CHAPTER 105

7 0 0
                                    

LUXZELL POV

"BAKIT HINDI KA MACONTACT?" seryosong tanong ni Ax nang makapasok ako ng bahay nila.

Hindi ko alam kung galit siya o ano.

"W-walang signal doon" sabi ko na lumapit agad sa kaniya.

Nakauwi na kami ni Allirah at pilit kong kinakalimutan ang napag usapan namin. Gusto kong tumulong pero tumatanggi siya.

"Kamusta naman ang trabaho?" tanong ni Ax sa akin.

Lumapit ako sa kaniya at ginawaran ito ng mahigit na yakap.

"Ayos naman" sagot ko tsaka inihiga ang ulo sa balikat niya.

"Are you tired?" tanong niya na hinaplos pa ang buhok ko, napangiti naman ako tsaka tumango.

"Papa" napalingon ako ng tawagin ako ni Wayan.

Lumapit ito sa akin at niyakap din ako.

"Are you tired Papa? Let's sleep" yaya niya na hinila pa ako sa kwarto niya.

Napalingon naman ako kay Ax, ngumiti ito tsaka tumango. Sumama din siya sa amin. Mallit lang ang kwarto ni Wayan, pang bata talaga tsk tsk.

Akala namin ay sa maliit na kama kami ni Wayan hihiga, hindi pala. Kumuha si Wayan ng malaking sapin at inilatag sa sahig. Nagkalingunan pa kami ni Ax bago ito tinulungan. Kumuha ito ng tatlong unan, maliit pa tsk tsk. Inabutan kami ni Ax ng unan tsaka sinenyasan na matabi sa kaniya.

Nagkalingunan pa kami ni Ax bago nahiga sa magkabilang gilid ni Wayan. Ngumiti si Wayan na naglilipat lipat pa ng tingin sa aming dalawa ni Ax. Hinila niya kaming dalawa para lalong mapalapit sa kaniya tsaka ito pumikit habang hawak hawak ang magkabilang gilid ng damit namin ni Ax.

Nagkalingunan ulit kami ni Ax tsaka wala sa sariling parehong napangiti. Pumikit na din si Ax kaya pumikit na rin ako.

"Luxzell" tawag sa akin dahilan para mapamulat ako ng mata, nakatulog na pala ako.

Bumungad sa akin si Ax na nakangiting tinititigan ang mukha ko tsaka dinampian ako ng halik. Napalingon ako sa paligid, wala na si Wayan. Napalingon ulit ako kay Ax pero dinampian niya ulit ako ng halik. Napangiti ako kasabay ng pagkagat sa sariling labi dahil sa ginagawa niya. Naupo ako tsaka nag stretching pa bago tumayo.

"I love you"

Gulat akong napalingon kay Ax nang sabihin niya 'yun. Wala ako sa sariling napangiti habang tinititigan siya. Napalapit ako sa kaniya, natawa naman siya sa reaksyon ko.

"Say it again" sabi ko sabay tingin sa labi niya.

Nang aasar naman siya dahil kinagat niya ang sariling labi tsaka dinilian ang labi niya pagkatapos ay ngumiti, nanunukso. Kunot noo ko siyang tinignan, sinusubukan alamin kung anon ang nasa isip niya.

"I love you"

Pag uulit niya sa kaninang sinabi. Napangiti ako ng todo tsaka siya sinunggaban ng halik. Nang matapos ay hinila ko na siya palabas. Iniiwasan kong tumagal masyado dahil ayaw ko ng mabastos siya.

Naabutan namin na pinapakain ni Yaya Yna si Wayan. Naupo naman kami ni Ax tsaka sumabay na din kumain.

AXQUECIA POV

"Saan ka pupunta? Mukhang nagmamadali ka?" tanong ko kay Lux nang mapansin na nagmamadali itong umuwi galing klase.

"Excited lang akong pumunta ng sementeryo, bbisitahin ko lang pamilya ko" natural ang ngiti niya habang sinasabi 'yun.

Napalingon ako sa paligid. Normal lang na araw ng klase at uwian na pero marami pa ding estudyante ang pagala gala sa loob ng campus. Napatingin naman ako sa relo ko. Maaga pa.

"Samahan na kita" prisinta ko.

Lalo namang lumapad ang pagkakangiti ni Lux. Psh expressive.

"Talaga? Tara! Bili na rin tayo ng bulaklak" sabi nito na halatang tuwa tuwa talaga tsaka ako inalalayang makasakay ng kotse.

Tulad ng inaasahan, dumaan nga kami ng flower shop para bumili ng bulaklak. Pagdating namin ng sementeryo ay medyo madilim na, wala masyadong tao kaya nangilabot ako.

"N-nakakatakot naman dito, wala masyadong tao Lux" bulong ko sabay hawak sa braso niya.

Natawa naman siya. "Wag kang matatakot kung ako ang kasama mo" sabi ni Lux sabay akbay sa akin.

Hindi mahinto ang paglibot ng mata ko. Iilan lang ang tao, kung sa tutuusin nga ay kayang bilangin gamit ang daliri sa sobrang kaunti. Nakakatakot! Si Dad at Kuya kasi ay palagi akong tinatakot 'nung bata ako kaya kahit malaki na 'ko ay natatakot pa din ako sa ganitong bagay.

Naupo na nga kami kung saan ang puntod ng pamilya ni Lux. Nakangiti ito habang pinupunasan ang mga ito, nabaling ang tingin ko sa mata niya. Natural na ang mga ngiti niya. May kung anong lungkot pa din naman pero hindi na 'yung sobra tulad ng dati.

"Kamusta na kayo Dad?" tanong nito sa puntod na akala mo naman ay sasagot ito.

Napalunok ako ng kagatin nito ang sariling labi tsaka bumuntong hininga. Napayakap ako sa kaniya ng may marinig akong kaluskos. Narinig ko ang pagtawa ni Lux tsaka niyakap ako ng mahigpit. Aligaga akong naglibot ng tingin sa paligid. Hindi naman kasi maliwanag ang parteng ito!

"Yung babaeng leader ng sisterhood, takot sa aswang tsk tsk" bulong ni Lux na natatawa pa.

Napanguso naman akong napatingin sa mata niya. Parang may kung anong kinang ang makikita mo doon. Ang ganda ng kulay ng mata niya. Dark brown kung makikita mo ng malapitan.

Hindi rin naman kami nagtagal dahil napansin yata ni Lux ang pagiging aligaga ko kaya agad kaming umalis ng sementeryo. Pumunta kami ng park tsaka kumain ng streetfoods.

"Paborito mo ang kwek kwek ah" sabi ni Lux habang may nguya nguya pa, napatango naman ako. "Mas masarap naman ako diyan" bulong niya pero narinig ko.

Napasinghal na lang ako tsaka nagpatuloy sa pagkain. Ginagawa na yata namin 'to ni Luxzell tuwing uwian, nakasanayan na.

"Gusto mo ba ulit sumakay ng ferris wheel?" inosenteng tanong ko.

Nawala ang ngiti nito sa mukha at napalitan ng seryoso. "Kung papasakayin mo lang naman ako doon, saksakin mo na lang ako"

Natawa naman ako sa sinabi niya. Talagang ayaw niya ng sumakay.

Hinawakan niya ang kamay ko tsaka hinila palapit sa kaniya. Nagulat ako ng bigla niya akong halikan kaya hindi ako nakabawi. Nagtataka naman ang tingin niya nang maghiwalay ang labi namin tsaka muli akong hinalikan, doon na ako bumawi ng halik at hindi pinansin ang mga matang nakamasid sa amin.

--------->

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now