CHAPTER 129

9 0 0
                                    

LUXZELL POV

Ito na nga ang araw na pinakahihintay ko. Araw na ng kasal ngayon at hindi na ako mapakali.

"Relax ka nga lang erp" natatawang sabi ni Tristan.

"Relax dude" sabi naman ni Xian.

Kanina pa nanginginig ang kamay at binti ko. Hindi na rin ako mapakali. Sobrang tuwa ang nararamdaman ko ngayon at may halong kunting kaba. Nakatayo na ako at hinihintay na lang si Ax na pumasok ng simbahan.

Hindi ako mapakali sa pagkakatayo ko at paikot ikot ako sa pwesto.

"Para kang bulate, kumalma ka nga" sabi sa akin ni Sevi.

Maya maya lang ay nagsimula na ang tugtugin at senyales na papasok na si Ax. Todo ang kaba ang  ang nararamdaman ko.

Now Playing: All of Me by John Legend (instrument only)

Dahan dahan nang naglakad si Ax sa gitna at ang ganda niya sa suot niyang wedding gown. Hindi na naalis ang tingin niya sa akin. Napangiti ako nang kinindatan niya 'ko tsaka natawa. Hindi natigil ang panginginig ng kamay ko dahil sa kaba. Naghahalo ang emosyon ko.

AXQUECIA POV

Nang matapos ang kasal ay hindi na yata nawala ang ngiti ni Luxzell.

Marami ang bisita sa kasal. Pati ang grupo ko sa London ay lumapag ng Pilipinas para makaattend sa kasal ko. Pati si Xybrill at ang pamilya niya ay narito na din.

"Maghahoney moon pa ba tayo?" nakangiting tanong ni Luxzell.

Napangiwi naman ako tsaka umiling. "Hindi na ako niregla" sabi ko.

Nanlaki ang mata niya tsaka napatingin sa tiyan ko.

"Baka nadelay lang. Nangyayari sa'kin 'yun e"

Napasimangot naman ito tsaka niyakap ako ng mahigpit.

"Honeymoon tayo mahal" sabi niya.

Naitulak ko siya dahilan para matawa ito.

"Papa, Mama" sabi ni Wayan na lumapit sa amin at niyakap kaming pareho.

"Congrats" sabi ni Nix na niyakap pa ako. NagpapakaOA nanaman. "I'm so happy for you" sabi nito na parang naluluha pa.

"Wag kang mag alala dahil susunod kayo ni Tristan" sinadya ko na lakasan ang pangalan ni Tristan para marinig niya.

Sucessful naman dahil narinig niya dahilan para mapalingon siya sa amin at nagtatakang tumingin. Umiling naman ako tsaka natawa.

"Kunin mo 'kong ninang ha kapag nagkababy kayo" sabi ni Nix sa amin ni Luxzell.

Suminghal naman si Luxzell."Tsk tsk ang kuripot mo. Malulugi lang ang anak namin sa'yo"

Natawa ako sa sinabi ni Luxzell.

"Che! Ang sungit mo pa din!" sabi ni Nix tsaka tinalikuran kami.

Marami ang bumati sa amin at halos hindi kami nakatulog sa dami ng bisita.

Hinawakan ko ang kamay ni Luxzell at tinignan ang pareho naming singsing. Hindi ako makapaniwala na dadating kami sa ganitong sitwasyon. Napalingon ako kay Luxzell at nakatingin din siya sa akin.

Nagkangitian kami. Hinaplos niya ang pisngi ko tsaka dinampian ito ng halik. Niyakap niya ako ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit.

LUXZELL POV

Nakakaawa man ang itsura ni Ax pero natutuwa ako. Ilang araw lang ang nakakalipas ng ikasal kami at ngayon ay nagsusuka na siya.

"Hindi ba't paborito mo ang pizza? Bakit nagsusuka ka?" nagtatakang tanong ni Sevi.

Napalingon siya sa akin at nagtataka kung bakit nakangiti ako.

"Buntis si Ax Sevi" excited na sabi ko habang hinahaplos ang likod ni Ax habang sumusuka ito sa lababo.

Nanlaki ang mata nito tsaka lumingon kay Ax. Napangiti ito tsaka lumingon sa akin.

"Congrats" tuwang tuwa na sabi ni Sevi.

Patakbo akong pumunta ng dinning area at binulabog silang kumakain.

"Buntis na si Ax" tuwang tuwa na sabi ko.

"Yeah halata naman" nakangiwing sagot ni Yvez.

"Congrats magiging ama ka na" sabi ni Tristan.

"Magiging Kuya na 'ko?" tuwang tuwa na tanong ni Wayan, tuwang tuwa din akong tumango.

"Hoy Luxzell 'yung asawa mo dito alalayan mo!" inis na singhal ni Sevi.

Patakbo naman akong nilapitan si Ax tsaka nilingon ang mukha nito. Nanghihina siya sa pagsusuka.

"Mahal buntis ka mahal" excited na sabi ko na nagpapapadyak pa.

"Psh alam ko" singhal niya habang nagpupunas ng tissue sa labi.

"Magpacheck up tayo ha" paglalambing ko pa.

Tumango naman siya. Inalalayan ko itong makaupo sa tabi ko. Itinabi ko ang pizza tsaka nilagyan ng gulay ang plato niya.

"Bakit naman puro gulay? Para naman akong kambing niyan" singhal ni Ax.

Natawa naman ang mga kasamahan namin sa pagkain.

"Masustansiya 'yan" nakangusong sabi ko.

"Psh" singhal lang an naisabi nito.

Nang matapos kaming kumain ay nagyaya ako na magpacheck up siya para maconfirm kung buntis talaga siya.

"Congrats. You are 1 month pregnant" nakangiting sabi ng doctor  na nagcheck up sa kaniya.

Lalong lumapad ang ngiti ko tsaka napatingin sa tiyan niya.

Narito na ako sa puntong sobrang saya ko talaga. 'Yung dating pinapangarap ko, nagkatotoo na. Hindi na ako makapaghintay na makita ang batang dinadala niya. Gusto ko ng maging ama. Naging ama ako kay Wayan at masaya ako doon pero iba pa rin 'yung pakiramdam na kadugo mo talaga.

Yung sayang naramdaman ko 'nung makitang lumalaki ang tiyan ni Allirah, doble pa 'nung si Ax na. Hindi lang doble kundi triple pa ang saya ko. Hindi na ako makapaghintay!

----------->

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now