CHAPTER 42

21 0 0
                                    

(042)

AXQUECIA POV

Ilang buwan na ang nakakalipas nang mangyari ang karumal dumal na aksidente sa pamilya ni Lux pero hindi pa rin siya pumapasok.

Hindi sila nangangamba dahil matalino daw si Luxzell,kaya daw nitong magmove ng grade level kung gugustuhin at mag eexam lang siya para makamove.Kapag naperfect niya ang exam ay pwede siyang makasabay samin.

Hindi ko rin inaasahan na ganu'n katalino si Lux para makamove ng highest grade level gamit lang ang exam.

"Nabalitaan ko ay sarado na daw ang bahay ni Lux"sabi ni Tristan,nasa canteen kami kasi breaktime.

"Saan kaya 'yun?Hindi man lang nagpaalam sa atin"sabi naman ni Yvez."Hindi ba siya kinausap ng Dad mo?"baling niya sakin.

Umiling naman ako.Maraming pumapasok na tanong sa isip ko.

Saan siya pumunta?
Bakit hindi man lang siya nagpaalam?
Ano naman ang ginagawa niya?
Okay lang ba siya?
Maayos lang ba ang kalagayan niya?

Pero kung pag alis at paglayo lang ang sagot para malimutan niya lahat ng sakit ay ayos lang sakin kahit na maghintay pa ako ng ilang taon kahihintay sa kaniya.

Ilang buwan na ang nakakalipas pero hindi ko man siya nakalimutan psh.Inlove na yata talaga 'ko.

Ganito pala 'yung pakiramdam na may gusto kang tao pero para bang malabo ang mayroon sa inyong dalawa.Nakakapanibago sa nararamdan ko pero wala akong magawa dahil gusto ko na e.

TRISTAN POV

Ilang buwan na ang nakakalipas,namimiss ko ng makipagbiruan kay Lux.Nakakamiss na pagtripan siya.Magsimula ng mangyari 'yun sa pamilya niya ay para bang pati ako ay nawalan na ng gana.

Nawalan na ng ganang magbiro dahil sa tuwing magbibiro ako ay naalala ko si Lux,silang dalawa lang kasi ni Yvez ang madalas kong makipagbiruan.

"Nakakamiss tumambay dito ano?"sabi ni Yvez ng madaanan naming dalawa ang Studio room.

Hindi namin kasama si Axie dahil may kailangan pa daw siyang asikasuhin kaya umuwi agad siya habang kami naman ay galing sa locker.

"Tsh namimiss ko si Lux.Nakakabading pakinggan pero totoo"sabi ko na nakasilip sa pintuan ng Studio Room.

"Ako din naman.Kung alam Ko lang kung saan siya ay pupuntahan ko kahit nasa ibang bansa pa siya"sabi naman ni Yvez.

Natahimik din ang pangalan ni Lux ng ang buwan siyang hindi pumapasok.Mayroon pa namang pangilan ngilan na nagtatanong about kay Lux pero tumatahimik sila sa tuwing makikita si Axie.

Nawala na lang ang naiisip ko ng makita ang babaeng bago sa paningin ko.Matangkad.Morena.Maganda.Short hair.Hindi nakauniporme.Nakaputing tshirt na malaki habang nakapantalon at puting sapatos.Maangas kung titignan.

Napalingon naman ako kay Yvez at natawa ako ng makita ang reaksyon niya.Tulalang tulala siya sa babaeng 'yun habang nakaawang ang labi.Napalingon sa akin si Yvez at kunot noong tinitigan ako ng mapansin na siya ang tinatawanan ko.

"Psh."singhal niya tsaka muling tumingin doon sa babae.

Nakuha naman nito ang atensyon ng lahat.Napalingon sa kaniya ang lahat.Nanlaki na lang ang mata namin ni Yvez ng lumapit ito sa gawi namin at parang natuliro naman si Yvez ng tumigil ito sa harap niya.

"Hi.Saan ang office ni Mr. Primo Alvarez?"tanong 'nung babae na nilibot pa ang paningin tsaka tumingin kay Yvez.

Gusto kong humagalpak ng tawa dahil sa reaksyon niya.Lumingon siya sakin at nginisihan ko naman siya,pinandilatan niya naman ako ng mata na para bang nagbabanta.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now