CHAPTER 10:Welcome Party

35 5 0
                                    

(010)

  Welcome Party

LUXZELL POV

"Your so handsome"kitang kita ang paghanga ni Mom nang makita ang kabuuhan ko.

Suot ko na ang formal suit na pinabigay ni Dad kahapon.Nakangiti naman ako habang tinitignan ang sarili sa malaking salamin sa sala.

"Where's Lexzia?"tanong ko na bumalik sa kinauupuan para suklayin ni Mom ang buhok ko.

"Nasa J.A Company.Do'n pinaayos ng Dad mo si Lexzia."tuwang tuwa na sabi ni Mom.

Alam ko naman kasing gwapo na 'ko kaya hindi na kailangan magpaayos ng todo.

6:30 pm na.Maya maya ay aalis na kami ni Mom habang si Dad naman ang kasama ni Lexzia.

Hindi mawala ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang kabuuhan ko.Paniguradong pagtitilian ako ng mga babae kapag nakita ako.

Nasa byahe na kami.Driver ni Mom ang nagmaneho.Ayaw daw ni Mom na magmaneho ako para makapagrelax muna.

Yung kaba ko ay nawala panandalian dahil excitement ang nararamdaman ko ngayon.Sobrang excitement.

"Were here"tuwang tuwa na sabi ni Mom.

Bumaba ang driver at unang pinagbuksan si Mom ng pinto sunod ako.

Nagsimula nanamang magsilingunan ang lahat at kitang kita ang paghanga sa mga mata nila.Todo naman ang ngiti ko ng makita ko si Tristan at Yvez na todo din ang ngiti sakin.

"Sobrang ganda mo Tita huh.Kaya ako nagmana sa inyo e"pang uuto ni Tristan kay Mom na niyakap ito.

"Good eve tita.Your pretty"sabi ni Yvez na niyakap din si Mom.

"Good evening.You look good,both of you"sabi ni Mom.

Napasinghal naman ako.
Sabay sabay kaming pumunta ng pool area.Sabi kasi ni Dad ay dito na lang gaganapin para hindi na maglipat lipat.

Marami ang matang nakatingin saming tatlo at halatang halata ang paghanga sa kanilang mga mata.Maliwanag din ang pool area at sobrang iwas ng open field para magkasya lahat ng estudyante.Marami ding rounded table na may 4 chair.Anywhere pwede kang maupo.Maliwanag din ang pool dahil sa liwanag na nanggaling dito.

"7:15pm na.Marami na ang estudyante pero parang wala pa ang kapares mo"sabi ni Tristan ng maiwan kaming tatlo.

Nangunot naman ang noo ko habang lumingin lingon sa paligid.

"Uhmygashh Ganda ni Lexzia huhu"
"Waaaaahhh lexziaaaaa!"
"Goo lexzia!Galingan mo mamaya"

Rinig kong sigawan dahilan para makita ko ang kapatid ko.Akala ko ay kasama niya si Dad pero driver lang ni Dad ang nakita ko.Patakbo akong lumapit sa kaniya.

"Lexzia"tawag ko sa kaniya dahilan para mapalingon siya sakin.

Namangha rin ako sa ganda niya.Bagay sa kanya ang dress na kulay maroon.Kulay maroon din ang sandals niya.Kitang kita ang puti niya at tsk tsk nagmana sakin ang gandang mukha.

"Woah.You look pretty lil sis"namamangha na sabi ko.

Ngumiti naman ito."Always."napangiwi naman ako.Pati yata yabang ay nakuha niya sakin.

"Where's Dad?"nagtatakang tanong ko.

"May biglaang meeting.Darating daw siya eksakto alasyete"sagot nito tsaka naglakad palayo.

Sa lahat ng tao dito,kapatid ko lang ata hindi pumuri sa kagwapuhan ko tsk tsk.

Bumalik naman ako sa pwesto naming tatlo.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now