sa ganiyang postura. Kaya ko silang sabayan kung gugustuhin ko"

Ngumisi lang ito tsaka tatango tango tsaka tumingin kay Dad. Nang matapos ang announcement ay sabay sabay silang pumunta ng room na nakaassign sa kanila.

"Mauuna ang sayaw! Manood tayo" sabi ni Nix.

"Psh gusto mo lang mapanood si Tristan" pang aasar ko, ngumiwi naman siya.

"They dance, let's watch" sabi ng isang taga VIS.

Napangiwi naman ako. Tama nga sila, para bang iisa lang ako sa kanila.

"Hoy dalian mo! Sasayaw jowa mo!" sabi sa akin ni Nix habang hila hila ako.

Nang makapasok kami ng gymnasium ay sobrang dami na ng estudyante. Tshirt ng CIS ang suot namin at jogging pants ng CIS. Pinaresan ko ng puting sapatos. Psh parehas pa kami ng sapatos ni Lux.

"Akin na ang bag mo" sabi ko kay Lux na kinuha ang bag niya.

Inabot niya naman sa akin at iniabot ang cellphone niya. Napangiwi pa ako na ako ang lockscreen niya. Hindi ko alam kung kailan niya ako kinukuhanan ng litrato.

"Wala bang goodluck mahal?" Pagpaparinig ni Lux sa akin.

Napangiwi naman ako. "Bakit pa ako maggogoodluck e alam ko naman na kaya mo na" napangiti naman siya.

Niyakap ako at hinalikan ang noo tsaka naglakad palayo.

"Tsk tsk pakorni ng pakorni si Master" rinig kong tawa ni Seirho sa gilid ko kaya napalingon ako sa kaniya.

Natawa naman kami sa kaniya ni Nix. Naupo kami sa bandang unahan at hindi na yata maalis ang tingin ko kay Lux. Napakagwapo niya sa tindig niya. Matangkad at kapansin pansin ang itsura niya lalo na kung makita mong ngumingiti o tumatawa.

Kahit sinong babae ay napapalingon sa kaniya lalo na kung gagalaw ito. Para bang isa siyang anghel na lumapag sa lupa, napakaperpekto niya. Buhok sa ulo hanggang sa talampakan, gwapo siya. Wala kang malalaiit na kahit ano sa kaniya.

"Hoy gage! Inlove ka na nga talaga legit na!" napalingon ako kay Nix ng isigaw niya 'yun. "Kanina pa kita tinatawag at lintik naman amg mata mo at hindi maalis sa gwapong mukha ni Luxzell" napangiti naman ako tsaka napayukong iiling iling. "Mahirap 'yan besh naku ka!" singhal ni Nix habang iiling iiling.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now