CHAPTER 116

5 0 0
                                    

LUXZELL POV

"NICE! CEO KA NA PALA?" tuwang tuwa na tanong ni Tristan.

"It's nice to know." Nakangiting sabi ni Yvez.

"Wag ka ng mag aral, may naghihintay naman pala sa'yong posisyon e" biro ni Tristan na tinapik pa ako sa braso.

"Ano ang trabaho niyo pagkatapos ng college?" pag iiba ko ng usapan.

"Me? CEO din ng Alvarez Company" sagot ni Yvez, nag iisa akong anak kaya ako lang naman ang mamamahala ng kumpanya.

"Ako din HAHAHAHAHAHAHA" natatawang sabi ni Tristan.

Napasinghal naman ako. "Ang dami niyong sinasabi e CEO din pala bagsak niyo" natatawang sabi ko.

"Ikaw Seirho, anong gusto mo sa college?" Tanong ni Yvez kay Sevi.

Napalingon naman ako sa kaniya. "Wag niyo ng tanungin, sa akin lang 'yan. Gagawin kong personal chief 'yan sa Kumpanya" sabi ko.

Natawa naman silang lahat.

"It's nice to hear Luxzell" sabi ni Sevi na nagustuhan ang sinabi ko.

Maya maya ay nagsimula na ang last quarter examination namin. Nag uunahan pa kaming apat na matapos at pagtatawanan ang nahuhuli. Nag uunanahan din kaming tumakbo ng Canteen at kung sino ang mahuli ay siyang manlilibre, dahil nahuli si Yvez ay siya ang nanlibre. Nang matapos ang exam ay dumiretso kami ng basketball court dito sa Campus para maglaro. Tinuturuan din namin si Sevi at nakakabilib lang na madali lang itong turuan.

"Oy si Xhiellow Tristan!" bulabog ko kay Tristan.

Agad naman itong napalingon kay Xhiellow na halos malaglag pa ang panga sa pagkatulala. Pinagtawanan naman namin siya.

Nang dumaan ang ilang araw ay nagyaya si Tristan na magMall dahil maghahanap daw siya ng chiks. Tsk tsk babaero.

"Hi miss, pinapatanong ni Tristan kung ano daw ang pangalan mo" sabi ni Sevi sa isang babae na dumaan.

Nailang naman tumingin ang babae sa pwesto namin.

"I-I'm Zirrie" sagot 'nung babae.

Kinawayan naman siya ni Tristan at nahiya namang kumaway ang babae tsaka kinikilig na tumakbo.

"Let's do this trend" sabi ni Tristan tsaka hinila kami papunta sa harap ng Luxzell Inventory.

Narito kasi kami sa Mall ko.

Bumili ng papel tsaka pentel pen si Tristan tsaka nagsulat sa papel ng free hug tsaka dinikit sa dibdib namin. Natawa naman kaming tatlo sa pinagagawa ni Tristan.

"Buy one, hug one!" sigaw ni Tristan sa mga babaeng dumadaan.

Dinumog ang Luxzell Inventory at paglabas ay may dala dala ng mga paper bag. May nagsisilapitan na at niyayakap kami.

"Oh! Sobra ang yakap mo! Kung gusto mo ng isang hug, bumili ka pa ng isang item" sabi ni Tristan sa babarng yumakap sa kaniya.

Nang matapos ang set up na 'yun ay pumunta naman kami ng park at kung anong ano ang ginawa. Para silang bata na nagsslide pa si Tristan habang nagsisiso naman si Yvez at Sevi. Tinapunan ako ng tubig ni Tristan sabay takbo ng mabilis.

"Bullshit ka kano!" sigaw ko tsaka hinabol siya. Halos talunin namin ang slide dahil sa paghahabol sa isa't isa.

Hinuli siya ni Yvez dahilan para makutongan ko siya.

"Ang daya naman may back up ka e" nakangusong sabi nito habang inaayos ang buhok niyang nagulo.

"Sa Calixton University tayo ha!" yaya ko sa kanila.

"Syempre, walang iwanan" natatawang sabi ni Tristan.

"Para kayong mga bata tsk tsk" sabi ni Sevi kaya tinapunan din siya ng tubig ni Tristan at mabilis na tumakbo.

Inis naman siyang tinignan ni Sevi tsaka mabilis na tumakbo. Nagsisi naman kaming dalawa ni Yvez.

"Ang sarap pala balikan nang pagkabata ano? Enjoy pala 'to" sabi ni Yvez.

Napangiti naman ako tsaka tumango. Bigla kong tinalunan ang siso dahilan para mahulog siya kaya inis itong tumayo at hinabol ako. Nang mapagod kaming lahat kakatakbo maliban kay Sevi ay pumunta kami ng love restaurant.

Puro couples ang narito at tarantado si Tristan. Hindi namin alam na dito niya kami pupuntahin.

"Ayos ba?" natatawang tanong nito na nakatingin sa mga couples. "Alam niyo kung anong gagawi natin dito? Mang aagaw ng girlfriend" natatawang sabi nito.

Binatukan naman siya ni Yvez tsaka inis tinignan. "Labas tayo nakakahiya, parang tanga naman 'to si Tristan. Akala ko man lang matino na ang sinusuggest" sabi ni Yvez tsaka nauna ng lumabas.

Dahil gusto naming magwalwal ay si Yvez na ang nagsuggest ng bar. Paniguradong magugustuhan daw 'to ni Tristan.

Pagpasok pa lang namin ay nanindig na agad ang balahibo ko. Maraming sexy dancer na babae. Nakapanty at bra lang sila.

"Wow! I love it uhm" sabi ni Tristan na naupo agad sa sofa.

"Gag*! Bakit ganito? Isa ka ring hindi matino ang suggestion e" sabi ko kay Yvez.

"Maganda nga dito" sabi naman ni Sevi na naupo sa tabi ni Tristan.

"See? Just chill erp" sabi ni Yvez tsaka naupo sa tabi ni Sevi.

Napasinghal pa ako bago natabi kay Yvez. Halos malukot ang mukha ko sa nakikita ko. Marami ang lalaking lasing habang sinasayawan ng mga sexy dancer. May mga partner pa na pumupunta pa ng rooms. Bullshit doon na yata sila gumagawa ng milagro.

Nagtayuan ang balahibo ko ng may mga babaeng lumapit sa amin at inabutan kami ng alak tsaka nagsasayaw sa harap namin.

"Woah" rinig kong sabi ni Tristan na enjoy na enjoy sa pagkakaupo habang sinasayawan ng babae sa harap.

Napalunok ako ng lumuhod ang babaeng sumasayaw sa harap ko at haplusin ang leegs ko. Nagtayuan ang balahibo ko dahil nakashort lang ako at maluwag pa!

Tumayo ito tsaka naupo sa kandungan ko. Hindi ako nakagalaw at naninigas sa kinauupuan. Hindi ako sanay sa ganitong bar! Gumiling ito sa kandungan ko dahilan para bumilis ang pintig ng dibdib ko.

"Ano Luxzell? Enjoy ba?" tanong ni Tristan sa akin na napapatingala pa habang sinasayawan ng sexy dancer sa kandungan niya.

B-bullshit.

Nang makaalis ang sexy dancer sa kandungan ko ay tumayo ako tsaka nagmadaling lumabas ng bar. Maya maya ay nagsunuran na din ang mga kaibigan ko.

"Ang KJ mo naman erp" singhal ni Tristan.

"A-ang laswa!" nauutal pang singhal ko.

"Gageks! Hindi ka naman huhubaran 'nun! Depende na lang pagnagyaya ka kapalit ng malaking halaga!"

Napalunok ako tsaka umiling. "T-tigilan niyo nga ako tsk tsk" sabi ko na hindi pa sila matignan sa mga mata.

"You are still loyal Lux" natatawang sabi ni Yvez.

"Yeah, he still loyal. It was nice to know that you can control your feelings" sabi ni Sevi.

"Tss! Ang KKJ niyo! Sayang 'yun! Magaling pa naman!" maktol ni Tristan.

Sabay sabay kaming natawa sa kaniya.

------------->

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now