CHAPTER 55

20 1 0
                                    

(055)

AXQUECIA POV

Tatlong araw na ang nakakalipas at hindi talaga 'ko pinapansin ni Lux.Hindi ko alam kung anong gagawin ko.Mayroon sa isip ko na hayaan na lang siya dahil ang totoo ay wala naman akong kasalanan pero mayroon din nagsasabing paano kami magkakaayos kung hindi ako gagawa ng paraan.

Talagang nakakainis dahil dinadaan daanan niya lang ako at walang pakealam sakin,hindi lang talaga 'ko sanay.

Nasa computer laboratory ako ngayon,nagreresearch ng assignment na binigay samin.Wala naman akong gagawin kaya naisipan kong tumambay dito.Wala kaming pasok sa UCSP kaya dito ko naisipang pumunta.Walang ibang pumapasok sa isip ko kundi kung paano kami magkakasundo ni Lux.

So ako nga ang manunuyo ganu'n?What the heck!Ang taas taas naman ng pride niya kung ako ang gagawa ng paraan para magbati kami.Para ano?Para umasa na lang siya na sa tuwing mag aaway kami ay ako ang manunuyo?What the f-Argh!!!

Nagmaktol akong lumabas ng computer lab.Nanlaki ang mata ko ng saktong paglabas ko ng computer lab ay si Lux ang bumungad sakin.Halos masubsob ako sa dibdib niya sa pagkabigla pero madali akong nakaiwas.

"Sorry" seryosong sabi niya tsaka gumilid para makapasok ng computer lab.

Parang nangiilid ang luha ko.Bakit ba ganito?Wala naman sa isip ko na masaktan ng kung sino lang.Ang nasa isip ko dati ay 'wag magseryoso ng kung sino.Na hindi na 'ko magkakagusto agad agad.Na hindi ko sasaktan ang sarili ko dahil lang sa pesteng pag ibig na 'yan.Pag ibig ang pota!Kalokohan psh.

Padabog akong naglakad palayo sa computer lab at wala ng balak pumasok.Pumunta ako ng park at do'n binuhos ang lahat ng oras ko.

SEIRHO POV

Alam ni Lux na hindi ko pinapansin si Axquecia.Hinayaan niya lang ako.Ang alam ko nga ay magagalit siya pero nakakapagtaka ang sinabi niya sakin.

-flashback

"Lux,alam mo na yata ang dahilan kung bakit ko iniiwasan si Axquecia hindi ba?" tanong ko sa kalagitnaan ng pagkain namin.

Napalingon siya sakin.Panigurado naman kasing nababasa niya ang isip ko kahit na hindi na 'ko magsalita.Alam niyang iniiwasan ko si Axquecia dahil kailangan kong panindigan ang sinabi ko na iiwas ako sa kaniya once na lumapit pa siya kay Mallix.

"Do what you want" malamig na sabi ni Lux na pinagpatuloy ang pagkain.

Hindi ko maintindihan kung bakit nanlamig siya pagkatapos uminom ng alak.Hindi ko alam kung apektado pa rin ba siya ng alak na ininom niya kagabi.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kaniya tsaka sumubo ng kanin.

Tumingin siya sakin pero nag iwas din agad ng tingin at nagbuntong hininga.Para bang ang lalim ng iniisip niya.Nanatili akong nakatingin si kaniya at naghihintay ng sagot.

"Marami lang akong iniisip" seryosong sabi niya tsaka nagpatuloy ng pagkain.

-end of flashback

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa din kung ano ano ang mga naiisip ni Lux.Para bang nagsisi ako na pinatanggal ko ang nakaprogram sakin na nababasa ko ang isip niya.Ngayon ay nahihirapan akong alamin kung ano ang bumubulabog sa isipan niya.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now