CHAPTER 91: BICOL

11 0 0
                                    

AXQUECIA POV

Tang*na! Padabog akong pumasok ng bahay dahil basang basa ako ng ulan. Matapos kasi ng usapan namin ni Lux at Mrs. Salvador ay hindi na ako nag abalang magpahatid pa kay Lux dahil alam kong busy siya.

Biglang umulan ng pagkalakas lakas at dahil malayo ang kotse sa pwesto ko ay kailangan kong magpaulan. Hindi rin pwedeng maghintay kung kailan matatapos ang ulan dahil base sa dilim ng langit ,malabong matapos agad ito.

"Oh? Bakit nagpaulan ka naman? Malilintikan ka niyan kay Primo" bungad na sabi ni Yaya Yna nang makapasok ako ng bahay.

"Ayos lang. Ililigo ko lang 'to" sagot ko tsaka pumunta ng kwarto at doon naligo.

Matapos kong maligo ay bumaba ako para kumain. Wala si Yaya Yna at paniguradong naglalaba 'yun. Tumingin ako sa refrigerator at naghanap ng pwedeng kainin. May nakita akong mango graham kaya 'yun ang kinuha ko para kainin.

"Aba'y bata ka! Nakain kang malamig e naulanan ka na nga!" sita nito sa akin pagkalabas ng banyo.

"Mainit kaya Yaya" natatawang sabi ko tsaka pinagpatuloy ang pagkain, napasinghal naman ito.

Naubos ko ang isang plato ng mango graham, masarap.

Nang gumabi ay nasa byahe na nga kami. Nakasakay kami sa private plane ni Luxzell kasama sina Tristan, Yvez, Seirho, Nix at... Psh si Alisha.

"Kanina ka pa nakakunot ang noo ha! Anong chika?" tanong ni Nix na naupo sa kama.

Nakahiga lang ako habang masama ang tingin kay Alisha.

"Hindi ko alam kung saan napulot ni Dad ang mga Salvador na 'yan" inis na singhal ko.

Napalingon naman si Nix kay Alisha na busy sa cellphone na hawak nito. Nakaupo naman ang mga lalaki habang nagkekwentuhan.

"Nabalitaan ko nga ang bagay na 'yun kay tito Primo. Akalain mo nga namang kay Luxzell pinabantay ng nanay niyan." Pabulong na sabi niya, napasinghal naman ako.

Lalong umusok ang tainga ko ng makitang inabutan ni Luxzell si Alisha ng chips. Kinuha naman 'yun ni Alisha at nginitian pa si Luxzell. Psh ang pangit mo ngumiti.

Padabog akong dumampot ng kumot at kinumutan ang katawan ko. Tumabi naman si Nix sa akin at nakishare pa ng kumot.

"Mukha namang hindi malandi si Alisha ah" bulong ni Nix na niyakap pa ako.

"Psh, oo mas malandi ka pa nga tignan e" inis na sabi ko.

"Excuse me? Napakaharsh na ng bunganga mo ah" napasinghal na lang ako. "Pero totoo, parang wala namang balak si Alisha sa jowa mo"

"Wala nga" tipid na sagot ko pero naiinis pa din ako. "Sana nga wala" sabi ko.

Nang dumating ang gutom ko ay naupo na ako sa dinning area. Hindi rin naman ako makatulog. Nagbukas ako ng isang box ng pizza habang nakihalubilo naman si Nix kina Tristan. Napalingon ako ng lumapit si Lux at nagtatakang lumingon sa akin.

"Ang tahimik mo yata ngayon" nakangiting sabi nito pero lalo lang napakunot ang noo ko.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako sa gilid, hinahalik halikan ang noo ko. Hindi ko siya pinansin at basta na lang sumubo ng pizza.

"Kain" yaya ko kina Tristan na agad ding lumapit.

"Tara Alisha kain ka" yaya ni Lux na inalis ang pagkakayakap sa akin.

Lumapit naman si Alisha at naupo sa tabi ni Lux. Tang*na, ito pa lang ang ginagawa nila nagseselos na 'ko.

Inabutan ni Luxzell si Alisha ng box ng pizza, pinagbuksan pa ng box. Napalingon ako kay Nix ng maubo ito, pinandilatan niya ako ng mata na hindi ko naman naiintindihan ang pinupunto niya. Tumayo ako at naupo sa sofa. Ramdam ko ang tingin nilang lahat sa akin pero hindi ko na lang pinansin at tinuon ang tingin sa phone ko.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now