CHAPTER 90

9 0 0
                                    

LUXZELL POV

"HI BABY" tuwang tuwa na salubong ko kay Wayan, sinalubong niya naman ako ng yakap at halik sa pisngi.

"Aalis po kayo? Iiwan niyo po ako dito?" nakasimangot na tanong ni Wayan.

Napalingon naman ako kay Ax bago lumingon kay Wayan. "Magtatrabaho lang naman si Mama at Papa para sayo baby" pang uuto ko na ngumiti pa at kinurot ang pisngi nito, ngumiti naman ito at tumango.

"Babalik po kayo ha" nakangusong sabi nito, ngumiti naman ako at tumango.

Napakaunderstanding niyang bata. Ngumiti naman si Wayan at niyakap ako ng mahigpit tsaka patakbong lumapit kay Ax at niyakap din ito. Because of Wayan, I become a young father. Masaya ako dahil dumating si Wayan pero hindi ko maitatanggi sa sarili ko na gusto kong magkaanak kami ni Ax, 'yung dugo talaga naming dalawa ang dumadaloy sa batang 'yun.

Nang matapos ang pagpapaalam namin kay Wayan ay lumabas kami para magpahangin. Bukas ay pupunta na kaming Bicol. Hindi ko alam pero para bang napakadali ng araw.

"I can't imagine without Wayan" sabi ni Ax dahilan para mapalingon ako sa kaniya. "I..." Putol niya na nilingon ako. "I can't imagine without you" napalunok pa ako ng makita ang pangingilid ng luha niya.

Narito kami sa garden nila. Marami ang puno kaya napakapresko.

"M-me too" sagot ko.

Umiwas agad siya ng tingin tsaka napalunok. Napasinghal pa ito tsaka yumuko.

"I'm too much selfish." sabi niya habang nakayuko tsaka napalingon sa akin. "Kapag importanteng tao na ang usapan" sabi niya nasa mismong mata ko ang tingin. "Nag away kami ni Nix dahil sa selos ko sa kanila ng mga taong napalapit sa kaniya" natatawang kwento niya. "Nagkaproblema din kami ni Kuya dahil nagselos din ako kay Zev dahil palagi siya nitong napapansin kaysa akin" nanlaki naman ang mata kong napalingon sa kaniya. "Nagselos na din ako sa trabaho ni Dad at kay tito Lucas dahil nawawalan siya ng atensyon sa akin" nakangiwing kwento nito. "Masyado akong selosa, lahat ng bagay pinagseselosan ko pero kaya ko ng kontrolin ang bagay na 'yun ngayon" nakangiting sabi niya. "Hindi na ako nagseselos sa mga kaibigan ni Nix, sa asawa ni Kuya at sa trabaho ni Dad pero..." Putol niya nanaman na nilingon ako. "Pagdating sayo, hindi ko alam kung kaya kong kontrolin" napalunok naman ako.

"W-wala namang masama ang magselos dahil sa paraang 'yun, malalaman mo na mahal ka niya kaya ka niya pinagdadamot" sabi ko na naiilang pang tumingin sa kaniya. "W-Wag lang sana mapunta sa hiwalayan. 'Wag naman sanang mahantong tayo sa hiwalayan dahil lang sa selos kasi kahit ako, napakaseloso ko" nakangusong sabi ko. "Ayaw na ayaw kong naagawan ako, simula bata pa lang" sabi ko na ikinalingon niya.

Nagngitian kami tsaka niya ako niyakap ng mahigpit. Niyakap ko din siya ng pagkahigpit higpit. Nakakatuwa lang na sa dinami dami ng napagdaanan namin, dito ang punta namin.

AXQUECIA POV

"Ayusin niyo na ang gamit niyo" sabi ni Dad nang mag umaga.

Wala si Lux, nasa bahay nila. Kabababa ko lang din sa kwarto dahil napaaga yata ang gising ko.

"Mamaya pa namang gabi ang alis Dad, tinatamad pa 'ko" singhal ko tsaka naupo.

Nagsandok agad ako ng fried rice at itlog.

"Wag mo sanang masamain pero hindi ko rin kasi inaasahan 'to" seryosong sabi ni Dad dahilan para mapalingon ako sa kaniya.

"What is it?" Kunot noong tanong ko.

"May anak ng business woman na gustong sumabay sa inyo" lalong kumunot ang noo ko. "Anak siya ni Elvah Salvador, si Alisha Chrystelle Salvador. Gusto niyang sumabay sa inyo sa Bicol, willing sila na magdagdag ng financial education kasabay niyo"

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now