CHAPTER 64

29 1 0
                                    

(064)

TRISTAN POV

Parang nadudurog din ako ng makita si Luxzell na umiiyak pero agad ding pinupunasan ang luha para mapigilan ang pag iyak. Tapos na ang recognition, narito kami sa Parking Lot at kasama ko si Yvez at Seirho.

Alam na din nina Mallix at Vince at nakaramdam sa ng hiya dahil kailangan pa rrin nilang makipagkaibigan sa tunay na Luxzell.

"Lux. Tsk tsk dapat pala 'di na kita sinama para si tito na lang sumama sakin e" sabi ni Seirho habang hinahaplos ang likod ni Lux.

"Gusto ko lang makita at makausap si Ax, okay na 'ko" pilit ang ngiting sabi ni Lux habang nakayuko.Nagkalingunan naman kaming tatlo. "Pumunta naman talaga 'ko dito para kausapin si Ax pero ayaw niya pa din ako kausapin, palagi siyang umiiwas" kunot noong sabi nito.

Siya na nga 'yung Luxzell na kaibigan namin. Napakaemosyonal niya.

Illang araw na kasing iniiwasan ni Axie si Luxzell. Kahit kaming mga kaibigan nito ay iniiwas din, ayaw niyang kausapin siya na tungkol kay Lux. Bilib ako kay Lux dahil kanina, simula pa lang ng program ay namumula na ang mata niya at sobrang nagpipigil umiyak dahil nakikita niya ang iba na may kasamang magulang pero siya wala dahil wala na siyang pamilya.

Pinapatatag ni Axie ang loob ni Lux, kung alam niya lang. Siya ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng lakas ng loob si Lux na harapin ang katotohanan pero si Axie din ang dahilan kung bakit ito nasasaktan ulit. Gusto kong magalit kay Axie pero ayaw kong magalit din sakin si Lux. Naiintindihan ko naman si Axie pero pag dating sa kaibigan ko,lumalabo ang pagkamaintindihin ko.

"Bumawi ka sa kaniya" sabi ni Seirho.

"Yeah. Magbakasyon kayo sa kung saang lugar" suggest ni Yvez.

"Treat her a food" bibong sagot ko dahil napakaseryoso nilang lahat. Sabay sabay nanaman silang napalingon sa akin. Ano bang problema sa mga sinasabi ko? Tsk.

"Nice idea" sabi ni Yvez.

Napalingon naman sa akin si Lux. Parang may naiisip siyang ideya.

"We will help you" sabi ni Yvez na ikinatango namin ni Seirho.

Tumango tango si Lux na halatang may pumapasok na ideya sa isip niya.

AXQUECIA POV

Parang nakonsensiya ako dahil sa sinabi ni Dad sa stage kanina. Nasa bahay na 'ko ngayon, gusto magpaprty ni Dad pero tumanggi ako dahil feeling ko ay hindi ko rin maeenjoy.

Nasa kwarto ako ng pumasok si Wayan. Nakasimangot ito kaya napakunot ako ng noo.

"Mama." tawag niya sa akin at sumampa sa kama ko.

Napaupo ako.Lumapit siya sa akin at yumakap. Niyakap ko sin siya.

"Bakit? Naboboring ka ba dito?" tanong ko sa kaniya habang yakap yakap siya, nakapatong ang mukha ko sa ulo niya.

Tumango naman siya. "Wala po kasi si papa dito"

Natigilan ako at hinarap siya sa akin. Malungkot talaga ang mata niya. Para bang nakuha niya ang personality na Lux na napaka expressive ng mga mata.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now