CHAPTER 81

5 0 0
                                    

AXQUECIA POV

"I'M VERY HAPPY BECAUSE I LOVE YOU" paglalambing niya na hindi man lang inalis ang tingin sa akin, napangiti naman ako.

Narito kami sa harap ng Mall nila Lux. Wala yatang balak lumabas kami ng kotse at nanatili lang titig sa isa't isa. Pilit kong inaalam kung may pangamba ba siya sa mga tingin niya at talagang mayroon. Alam kong may hindi siya sinasabi sa akin.

"Mayroon ka bang gustong aminin sa akin?" nakangiting tanong ko.

Halata na mayroon dahil sa reaksyon niya. Nanlaki ang mata niya tsaka napalunok pa at maiilang na tignan ako mismo sa mata ko.

"A-Ax" tawag nito sa akin na napalunok pa.

Napakunot naman ang noo ko tsaka sinamaan siya ng tingin.

"Hindi Ax ang pangalan ko" inis na singhal ko na ikinakunot ng noo niya. "Mahal ang pangalan ko na ikaw lang ang pweden tumawag" inis na sabi ko na ikinaawang ng labi niya. "Ngayon sabihin mo sa akin ang tinatago mo"

"M-Mahal" halata ang pangangamba sa mata niya.

Ngumiti ako tsaka hinawakan ang pisngi niya. "Mas magagalit ako kapag sa iba ko pa nalaman at nahuli kita" sabi ko na ikinalunok niya.

Naglilipat lipat ang tingin niya sa dalawang mata ko at inaalam ang reaksyon ko.

"M-Mahal. A-ano kasi" panimula niya na napakunok pa. "Pinagmamanyakan ako ni Nix. M-Mahala totoo" sabi niya na niyakap agad ako, napasinghal naman ako tsaka iiling iling na niyakap siya.

Para siyang bading. Manyakis naman siya e tinalo pa ng babaeng manyakis.

"Paanong pinagmamanyakan?" kunot noong tanong ko habang hinahaplos ang buhok niya na nanatiling nakayakap sa akin.

"W-Wag mo ng alami—"

"Nakita niya na ba ang ano mo?" nagtatakang tanong ko.

"Hindi ah!" depensa niya agad.

"N-nahawakan?" tanong ko ulit,umiling naman siya. "E-eh ano?"

"Basta minamanyak niya 'ko gamit salita. M-mahal maniwala ka sakin" sabi niya na lalong hinigpitan ang yakap sa akin.

Napasinghal naman ako. Talagang kakaiba ka Nix! Inuulit at inuulit mo ang dati. Wala kang kapaguran pati si Lux dinadamay mo sa gulong mayroon tayo.

"M-mahal?" tawag sakin ni Lux na sinilip pa ang mukha ko. "Are you mad at me?" nakakunot ang noo na tanong niya. "S-sige sigawan mo 'ko! Saktan mo 'ko! 'Wag mo lang ako iw—"

"Pinatulan mo ba?" singit ko sa sinabi niya dahilan para mapaalis ito sa yakap at harapin ako.

"O-ofcourse not!"

"Manyakis ka pa naman din" bulong ko na nag iwas pa ng tingin sa kaniya.

Napalunok naman siya tsaka biglang lumungkot ang mata.

"Wala akong ibang pinagmanyakan na ibang babae Ax" seryosong sabi niya na ikinakunot ng noo ko. "At lalong ayaw ko sa ibang babae" kunot noong sabi niya.

"Bakit parang ikaw pa galit?" natatawang tanong ko.

Hindi naman talaga 'ko galit sa kaniya. Kilala ko si Nix at hindi na ako magtataka kung gagawin niya 'yun kay Lux. Kilala ko din si Lux at alam kong nagsasabi siya ng totoo base sa reaksyon niya. Para bang naiiyak ang mata niya at sobrang lungkot.

"Nagsasabi naman talaga kasi ako ng totoo e" sabi niya na ngumuso pang nag iwas ng tingin.

Napangiti naman ako at hinila siya papalapit sa akin para mayakap ko ito ng mahigpit.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now