CHAPTER 59

24 0 0
                                    

(059)

AXQUECIA POV

Hindi ko inaasahan na sa pag ampon ko ng bata ay parang magiging magulang ako. Hindi naman ako nagsisisi na kupkupin siya dahil napakabait niyang bata. Madali siyang mautusan at pagsabihan.

Napakarami naming ginawa ngayong araw. Kumain, nakipaglaro kami kay Wayan at lalong hindi ko inaasahan na marunong pala si Wayan magbasa,hindi naman mabilis pero ayos na sa edad niya. Marunong din siya magsulat ng letra at numero. Sa apat na taong gulang ay halatang matalino si Wayan.

Hindi na rin ako nagtatanong ng nakaraan niya, hindi lang dahil ayaw kong maalala niya kundi para maiwasan din ang topic na 'yun kay Lux na pwedeng makaapekto sa kaniya.

Nakakatuwa din dahil may bata at makulit sa tahimik na bahay namin. Kahit si Yaya Yna ay nananabik sa kulit ni Wayan. Nahihirapan akong mag alaga pero hindi ako pinapabayaan ni Yaya Yna, nagpresinta siya na tulungan ako pagdating kay Wayan.

"Wayan, papalitan ko ang pangalan mo ha" sabi ko sa kalagitnaan ng pagkain namin. Napalingon sa akin ang bata pati si Lux.

Napag usapan na namin ni Dad ang bagay na ito kagabi pero ang sabi ni Dad ay kung papayag si Wayan na palitan ang pangalan niya.

"Kayo po ang magbibigay sakin ng pangalan?" nagtatakang tanong ni Wayan habang naglilipat lipat ng tingin sa aming dalawa ni Lux.

"Kung 'yun ang gusto mo, ayos lang pero kung hindi ay kahit apilyido na lang" pagpapaliwanag ko kasabay ng paglingon kay Lux na halatang hindi rin maintindihan ang sinasabi ko.

"Pwede naman po pero... Pwede po bang 'wag niyo alisin ang Wayan sa pangalan ko?" pakiusal nito,ngumiti naman ako at tumango. "Pwede po ba ako mag request?" nakangusong sabi nito na isinabit pa ang braso niya sa braso ko.

Napapagitnaan namin siya ni Luxzell.

"Anything. What is it?" nakangiting tanongko.

"Axquecia Alvarez diba po ang pangalan niyo tsaka Luxzell Jeon naman po ang papa" sabi nito tsaka lumingon pa kay Lux,nagngitian sila,tumango naman kami. "Pwede po bang Axzell ang idagdag niyo?" nakangiti ito habang nilakihan pa ang mata.

Nagkalingunan naman kami ni Luxzell pero agad siyang ngumiti at tumango.

"Talino mo ha,sige sige Wayan Axzell na ang pangalan mo" sabi ni Lux na ginulo pa ang buhok nito.

"Wayan Axzell Alvarez" sabi ko pero pinagkunutan ako ng noo ni Wayan na parang hindi nagustuhan ang dinagdag kong apilyido.

"Saan po ang apilyido ni papa? Hindi po ba't pamilya tayo? Dapat ay Wayan Axzell Alvalez Jeon ang pangalan ko po" sabi nito na lumingon pa kay Lux habang nakanguso,bulol talaga sa R.

Napangiti naman ako,hindi ko alam,may kung anong tuwa lang sa akin dahil sa sinabi niya.

"Oo nga naman. Ako ang papa e" napanguso si Lux,ginagaya si Wayan.

Napangiti na lang ako tsaka tumango. "Sige,si Dad na ang maglalakad ng birth certificate mo para mayroon ka na"

"Yeheeey" sabi nito na tuwang tuwa at niyakap ako,napayakap din ako. Nagulat ako ng hilain niya si Lux para mapayakap din sa amin "Happy family" sabi nito na nakapikit pa.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now