CHAPTER 73: LONDON

7 0 0
                                    


LUXZELL POV

"XYBRILL" sabi 'nung isa dahilan para mag tayuan ito at magsiyukuan ang mga babae at muling naupo para ipagpatuloy ang  pagkain.

Automatic akong napatingin sa likod. Hindi nga ako nagkakamali at narito na si Xybrill.

"Axie" sabi niya agad ng nakangiti tsaka bumaling ang tingin sa akin pero muling natuon kay Ax.

Siguro ngayon ay may karapatan na akong makealam dahil girlfriend ko na si Ax sa pagkakataong ito at hindi ko pa rin nakakalimutan ang kababuyang ginawa niya.

Mas malaki naman 'yung akin tsk tsk.

"Xy" natural ang pagkakangiti ni Ax kay Xybrill at akalain mo nga namang may tawagan pa sila.

"A-Axie, I-Im so sorry sa ginawa k—"

"Wag mo ng ipaalala, nakalimutan ko na 'yun" nakangiting sabi ni Ax dahilan para mawala ang pangamba sa tingin ni Xybrill.

"Nice to see you again here" sabi ni Xybrill na bahagya pang yumuko kay Ax.

Nginitian lang siya ni Ax tsaka humarap sa mga babae.

HAHAHAHAHAHAHAHA BUTI NGA SAYO UROR.

"I'm here to say that I leave this group" sabi ni Ax na ikinatigil ng mga ito, kahit na ako.

"Why?"
"You leave again?"
"You're back in the Philippines?"

Tanong ng mga babae na halata ang pagtataka sa itsura. Ayaw ba nilang maiwan ni Ax? Sabagay kahit ako ay ayaw kong maiwan ni Ax tsk tsk.

"W-What do you mean Axie?" naguguluhang tanong ni Xybrill pero hindi siya nilingon ni Ax.

Tanga! Ako na mahal niyan!

Nilingon ako ni Ax at nginitian tsaka hinawakan ang kamay ko na bumaling sa mga babae. Bumaba ang tingin ng lahat sa kamay na magkahawak namin lalo na ni Xybrill.

Tsk tsk. May asawa na pero halatang may gusto pa siya at pinipigilan niya lang 'yun. Hindi ko tuloy maintindihan kung bakit naging pinsan ko 'to e wala sa lahi namin ang babaero.

"I'm not the old Axziah" sabi niya na ikinagulat ng lahat.

Ano bang nakakagulat?

"Are you serious of that?" natatawang tanong ni Almira, 'yung nag aannounce kanina.

Tumango si Ax. " This guy in front of you is the reason why I changed a lot" sabi ni Ax dahilan para lingunin ako ng mga babae.

Lalong tumaas ang confident ko sa sarili ko dahil sa sinabi ni Ax. Tumindig ako ng may yabang at sinasalubong ang tingin ng bawat isa.

"Seriously? It means you are s—"

"Yes" sagot ni Ax dahilan para ikatigil ng lahat lalo na ni Xybrill.

You are what?

"You can't do that Axie" singhal ni Xybrill dahilan para lingunin siya ni Ax.

"Ofcourse I can. I made this group and I can make my own decision" seryosong sabi ni Ax.

Napakunot ang noo ko. Hindi ko sila maintindihan. Naglilipat lipat lang ako ng tingin sa kanila at naghihintay ng susunod na mangyayari.

"Don't you say that this hood will signing off?" kunot noong saad 'nung isang babae, halatang puro kaedad namin.

"Ofcourse not. I can't do that Melody" sabi ni Ax ng nakangiti.

"Say it directly Axziah" sabi ni Almira na tumalim din ang tingin.

"I'm Axziah is now signing off as the foundress of the Laveriosa Sisterhood" sabi ni Ax dahilan para matigilan ang lahat lalo na 'ko.

Yumuko ito ng matagal at hinarap ang lahat.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now