CHAPTER 58

20 1 0
                                    

(058)

AXQUECIA POV

"P-pwede po ba?" tuwang tuwa na tanong ni Wayan,ngumiti naman ako at tumango. "Magkasama po ba kayo sa bahay ni Kuya? Mag asawa po kayo? Pwede po bang kayo na lang ang bagong mama at papa ko? Sama sama po tayo sa iisang bahay"

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya,dahan dahan akong napalingon kay Lux nanlaki din ang matang lumingon sa akin. Napalunok ako at nag iwas ng tingin.

Napatingin ulit ako kay Wayan na nakangiti at lipat ng tingin sa aming dalawa ni Lux.

"Hindi kami magkasama sa bahay tsaka hindi pa kami mag asawa Wayan pero pupuntahan kita palagi,sa ngayon ay sa bahay ka muna nina Ate Axie. Ayos lang ba sayo 'yun?" tanong ni Lux kay Wayan habang nilingon pa ako tsaka muling nagfocus sa pagmamaneho.

Napanguso naman si Wayan na nilingon ako. "Sayang naman po,bagay naman po kayo ha. Pero mama at papa ko na po kayo kahit hindi kayo mag asawa" nakangiting sabi ni Wayan na sinabit pa ang braso sa braso ko.

Napatingin naman ako kay Lux na nakangiti lang din sa salamin na nasa taas kung saan nagrereflect kami ni Wayan.

Maya maya ay nakarating na kami sa bahay.

"Come inside" sabi ko kay Lux ng hindi ito naglakad palalapit ng pinto.

"Hindi n-"

Hindi na natapos ang sinasabi niya ng hilain ko siya papasok,napangiti pa ako ng hilain din ni Wayan ang kabilang kamay nito. Napangiti naman si Lux tsaka iiling iling na napatingin sakin.

Nang makapasok kami ay naabutan ko si Dad na nakaupo sa sofa at may coffee na katabi habang tutok ang paningin sa Tv.

"Dad" tawag ko.Napalingon naman siya,nagtaka naman siyang tumingin kay Wayan. "Magmano ka sa Daddy ko"

Ngumiti naman si Wayan at lumapit kay Dad at nagmano habang yakap yakap ang robot na spiderman na kasing laki ng ruler.

Nagtaka namang lumingon sakin si Dad pagkatapos ipamano si Wayan. Naupo si Wayan sa tabi ni Dad tsaka nanood ng Tv, halata ang pagkaignorante sa mga mata nito.

"Good evening tito" bati ni Lux na yumuko pa,yumuko din si Dad.

"Dad. I want to adopt him,he's Wayan and 4 years old" sabi ko sabay lingon kay Wayan na nasa Tv ang paningin,napaligon din si Dad sa kaniya. "He was lonely in the road, we saw him" sabi ko na lumingon pa kay Lux. "Wala na siyang pamilya,ang sabi niya ay namatay daw ang mga 'yun kaya nasa labas siya at nanlilimos" paliwanag ko para mapatango tango si Dad at mapalingon ulit kay Wayan. "Don't worry Dad, I can handle him" nakangiting sabi ko kay Dad. "Masunurin siya. Pag aaralin ko siya " sabi ko.

Tumango si Dad at ngumiti. Nilingon si Wayan kaya napalingon din si Wayan sa kaniya, nagngitian sila.

"Hi Wayan, I'm your tito Primo. Welcome to your new home" sabi nito.

Ngumiti naman si Wayan at nilibot ang paningin sa bahay namin. "Ang ganda naman po ng bahay niyo tito plimo" natawa naman si Dad dahil sa pagkabulol nito sa R.

"Dad sa kwarto ko muna siya ipapatulog sa ngayon,bukas ay pagagawan ko siya ng sariling kwarto sa katabing room ko" pagpapaalam ko,napalingon naman ako kay Lux na kanina pa tahimik.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now