CHAPTER 106

5 0 0
                                    

LUXZELL POV

"Tara na! Malelate na tayo sa Empowerment" maktol ko kay Ax.

"Wait lang kasi!"

Wow siya pa ang galit! Sino ba namang hindi magmamaktol sa pinagagagawa niya? Binitbit pa naman ang tatlong box ng fries sa campus? Kumakain habang naglelesson? Kumakain habang nakikinig? Kumakain habang nagsusulat at kumakain pa din kahit malelate na kami!

Inis akong napakamot sa ulo. Itinapon niya ang box ng fries sa trash can tsaka inilagay sa bag ang iisang box na lang ng fries niya. Alam kong may kung anong pagkain pa diyan sa bag niya e.

"Hindi ka ba nabubusog? Kanina ka pa kumakain mahal" pabulong na tanong ko habang naglalakad kami papuntang computer laboratory.

"Psh. Kulang pa nga e"

Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya. Kumuha pa siya ng kung anong pagkain sa bag niya.

"A-ano naman 'yan?" nagtatakang tanong ko habang nasa pagkain na hawak niya ang tingin.

"Gusto mo ng coconut?" tanong niya dahilan para mapalunok ako.

Wala sa sariling napunta ang mata ko sa dibdib niya. Coconut?

"Psh, hindi 'yang coconut" inis na singhal miya tsaka nagmadaling naglakad, sumunod naman ako na napanguso pa.

NIX POV

Nakakatuwang tignan ng dalawa. Sweet talaga sila tignan kahit na medyo choosy ang beshy ko tsh.

"Umurong ka naman!" Inis na maktol ni Axie na tinulak pa si Lux.

Nasa iiang mahabang table kasi kaming anim at nalate ang dalawa sa pagpasok ng lab kaya ito at nakikipagsiksikan sila.

"Ay sorry, dito ka oh" yaya ni Lux kay Axie sa tabi niya.

Hanga din talaga ako kay Lux. Gentleman na pogi pa! Tumabi naman si Axie kay Luxzell at talagang todo alalay ang kamay ni Luxzell sa binti ni Axie. Kaloka!

Nagsimula na ang klase pero hindi maalis ang tingin ko sa dalawa. Parehas silang focus sa pakikinig pero nilalaro ng dalawang kamay ni Lux ang kanang kamay ni Axie. Bagay sila at hindi ko maitatanggi 'yun.

Nang matapos ang klase ay hindi man lang napaghiwalay ang dalawa hanggang sa canteen.

"Sweet yata nilang dalawa ngayon" rinig kong bulong ni Seirho habang nakatingin kay Lux at Axie na nasa line.

"Hindi na ako magtataka kung sila ang mag asawa balang araw" natatawang sabi naman ni Tristan.

"I remember before, tulala lang si Luxzell kay Axie 'nung una niyang makita pero ngayon tsk" natatawang singhal naman ni Yvez.

Natigil lang ang chismisan nila nang makabalik na ang dalawa sa table. Masyadong loyal si Luxzell at hindi mo man lang makitang lumingon sa ibang babae kahit sa akin, puro kay Axie ang tingin niya.

"What if kayo talaga erp hanggang dulo?" tanong ni Tristan kay Luxzell.

Lumapad naman ang ngiti ni Luxzell na tatango tango pang lumingon kay Axie.

"If kami talaga hanggang dulo, edi good" natatawang sagot ni Lux.

"Ehh what if pinagtagpo lang kayo pero hindi tinadhan— ouch naman!" hindi natuloy ni Tristan ang sasabihin nang tapunan siya ni Luxzell ng bag.

Kahit ako ay natawa. "What if kung ganu'n nga talaga Lux, ano ang gagawin mo?" pang aasar ko din.

Sumama ang tingin nito. "Pipilitin" nakangiwing sagot niya na nilingon pa si Axie.

Nang matapos ang breaktime ay agad din kaming bumalik ng room.

LUXZELL POV

"Kunin mo 'tong box ng pizza mo sa kamay ko" pang aasar ko kay Ax na itinaas pa ang kamay ko na may hawak ng box ng pizza habang nang aasar na nakangiti sa kaniya.

Pilit niya naman itong inaabot at inis na inis ang mukha. Dahil mas matangkad ako sa kaniya at cute size siya ay nahihirapan siyang abutin ito.

"Give it back to me Luxzell" nambananta ang tono niya pero tumakbo pa ako para magpahabol.

Tumakbo naman siya at hinahabol ako. Akalain mo nga namang may balak talaga siyang kunin sa akin ang box na pizza na 'to e kung pwede naman siyang bumili ng bago o baka gusto niya lang talaga kami maglaro.

"Abutin mo mahal" pang aasar ko na lalong itinaas sa ere ang box ng pizza.

Lalong sumama ang tingin nito. Kung hindi ko lang alam na mahal niya 'ko ay paniguradong matatakot ako dahil nambabanta ang tingin nito.

Uwian na kasi kaya naisipan kong kupitin ang box ng pizza niya at takbuhin ito palayo sa kaniya kaya ngayon ay nakaabot na kami ng parking lot kakatakbo.

"Luxzell, give it to me! I'm tired!" Inis na sabi niya na napahawak pa ang magkabilang kamay sa magkabilang tuhod nito.

"No, kunin mo 'to sakin" nang aasar ang pagkakasabi ko.

Natawa naman ang mga kaibigan namin habang pinapanood kami. Marami din ang mga estudyanteng natutuwa sa pinaggagagawa namin ni Ax.

"Edi sa'yo na psh" inis na sabi niya na tumalikod sa akin tsaka naglakad palayo.

Natawa naman ako tsaka hinabol siya. "Oh sa'yo na sorry na" natatawang sabi ko na iaabot sana sa kaniya ang box pero agad kong itinaas ng pilit niyang abutin. "Joke lang" natatawang sabi ko na kinakaway kaway pa sa ere ang box ng pizza.

Nagtiim bagang naman ito tsaka inis na tumingin sa akin. Nanlaki ang mata ko ng ngumisi ito at biglang hawakan ang maselang bahagi ko dahilan para mababa ko ang box ng pizza at makuha niya.

"Got it" tuwang tuwa na sabi ni Ax na agad na binuksan ang box at kinain ang laman 'nun.

Nanatili akong gulat at hindi makagalaw sa ginawa niya. Wtf! Dampi lang ng palad niya 'yun pero ang lakas na ng epekto sa katawan ko.

"Anong nanyare sa'yo?" siya na ang nag aasar, napalunok naman ako.

Lalong bumilis ang kalabog ng dibdib ko ng tumingin siya sa ibabang parte ko. Lalong nang aasar ang ngiti niya na nakaangat pa ang gilid ng labi.

"S-stop looking A-Ax" napapalunok na sabi ko na hindi pa din nakakagalaw sa kinatayayuan.

Nagulat ako ng bigla niyang hawakan 'yung maselang bahagi ng katawan ko tsaka mabilis na tumakbo papasok ng kotse niya. Napapikit ako ng mata at todo kuyom ng palad. Bullshit Axquecia!!!!

---------->

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now