CHAPTER 3

42 5 0
                                    

(003)

AXQUECIA POV

"What's wrong?"nang aasar ang tono ni Dad.

Nasa restaurant kami dito sa Pasig.Ayaw ko sanang sumama pero hindi rin nagpapatalo agad si Dad sakin sa bangayan at ito kami ngayon.Inaasar ako.Psh.

"Ang sabi mo ay itatransfer mo 'ko sa School kung saan tahimik ang paligid ko.Pero Wtf Dad,halos lahat kilala ako"hindi na ata maalis ang pagtataray sa tono ko.

Nagtransfer ako para tahimik ang paligid pero hindi ko inaasahan na lalong uugong ang pangalan ko sa paaralang 'yun.

"Hindi ko na masisisi kung kilala ka ng lahat tsaka ano bang masama na maraming nakakakilala sayo?"may halong pang aasar talaga ang tono ni Dad.

"Privacy.Katahimikan"tipid na sagot ko.

Napangiti naman si Dad na tumango tango pa.

Hindi naman sa maarte ako.Ayaw ko lang binabanggit ang pangalan ko ng kung sino sino.Naiinis ako sa hindi ko malamang dahilan.

Lumaki akong tahimik at normal pero ngayon biglang uusbong ang pangalan ko na wala akong ginagawa.Nakakainis.

"Hi Dad"napalingon ako ng dumating si Kuya."Axie how are you?"tanong niya sakin.

"Fine"tipid na sagot ko.

Ngumiti naman ito tsaka tumabi sakin at inakay pa ang braso sa balikat ko.Inalis ko naman 'yun.

Masama ang pagkakatingin niya na para bang wala akong karapatan na tanggihan siya.

"How's your school Xian?"nakangiting tanong ni Dad kay Kuya.

Tumango naman si Kuya na tumingin pa sa malayo."Walang bago Dad.Tulad ng dati,ang pag aaral ay boring para sakin"nakangiwing sabi nito.

Napasinghal na lang ako.

Tamad ka lang talaga mag aral palibhasa sayo lang din naman mapupunta ang kompanya.

"Alam mong kailangan mo pa rin mag aral Xian."pangaral ni Dad.

Tumango naman si Kuya at alam niyang wala siyang magagawa kapag si Dad na ang nagsalita.

LUXZELL POV

Andito ako ngayon sa pinakapaborito kong parte ng bahay.My Laborator.My Factory.My happiness.My everthing.Bukod kay Zev na kinababaliwan ko,ito ang pangalawa kong kinababaliwan.Ako lang ang nakakapasok sa sikretong lugar na 'to ng bahay.Kahit ang pamilya ko ay hindi nakakapasok dito.Alam nilang underground ang lugar na 'to.Nasa ilalim ito ng kwarto ko pero wala ni isang nakakapasok dito kahit sino man at ako lang talaga.Ang pinto nito ay ako mismo ang gumawa.Hindi ito di susi at kandado kundi body recognizer.Lahat ng parte ng katawan ko ay nakarecognize dito.Ulo hanggng paa.Automatic na mag oopen ito kapag dinikitan ko.Ganu'n ako katalino HAHAHAHA.

Narito ako  ngayon para ayusin ang mga order ni Mr. Alvarez.Tsk tsk.Hindi ko inaasahan na mag ama sila.Si Mr. Alvarez ay bussiness partner ni Dad at ni isa beses ay wala itong kinikwento about sa anak niya kaya ganu'n na lang ang gulat ko ng malaman kong kilala si Axquecia pero tagong tago ito sa Dad niya.Madalas na ikwento ni Mr. Alvarez ay ang panganay na anak na lalaki na maski isa ay hindi rin namin nakita.Nasa London sila nakatira at kakauwi lang nila ngayong buwan ayon sa pagkakaalam ko kaya siguro maraming nagsasabi na nagbabalik si Axquecia pero ang nakakapagtaka lang e paano nila nakilala ang babaeng 'yun?

"Kuya andito ang mga kaibigan mo"sigaw ni Lexzia sa taas dahilan para mawala ang mga tanong sa isip ko.

Bakit ba andito sila?Tsk tsk.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now