CHAPTER 96: BICOL

8 0 0
                                    

LUXZELL POV

"Lux gising na" rinig kong tawag sa akin ni Ax kaya dahan dahan ako nagmulat ng mata.

Napangiti pa ako ng makasalubong ko agad ang tingin ni Ax nang magmulat ako. Dahan dahan ako bumangon at niyakap pa siya. Para bang masaya ang buong araw ko dahil siya agad ang bumungad tsk tsk.

"Good Morning" sabi ko habang yakap yakap pa din siya at nakapikit pa, medyo inaantok pa.

"Mmm. Tinuruan ako ni Seirho magluto, tikman mo 'yung niluto ko" sabi niya.

Nilingon ko naman siya at tuwang tuwa na tinignan ito.

"Talaga? Anong niluto mo?" tanong ko habang tumatayo at nagstretching pa.

"Scramble egg"

Natigilan ako sa sinabi niya at napatitig sa kaniya. Para bang nawala ang tuwa sakin.

Pinagmamalaki niya na ba 'yung scramble egg?

"Joke psh, sopas. Tara na" bawi niya agad na ngumiwi pa tsaka ako hinila kaso nagpumiglas ako.

"Maliligo muna ako" sabi ko inamoy pa ang sarili, mabango pa naman ako.

"Mamaya ka na maligo, lalamig na 'yung niluto ko" maktol na sabi niya, natawa naman ako.

"Toothbrush lang" sabi ko.

Lalo siyang sumimangot tsaka sinenyasan akong magmadali. Nagmadali nga akong nagtoothbrush. Para pa akong tanga dahil nakangiti habang nagtotooothbrush sa harap ng salamin.

Nang lumabas ako ay ako na ang humili kay Ax. Naroon na nga ang lahat ng kaibigan namin at pinagpepyestahan na ang mga pagkain.

"Alam mo Lux? Napakadamot ng jowa mo! Ayaw mamigay ng niluto niyang sopas. Alam mong paborito ko ang sopas e pinagdadamutan ako, marami naman 'yan!" maktol agad ni Tristan nang makaupo ako.

Napatingin naman ako sa mangkok na may sopas, marami nga ito. Napalingon naman ako kay Ax pero nginitian lang ako nito at sinenyasan akong tikman.

"Snob tsh" parinig ni Nix kay Tristan.

Nagsisimula nanaman silang magbangayang dalawa kaya nagsimula na akong sumubo ng sopas. Ninamnam ko ang sopas na niluto ni Ax. Para bang may naalala ako sa luto niya, natikman ko na rin ang ganitong luto. Masarap ang pagkakaluto niya.

"Si tita Lexzy lang talaga ang nagbibigay sa akin ng maraming sopas, hindi ko na aasahan ang iba diyan" sabi ni Tristan dahilan para mapalingon ako sa kaniya.

Naalala ko na. Si Mom. Si Mom ang nagluto ng sopas na kapareho nitong kay Ax.

"H-hala? Lux, sorry" sabi ni Tristan dahilan para matawa ako, natahimik kasi silang lahat.

Akala yata nila ay affected pa ako sa pagkakawala ng family ko pero nasanay na ako. Okay na sa akin ang bagong pamilyang mayroon ako ngayon.

"Ayos lang. Ito kasing sopas, parehas nang luto ni Mom at ni Ax" sabi ko na nilingon pa si Ax.

"Ibig sabihin masarap?" tanong ni Tristan kaya tumango naman ako. "Patikim" sabi nito na pilit inaabot ng kutsara ang mangkok ko pero iniiwas ko.

"Ayaw ko, sa akin 'to" sabi ko na pinagdadamot ang mangkok na may lagay na sopas.

"Psh mayroon pa do'n, kumuha ka do'n. 'Wag 'yung kay Lux" singit ni Ax.

Mabilis naman na tumayo si Tristan at kumuha ng sopas. Tsk tsk paborito niya talaga 'to.

Nagpatuloy lang ako sa pagkain. Nang matapos kaming kumain ay nagsiliguan na kami dahil pupunta na kaming falls. Narito pa din ako sa room na tinulugan namin ni Ax.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now