CHAPTER 29

30 1 0
                                    

(029)
                              

WARNING:CONTAINS MATURED SCENES AND EFFECTS

AXQUECIA POV

Nasa restaurant kami ngayon.It ws 5:30 pm at kauupo lang namin.Nawawala talaga ang problema sa isip ko sa tuwing pagkain ang nasa harap ko.Hindi ko alam kung saan ang restaurant na 'to basta ang alam ko ay ngayon lang ako nakapunta dito.

"This is the mall by our family"sabi ni Luxzell na nilibot din ang paningin.

Tumango tango naman ako.Naalala ko nga ito.Ito 'yung mall na pinasukan namin ni Dad para bumili ng project ni Luxzell.Hindi ko alam na may restaurant pala dito sa loob ng Mall.

Namangha na lang ako ng maserve na ng waiter ang pagkain.May slice of chocolate cake,pansit palabok na sobrang dami ng itlog,may fruit salad,mango ice cream at water.Hindi na ako naghintay na sabihan pa ni Luxzell at kumuha na agad ako ng pansit palabok.

Napalingon na lang ako lay Lux ng marinig ko ang  pagngisi niya.Kunot noo ko siyang tinitigan pero nakangiti lang siyang kumain na din.

Sinunod ko naman ang fruit salad.Ang sarap!Sinunod ko naman ang chocolate cake.Masarap din!Nanunuot ang sarap sa dila at hindi sobrang tamis.Sinunod ko naman ang mango ice cream,obviously mango ang lasa pero masarap din talaga.

Nang matapos kaming kumain ay inalalayan niya na akong makapasok ng kotse niya.Ihahatid niya na daw ako pauwi dahil pinamaneho niya na ang kotse ko pauwi sa katiwala niya psh.

Nang makapasok kami ng kotse niya ay nagtaka ako ng hindi siya nagmaneho at nakaupo lang na diretso ang tingin sa labas.

"Mahal mo pa?"tanong niya na nasa labas pa din ang tingin.

Kunot noo naman akong lumingon sa kaniya.Napalunok pa ng lumingon siya sa akin.Seryoso ang mukha.Ano bang problema nito?

"Gusto mo pa si Xybrill?"diretsong tanong niya.Napalunok nanaman ako.Ano bang isasagot ko?Nakakatakot ang tingin niya."Wag mo siyang babalikan please"may kung anong haplos sa dibdib ko ng sabihin niya ang linyang 'yun ng pagkalambing lambing.

"May pamilya 'yun.Magpapakasal pa"naisagot ko tsaka nag iwas ng tingin sa kaniya.

Naramdaman ko ang palad niya sa pisngi ko kaya napalingon ako sa kaniya.Nasa labi ko na ang tingin niya.Napalunok ako ng tignan niya ang mata ko.Inalis ang hibla ng buhok na humaharang sa mata ko at inilagay sa likod ng tainga ko.Pati haplos niya ay may kakaibang epekto sa sistema ko.

Dahan dahan niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko at hinalikan ako.Dahan dahan at sobrang bagal,nakakasabik talaga.May sariling buhay ang kamay ko at pumwesto sa batok niya.Ito 'yung sinasabi kong labi na gusto kong hinahalikan.

Naramdaman ko naman ang palad niya sa batok ko at dinidiin ako sa labi niya tsaka bumilis ang halik niya,dumidiin at lalong pumupusok.May kung anong tamis sa labi niya na nalalasap ko sa tuwing mahahalikan siya.Halos maghabol kami ng hininga sa tuwing maghihiwalay ang labi namin tsaka muling maglalapat.

Nang maghiwalay ang labi namin ay sabay kaming naghabol ng hininga tsaka siya lumayo at umayos siya ng upo.Napangiti siyang lumingon sa akin tsaka muling tumingin sa labi ko.Ngumisi siya tsaka iiling iling at nagsimula ng magmaneho.

Hindi ko maitanggi na gustong gusto ko talaga ang labi niya.Nakakaadik ang parteng 'yun ng mukha niya.

Nang makarating kami ng bahay ay hindi na siya nagsalita Seryoso ang mukhang tumingin sa akin tsaka walang sabi sabi na nagmaneho ng kotse niya paalis ng bahay.Weird.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now