CHAPTER 46:SECOND VERSION

27 1 0
                                    

(046)
INTRAMURALS:SECOND VERSION

AXQUECIA POV

Kasama ko sina Tristan at Yvez at nasa Announcement Room na kami ng Campus.Narito na rin ang Miranda International School.Bilib rin ako sa laki ng Announcement Room na 'to dahil kasyang kasya ang lahat,may blangko pa ngang upuan.

Ang Announcement Room ng Campus na 'to ay para bang sinehan ang itsura.Mga kulay pulang upuan na malambot at may maliit na stage sa unahan.'Nung una ay akala ko ay sinehan talaga ang room na 'to pero Announcement Room pala.Psh.

Ang pagkakaiba lang ay maliwanag dito samantalang sa sinehan ay madilim.Mas malawak ang Room na 'to kaysa sa ordinaryong sinehan.

"Axie?"
"Ohmygash nasa CIS na si Axie!"
"Hala naexcite ako bigla"

Napayuko na lang ako ng magtilian ang mga taga Miranda International School.Masyadong maingay ang paligid.Naghalo ang ingay ng CIS at MIS.

"Axie" tawag ni Mallix na ikinalingon ko,lumapit naman siya. "Makikiupo kami" sabi nito kay Tristan.

"Psh.Tagal niyo" maktol ni Tristan.

Tumabi naman sa kaniya si Mallix at Vince.Nagigitnaan naman ako ni Yvez at Tristan.

"Good Morning CIS and MIS" announced ni Dad sa microphone.Natigil ang lahat at napatingin kay Dad.Todo naman ang ngiti ni Dad na nilibot pa ang tingin sa mga estudyante.

Nahahati ang mga estudyante.Nasa kaliwa ang CIS at nasa kanan ang MIS.Paniguradong may mga estudyante pang hindi pa dumadating.

"Halatang excited kayo dahil napaaga ang punta niyo.It was 6:30 am pero napakarami niyo na agad."natutuwang sabi ni Dad dahilan para magsigawan nanaman ang mga estudyante."Para hindi kayo maboring ay may pakakantahin ako para sa inyo" nakangiting sabi ni Dad dahilan para mapangiwi ako,hindi ko nagugustuhan ang suggestion niya dahil paniguradong a-"Axie.Can you please come here" sinasabi ko na nga ba psh.

"Ikaw daw" bulong sakin ni Yvez.

Napasinghal ako bago tumayo.Umugong ang paligid at may mga estudyante pang inaabot abot ako para lang mahawakan.

"Please calm down everyone" natatawang sabi ni Dad.

Sumimangot ako ng makalapit ako kay Dad pero pinagtawanan niya lang ako.

"Marami kang fan." Sabi ni Dad sa microphone.

"Yieeee"
"Akoooooooo"
"Wahhh mee"

Tilian ng mga babae.Kahit lalaki ay nakikisigaw din.

"Sing for them" nakangiting sabi ni Dad,napangiwi ako.

"Singgggg"
"Kantahan mo kami Axie"
"Wahhh get ready the camera"

Sigawan ng mga estudyante.

YVEZ POV

Natatawa ako sa reaksyon ni Axie dahil pinagtitripan nanaman siya ni tito.Hindi din kasi mahilig si Axie na humarap sa sobrang daming tao.Ayaw niya ng sobrang ingay.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now