CHAPTER 21:BICOL

33 2 0
                                    

(021)
Bicol

LUXZELL POV

"Oh kumain ka"sabi ni Ax ng makabalik kami ng hotel,nilagyan niya ako ng sisig sa plato.

Ngumiti naman ako tsaka tumango,pinagpatuloy ang pagkain.

Nag eroplano kami para makabalik ng maaga,natagalan lang pagdating sa airport dito sa Naga dahil kung ano ano pang binili ni Ax na pagkain.Pinadrive niya naman sa tauhan niya ang kotse niyang naiwan sa airport.

Hindi mawala sa isip ko yung halikan niya 'ko.Hindi ko masasabing normal 'yun sa isang tao.Gust kong itanong sa kaniya na anong kahulugan ng halik niya?kaso duwag ako.Tulad ng kay Zev,gusto niya ako at naghihintay lang siya na ligawan ko pero wala akong lakas na gawin 'yun sa kaniya.

Tulad ngayon,naduduwag akong magtanong kung ano nga ba 'yun kay Ax o talagang bulag lang ako at naiintindihan ko naman talaga pero naguguluhan lang ako.Gusto kong kumpirmahin kung ano 'yun at kung para saan 'yun.

Alam kong wala akong nararamdaman kay Ax at kung itatanong sakin kung para saan 'yung halik,wala sakin 'yun.Alam kong mali pero sa tuwing gagawin namin 'yun mayroon sa parte ko na gusto kong ako lang,ako lang ang pwede niyang halikan kahit wala kami.Malabo ang lahat.Kahit ako hindi ko maintindihan.

Siguro nga gusto ko si Ax pero hindi nun kayang pantayan yung pagkagusto ko kay Zev.Sobrang sakit na malaman kong kapatid ni Ax ang magiging ama ng anak ni Zev.Sobrang sakit na sabihin niyang hindi siya nagsisisi na magiging ama si Xian dahil una palang hanggang dulo ay ipinaramdam ni Xian na mahal siya habang ako panliligaw pa lang hindi na kaya.

Mayabang ako pero pagdating sa babae duwag ako.Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil sa kaduwagan ko,yung babaeng gusto ko napunta sa ibang tao na dapat sakin.Ako pa ang nagtulak sa kaniya na gawin niya 'yun.Dahil sa halik ko sa ibang babae nabago ang isip ng babaeng gusto ko.

"Beer"abot sakin ni Ax sa kalagitnaang pag iisip ko.

Hindi ko namalayan na nakaligpit na ang kinainan namin at hindi man lang ako nakapansin.

Napayuko ako at nagbuntong hininga tsaka inabot ang beer niya na nilagay pa sa basong may yelo.Nilagok ko ang kalahating laman ng baso ng dire diretso.

Napapikit ako at napayuko sa sobrang pait at kakaibang epekto sa dibdib ko.

Narinig kong nagbuntong hininga si Ax kaya napalingon ako sa kaniya.Nakaupo siya sa sofa,sa gilid ng inuupuan ko galing sa dinning area.May hawak din siyang beer sa baso.Nakadekwatro at nakapatong ang kaliwang kamay sa andayan ng sofa.Nakatingin sa bote at lumingon sakin.Napalunok ako sa kakaibang tingin niya.

"Ganiyan din ang nangyari sakin kaya ako nagloko"seryosong sabi ni Ax at tumingin sa kawalan.Naantig ang interes ko sa sinabi niya."I have boyfriend,ex I mean"natatawang kwento niya."3rd year high school ako sa London nang makilala ko si Xybrill.Naging boyfriend ko siya"sabi niya na tumatango tango pang lumingon sakin."He's smart,handsome,gentleman and I think all attractive in boys is can see to him"kwento niya tsaka yumukong tinignan ang beer."1 year na kami,anniversarry namin nung araw na 'yun"dagdag niya na ngumiti nanaman sa kawalan"Umamin siyang may nabuntis siya"biglang gumuhit ang lungkot sa mata niya,ang bilis niyang pangilidan ng luha sa mata."Sobrang sakit dahil kung kailan nagseseryoso na 'ko,do'n siya nagloko"sabi niya na natatawa pa tsaka lumingon sakin."Loko ako dati."dagdag niya na yumuko pa."Lahat ng naging ex ko hindi ko sineryoso.Lahat ng karelasyon ko hindi ko sineryoso dahil natauhan akong masaktan ulit gaya nung sa first boyfriend ko"tumingin ulit siya sa kawalan na para bang inaalala ang sakit."First love kung ituring ko"nakangiting sabi niya na nilingon ako."Muli akong nagseryoso ng makilala ko si Xybrill.Well,in my mind that day I need to be serious because we are 1 year in a relationship then boom"sabi niya na inakto pa ang kamay na nakapatong sa sofa na animoy sumabog."He tell the truth.He's exgirlfriend is pregnant and he is the father."nakangiting sabi niya pero kita ko ang pamumuo ng luha sa mata niya."After that,balik ako sa pagloloko until I back on this place"sabi niya na nilingon ako.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now