CHAPTER 30

26 1 0
                                    

(030)

AXQUECIA POV

Maaga akong nagising dahil hindi rin naman naayos ang tulog ko psh.

Dali dali akong naligo tsaka patakbong bumaba ng kusina.Laking gulat ko ng makita do'n si Dad at tito Lucas na nagcocoffee at sabay napalingon ng mapansin ako.

"Good Morning"sabay na bati nila.

"Kamusta?I already know what happened,how are you?"tanong ni Dad.

Napabuntong hininga ako tsaka naupo sa tabi ni Dad."Hindi ko gusto ang nangyaring 'yun"sagot ko pero nasa pagkain ang tingin ko tsaka nagsalin ng kanin sa sariling plato."I know he's drunk but it's not acceptable reason why he do that to me"inis na sabi ko tsaka naglagay ng ulam sa plato.

Hindi ko talaga inaasahan na mangyayari 'yun.Hindi ko alam na ganu'n ang mangyayari samin.Laking pasalamat ko ng dumating si Lux dahil kung hindi ay paniguradong buntis na ako at hindi ko 'yun magugustuhan kahit siya pa ang ama.

Para bang nabaliktad ang pangyayari,kung nung una ay ako ang jowa ni Xybrill at lasing siya nung makabuntis siyang ibang babae,ngayon ay nabaliktad at ang mapapangasawa ni Xybrill ang babaeng nasa posisyon ko noon habang ako naman ay ang babaeng mabubuntis sana niya dahil sa paglalasing niya.

"Tsk tsk.Galit na galit si Luxzell kagabi.Hindi makausap ng maayos.Ang lagi niya lang sinasabi ay sobrang baboy daw ng ginawa niya sayo.Ayaw ng iexplain dahil kahit siya mismo ay nandidiri"sabi ni tito na naglilipat lipat ng tingin saming dalawa ni Dad."He said that he kill his cousin if he saw it tsk tsk"sabi ni tito tsaka ngumiting iiling iling at tumingin sakin."He's over protective"sabi niya na ikinailang ko.

Alam kong okay lang sakin na asarin nila 'ko pero sa sitwasyon ngayon at kagabi ay parang nagbago.Basta na lang ako nilayasan ni Luxzell at kahit itanggi niya ay alam kong galit na galit siya.

Nagmadali akong kumain tsaka nang matapos ay patakbo akong pumunta ng kwarto.Sakto at paniguradong nando'n na siya sa campus.Kailangan kong makausap niya.Nakalimutan ko ding magpasalamat.

Nagmamaneho ako at katutuwang siya ang nasa isip ko habang nagmamaneho.Hindi ko alam kung bakit kailangan kong magpaliwanag,ang sakin lang ay para bang kailangan ko pa rin.

Nang maipark ko ang kotse at bumaba ay nagsimula nanamang maghiyawan ang mga estudyanteng nakakasalubong ko pero tulad ng dati ay wala akong nilingon at diretso lang ang tingin.

Dahil maaga ang pasok ko ay wala pa gaanong estudyante ang pagala gala.Dali dali akong pumasok ng room at laking gulat ko ng si Luxzell lang ang naroon.Wala ni isang kasama.Nakaupo lang siya sa upuan niya at nakaanday ang ulo sa andayan ng arm chair niya habang nakapikit.Nakacross arm at nakapatong ang dalawang paa sa upuang nasa unahan niya.

Antok siya?Hindi rin ba siya nakatulog?

"Luxzell"tawag ko sa pangalan niya.

Tumayo lang ako sa gilid ng upuang napapatungan ng paa niya.Nakita ko naman ang dahan dahang pagmulat ng mata niya.Nakita ko naman siyang magulat at dali daling tumayo at inayos ang uniporme.

Bagay na bagay sa kaniya ang itim na suit.Maniwala man kayo o hindi pero parang formal suit ang itsura ng uniform ng Calixton High School.

Nang matapos siya ay tumingin sa akin,seryosong seryoso."What?"seryosong tanong niya na ikinabigla ko.

Ang tono ng pakikipag usap niya ay malayo sa paraan ng pakikipag usap niya sa akin.Hindi mo man lang siya makitang ngumiti ng makita ako.Oo.Yun ang ineexpect ko na magiging reaction niya.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now