CHAPTER 8

36 5 0
                                    

(008)

LUXZELL POV

"Kamusta?"salubong agad ni Dad ng makababa ako galing kwarto."Ang aga mo naman gumising."naabutan ko kase si Dad sa sala habang nagcocoffee.Tumingin pa ito sa relo niya."It's 3:30am.May kailangan ka ba?"

Umiling naman ako na wala tsaka naupo sa tabi niya.

Hindi ako makatulog.Hindi ko rin alam kung anong dahilan basta hindi ako makatulog.

"Nabalitaan ko na ayaw daw ni Axie sumali?"tanong ni Dad habang tutok ang paningin sa Television.

Napalingon naman ako sa kaniya tsaka nagbuntong hininga.

"Bakit naman po kasi siya kung pwede naman si Zev"sabi ko na nakatingin sa mga binti ko.Naramdaman ko naman ang paglingon ni Dad sakin."What I mean is...bago pa lang siya Dad.Malamang ay mahihiya 'yun."pagdadahilan ko habang napalingon kay Dad.

Ngumiti naman ito tsaka iiling iling na humigop ng kape."Hindi ganu'n ang pagkakakilala ko sa batang 'yun"sabi niya dahilan para makuha ang atensyon ko.

Kilalang kilala talaga ni Dad si Ax?

Anong ibig niyang sabihin na hindi ganu'n ang pagkakakilala niya kay Ax e sa t'wing makikita ko si Ax nakikita ko na nahihiya siya kahit paano.

"T-tinanong ko kasi siya Dad k-kung bakit ayaw niya e ang sabi niya ayaw niya daw tinitignan siya at pinagsisigawan ang pangalan niya ng kung sino sino lang"pagpapaliwanag ko habang inaalala pa ang nangyari.

Tumango tango naman si Dad tsaka muling tumigin sa Tv."Sabi ni Primo ay ganun na talaga ang batang 'yun.Ayaw ng maingay na paligid at talagang masungit.Ayaw daw pinaglilingunan at binabanggit ang pangalan niya ng kahit sino"kwento ni Dad tsaka tumingin sakin."Pero hindi mahiyain ang batang 'yun.Kung sa tutuusin nga ay may yabang din 'yun at kayang makipagsabayan sayo."Naantig ng interes ko ang tungkol sa personalidad ni Ax."Si Primo ay matalik na kaibigan ko magsimula 1st year high school"hindi ko inaasahan na mapupunta kay Mr. Alvarez ang kwento,kay tito Primo."Ang ugali na meron si Ax ay nakuha niya mismo sa tatay niya.Ganyan na ganyan si Primo nung bata kami."nakangiting sabi ni Dad na para bang inaalala ang kwentong binata nila."Napagkamalan pa kaming magkapatid ni Primo dahil sobrang close namin."natatawang sabi ni Dad na lumingon pa sakin."Lupri Brothers ang tawag sa'ming dalawa,Lucas and Primo.Ang pag uugali mo ngayon ay ganyan na ganyan ang ugali ko nung bata at kung ano ang ugali ni Ax ay ganun ang ugali ni Primo."

Naalala ko naman na may pagkakahawig nga sila ng ugali.Hindi rin palasalita si tito Primo pero masaya siya kausap kapag kilalang kilala mo na.Hindi siya mayabang pero kaya niya makipagsabayan kay Dad.

"Nang makagraduate kami ng college ay napag isipan naming magpatayo ng company na kaming dalawa ang may ari.Pantay ang lahat.Pantay sa pera,pantay sa pagod,pantay sa sakripisyo at pantay na turingan sa isa't isa."nakangiting pagpapatuloy ni Dad sa kwento niya tsaka lumagok ng kape niya."Wala ako na pinagsisisihan na naging kaibigan ko si Primo at makilala ang mga anak niya."

Nakakatuwa ngang malaman na ganu'n ang kwento nilang dalawa.Ngayon ko lang din nalaman na ganu'n pala ang pagkatao ni tito Primo nung bata sila.Napapangiti pa 'ko sa tuwing maalala ko ang kabaitan sakin ni tito Primo nung una kaming magkita.

-flashback

I was 13 years old nang makabalik ako ng company.Ang pinakahuling punta ko dito ay sobrang bata ko pa at hindi ko na talaga naalala.

Halos naglingunan ang lahat ng makapasok ako ng J.A Company.Mga trabahador,yun ang sabi ni Dad.Inalalayan naman ako ng isang babaeng hindi ko kilala pero dito siya nagtatrabaho,papunta kaming office ni Dad.Marami ang nagbubulungan habang naglalakad kami.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓حيث تعيش القصص. اكتشف الآن