CHAPTER 70

5 0 0
                                    

LUXZELL POV

"Pa kain tayo jollibee" request ni Wayan.

Nagkalingunan naman kami ni Ax at parehas na napangiti.

Nasa bahay ko sila ngayon at ang robot ko ay marunong na din gumala. Kasama niya sina Mallix at Vince at hindi sinabi sa akin kung saan sila pupunta.

"Sige jollibee tayo pero sa isang pabor" nakangiting sabi ko kay Wayan.

Kumunot naman ang noo nito. "Anong pabol po"

"Sasama ka sa amin magpatuli" natatawang sabi ko na pati si Ax ay natawa.

Nanlaki naman ang mata ni Wayan at parang naiiyak na agad. "Ayaw ko po. Sabi sa akin ni tito Plimo masakit po 'yun. Puputulin daw po kasi 'yung alaga ko" sabi nito na parang maluluha na tinuro pa ang ano niya.

Natawa naman ako at hindi alam kung saan papalo dahil sa kakatawa. Potang*na! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH.

"Psh si Dad kasi tinakot e" natatawang sabi ni Ax na hindi rin alam kung saan lilingon kakatawa.

"Hindi 'yun masakit Wayan promise." Sabi ko na hinawakan pa ang maliit na kamay nito.

Ilang araw na kasi naming pinipilit si Wayan na magpatuli para maaga pa pero lintik na tito Primo at tinakot pa ang bata kaya hirap pilitin.

"Masakit 'yun. Puputulin alaga ko e" sabi niya na parang maluluha na pero pinipigilan. "Paano 'yun? Pagnagpatuli ako e putol na alaga ko?"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" hindi na yata maputol ang tawanan namin ni Ax dahil sa pinagsasabi ni Wayan.

Nakita naman namin si Wayan na humagulhol na sa pag iyak pero hindi pa rin natigil ang pagtawa namin ni Ax.

"Hoy. Bakit ka umiiyak? Hindi naman kasi ganu'n 'yun. Porket pinatuli e putol na ala—pft HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" lalo akong natawa na nahiga pa sa kama dahil sa lakas ng pagtawa, lalo namang umiyak si Wayan.

Natatawa din si Ax pero kinuha niya si Wayan at niyakap ito. Pinalo naman ni Ax ang pwetan ko pero hindi na yata matatapos ang tawa ko ngayong araw.

"Binibiro ka lang ni tito Primo mo. 'Wag kang maniniwala do'n" nakangiting sabi ni Ax na halatang nagpipigil din sa pagtawa.

Lumingon sa akin si Wayan na ngumunguso nguso pa. "Bakit natatawa si Papa?" nakangusong sabi ni Wayan na tinuro pa ako.

Umayos naman ng upo si Ax sa kama at inayos si Wayan. Umayos din ako ng upo at hinarap si Wayan, todo ang pagpigil ng tawa.

"Wag ka kasing maniniwala kay tito Primo. Mag patuli ka. Gusto mo bang tawaging bakla?" nagbabantang tanong ko.

Lumaki naman ang mata niya na ngumuso pa at umiling. Pinunasan ang luha tsaka naglilipat lipat ng tingin sa aming dalawa ni Ax.

"Papatuli ka na?" Nakangiting tanong ko, tumango naman ito. "Yan! Good boy" pang uuto ko na ginulo pa ang buhok nito.

Hinalikan ko naman ang pisngi niya at niyakap naman ako nito. Napatingin ako kay Ax na nakangiti habang pinapanood kami. Hinila ko naman siya at niyakap. Niyakap din siya ni Wayan. Hinalikan ko naman ang labi ni Ax na kinagulat niya. Ginaya din ni Wayan ang ginawa ko, hinalikan din ni Wayan ang labi ni Ax dahilan para manlaki ang mata ko.

Agad kong binaba si Wayan at pinunasan ng palad ko ang labi ni Ax. Ngumuso naman si Wayan habang natatawa naman si Ax.

"Bakit mo nililinisan ang labi ni Mama" inosenteng tanong nito na nilingon pa ako, nilapit ang mukha sa mukha ko.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now