CHAPTER 31

30 2 0
                                    

(031)

LUXZELL POV

Hindi ko inaasahan na pupunta si Ax sa mismong bahay para lang magsorry.Yes inaamin kong wala kaming relasyon pero 'yung puntahan niya ako para magsorry lang at mag ayos ay sobrang sarap sa pakiramdam.Halos pigil kilig ako ng tawagin ako ni Mom at sinabing narito si Ax.

—flashback

Pagkatapos ng klase ay umuwi agad ako.Wala akong balak na tumagal pa sa Campus dahil isang katutak din ang tanong nina Tristan at Yvez.Wala akong ibang gusto kundi ipahinga ang isip ko.

Hindi tanggap ng kaluluwa ko ang nakita ko kagabi.Sa sobrang kadiri ng pangyayari ay hindi ko kayang ikwento kay Dad at tito Primo dahil hindi katanggap tanggap ng sistema ko.

Iniiwasan ko din na bugbugin ni tito Primo si Xybrill dahil nakita ko na kung paano nagalit si tito kahit reaksyon pa lang 'yun.Kahit hindi maganda ang ginawa ni Xybrill ay iniisip ko pa din siya dahil bukod sa pinsan ko siya ay may kailangan pa siyang pamilyang uwian sa London.

Ang naging desisyon ni Dad at tito Primo ay pauwiin siya sa London at nakiusap sa akin na 'wag ko ng sabihin kay Ax.

Nasa kwarto ako ni Mom at nagbabasa ng librong naroon sa kwarto niya.Hubby ko na yata ang pagbabasa ng mga libro.Halo halo ang binabasa ko,may about sa studies at may pocket books.

"Lux"tawag ni Mom na kumatok pa sa pinto.

Napatayo ako sa pagkakahiga at patakbong pumunta ng pinto para pagbuksan niya.Pagbukas ko ay nakita si Mom na nakatingin sa baba.Nangunot naman ang noo ko.Dahan dahan siyang lumingon sa akin at biglang kumunot ang noo.

"Axie is here.She wants to talk to you"

Nanlaki naman ang mata kong napatitig sa kaniya.Totoo ba?May kung anong kuryente sa dibdib ko ng marinig ang linyang 'yun.Pumunta siya dito para makausap ako?Paano niya naman nalaman na dito ako nakatira?tsk tsk hindi na malabo dahil pwede niyang itanong 'yun kay Dad o kay tito Primo anytime.

"She looks like not fine.Why she wants to talk to you?"kunot noong bulong ni Mom na lumilingon lingon sa baba na akala mo naman ay maririnig ni Ax."May problema ba kayo?"tanong ni Mom na nilingon ako.

May problema ba kami o ako lang ang may problema?

Napabuntong akong nag iwas ng tingin."I talk to her Mom"sagot ko.

Pero may kung anong tuwa talaga sa sistema ko ng malaman ko na pumunta siya dito para lang kausapin ako.Masarap sa pakiramdam.

Nauna na akong bumaba at nasilip ko na nga agad si Ax.Pigil kilig ako ng harapin siya at dahil sa pagkakatitig ko sa kaniya ay hindi ko napansin ang pagpapaalam ni Mom dahil tutok ako sa kaniya.Nakauniform pa siya at halatang hindi pa umuuwi at dito agad tumuloy tsk tsk.

Hindi mo alam kung paano mo 'ko napasaya ngayong araw.

—end of flashback

Nasa kwarto pa din kami at magkayakap.Napakunot na lang ang noo ko ng marinig ko siyang suminghot.Bigla ko na lang siyang iniharap sakin at kunot noong sinilip ang mukha niya.

Umiiyak siya?

Hindi awa ang naramdaman ko kundi tuwa.Hindi ko din maintindihan pero natutuwa ako kasi sa tapang,yabang,topak at pagtataray niya ay ito ang isa sa mga katangian niya,ang iyakin.

"Why are you crying?"natatawang tanong ko,hunahagalpak ng tawa.

Hindi pa rin siya tumitigil pero humina na lang.Umiiyak siya sa sariling palad.Kumuha ako ng panyo sa cabinet na katabi ng pintuan at dahan dahang inalis ang kamay niya sa mukha niya at inangat ang mukha niya.Pinunasan ko ang mukha niya pero hindi pa rin ako natigil kakatawa.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now