CHAPTER 22:BICOL

30 3 0
                                    

(022)
Bicol

LUXZELL POV

Another day.Narito kami ngayon sa Tinago High School dito pa rin 'yun sa Naga City.Hindi namin parehong inaasahan ni Ax na makikita namin do'n si Lacson.Nakapila silang lahat na mga estudyante.Mga tauhan ni Dad ang nagrerelease ng pera.

Sabay kaming nagkalinungan ni Ax ng makita si Lacson.Wala pa lang salita ang namamagitan samin ay lumapit na ako do'n.Hindi ni Lacson inaasahan na lalapitan namin siya kaya nahiya ito.

"G-good morning L-lux,A-Axie"para siyang naiilang na banggitin ang pangalan namin sa mga kasama niya,kaibigan siguro.

"Good Morning."nakangiting bati ko."Pwede ka bang makausap namin saglit"sabi ko tsaka siya sinenyasan na sumunod.

Nagtaka naman ang mga kasama niya na palipat lipat ng tingin saming dalawa.Nag aalinlangan man si Lacson ay sumunod siya samin.Pumunta kami sa hindi kalayuan sa linya.

"Dito ka nag aaral?"tanong ko na nilibot ang tingin sa school tsaka nakangiting tumingin sa kaniya.

"Ah oo"sabi niya na napayuko pa at napakamot.

"It means,working student ka?"singit ni Ax habang nakacross arm at nakatingin sa linya.Tumango naman si Lacson at nahihiyang lumingon kay Ax."You're working at the night in the hotel and in the morning,you are student"tumango naman si Lacson diretso yuko.Nagkalingunan naman kami ni Ax.Napabuntong hininga siyang nag iwas ng tingin sakin.

Hindi ko inaasahan na ganu'n pala ang buhay ni Lacson dito sa probinsiya.Nagtatrabaho siya kahit bata pa tulad namin pero ang pagkakaiba ay ang trabaho namin ay sa pamilya na talaga pero ang sa kaniya ay nagtatrabaho siya para sa pamilya niya.

"Get your 10,000 pesos and I'll give you another money for working for us"sabi ni Ax na ikinalingon ko at ikinagulat ni Lacson.

Nagulat siyang naglipat lipat ng tingin saming dalawa ni Ax tsaka nangunot ang noo."O-okay lang.Sa t-tutuusin niyan ay binayaran din ako ni Sir Primo at Sir Lucas para sa inyo.Okay na sa-"

"Go back to your line.Hindi ako sanay na tinatanggihan ang offer.Before we go back to Pasig,I'll give you a reward.That's it.Go back"sabi ni Ax tsaka itunuro ang linya.

Hindi maipaliwanag ang tuwang nakikita sa mata ni Lacson pero nahihiya ang itsura niya.Lumingon siya sakin,ngumiti ako tsaka tumango.

"Maraming Salamat"sabi niya na para bang maluluwa pa tsaka patakbong bumalik sa linya.

Napalingon ako kay Ax at nakatingin din siyang nakangiti kay Lacson.

Bumalik kami sa unahan at tumulong na bumahagi ng pera.Tulad kahapon ay tuwang tuwa ang mga estudyante na nabibigyan.Sobrang sarap sa pakiraramdam at hindi na talaga maalis ang ngiti sa labi ko.

"Panyo"abot sakin ni Ax.

Nasa gilid kami at pinahinga muna ng tauhan ni Dad,si Fritz.45 years old na siya at talagang katiwala ni Dad simula palang nung bata ako.Siya ang naghahatid,sundo sakin nung bata ako sa tuwing busy si Dad.Hindi siya tinuring ni Dad na basta basta katulong na lang kundi katiwala o kaya personal assistant ni Dad.

"Wait"sabi ko tsaka kinuha ang cellphone sa bag ni Ax.

Napalingon ako ng punasan niya ng panyo ang likod ko.Napalingon ako sa kaniya pero focus lang siya sa pagpupunas.May kung anong kabog sa dibdib ko sa tuwing didikit ang balat niya sakin.Hinarap niya ako ng walang kahirap hirap at pinanunasan ang noo ko.Napalunok pa ng mapunta ang tingin ko sa labi niya.Bumaba ang punas niya sa mukha ko tsaka leeg.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now