CHAPTER 123

6 0 0
                                    

AXQUECIA POV

"Umuwi ka muna dahil nasa hospital si Wayan"

Rinig kong sabi ni Dad sa phone kaya dali dali akong lumabas ng building. Pinuntahan ko ang hospital na tinext ni Dad.

Pagpasok ko ng hospital ay agad kong kinausap ang doctor at sabi nito ay nagkaanemic si Wayan. Kailangan salinan ng dugo. Ito daw ang dahilan kung bakit ito maputla at may pasa.

"Mama" tawag nito sa'kin ng maramdaman ang pagdating ko.

Agad naman akong lumapit sa kaniya. "May masakit ba sa'yo?" nag aalalang tanong ko.

Umiling naman ito. "Nahihilo lang po ako"

"Magpagaling ka kaagad para makapaglaro ka na ha"

Ngumiti naman ito tsaka tumango.

Nang makatulog ito ay nilapitan ko si Dad. "Kailangan niyang masalinan siya ng blood type B at walang may blood type na B sa atin. A ang blood type natin" paliwanag ni Dad.

Napabuntong hininga ako. "Maghahanap ako Dad pero sa ngayon kailangan ko munang magtrabaho dahil may mga bagong pasok na empleyado"

"Sige. Maghahanap din ako sa mga kaibigan ko"

Tumango naman ako tsaka siya tinalikuran. Habang naglalakad ako ay naiisip ko ang kalagayan ni Wayan. Kaya pala namumutla siya at nagkakaroon ng pasa kahit hindi naman alam kung napaano.

Pagpasok ko ng office ay lutang akong naupo. Hindi ko alam kung saan ako makakahanap ng blood type B.

"Sige mamaya pupuntahan ko kayo Rahzell" rinig kong sabi ni Luxzell sa phone niya.

Psh. Allirah nanaman.

Maya maya ay nagsidatingan na sina Tristan at Yvez pati na rin ang magpepresent.

"Ang pangit ng presentation mo, ulitin mo" sabi ko sa bagong empleyado.

Nasa meeting room kaming apat nina Luxzell, Tristan at Yvez habang nagpepresent ang mga kakapasok lang na bagong empleyado.

Nagtataka namang lumingon sa akin si Luxzell. "Maganda ang presentation niya. Ano bang hinahanap mo pa?" inis na tanong nito sa akin.

"Yung mas maganda" seryosong sagot ko tsaka lumingon sa kaniya.

"What's wrong with you? Araw araw kang masungit, pati dito sa trabaho ganiyan ka? Pwede bang 'wag mong dalhin 'yung pagiging masungit mo sa trabaho?" kunot noong tanong nito.

Sinenyasan ni Yvez ang empleyado ng thumbs up tsaka pinalabas ito.

"Hindi lang nagustuhan 'yung presentation, masungit agad?" tanong ko sa kaniya tsaka sinenyasan ang nasa labas. "Next"

"Wait" sabi ni Luxzell sa empleyado tsaka hinarap ako. "Bukas niyo na lang ituloy 'yung presentation" sabi ni Luxzell sa mga empleyado pero nasa akin ang tingin.

"Mauna na muna ako sa resort, may gagawin pa 'ko" sabi ni Tristan, tumango naman si Luxzell pero hindi inalis ang tingin sa akin.

"Pupunta muna ako sa kabilang building, may aayusin din ako" sabi naman ni Yvez tsaka sabay silang lumabas ni Tristan.

Nagbuntong hininga ako tsaka tumayo na rin.

"Kailangan ako ni Wayan ngayon" sabi ko tsaka maglalakad na sana kaso hinawakan niya ang kamay ko tsaka hinarap ako.

Napalunok ako ng makita nanaman ang mukha niya sa malapitan.

"Anong nangyari kay Wayan?" nag aalala ang tono niya.

"Wala" sabi ko sabay agaw ng kamay ko sa kaniya.

Maglalakad na sana ulit ako ng hilain niya ang braso ko at halos madikit ang mukha ko sa leeg leeg niya sa sobrang lapit.

"Bakit parang ikaw pa ang galit?" inis na tanong niya.

Inagaw ko naman ang braso ko tsaka umatras.

"Hindi ako galit okay? Nagmamadali ako. Puntahan mo na ang pupuntahan mo at pupunta na rin ako sa pupuntahan ko" seryosong sabi ko tsaka naglakad palabas.

Narinig ko pa ang matunog na buntong hininga niya pero hindi ko na lang 'yun pinansin. Dali dali akong sumakay ng kotse at pumunta ng hospital. Naabutan ko doon si Nix.

"Oh? Ang bilis mo namang nakabalik" nagtatakang sabi niya.

Napasinghal na lang ako tsaka napalingon kay Wayan.

"Naghahanap ang Dad mo ng magdodonate ng dugo kay Wayan" sabi ni Nix.

"M-Magdodonate ng dugo?"

Sabay sabay kaming napalingon ng may magsalita.

Si Luxzell.

"B-bakit kailangan ng magdodonate ng d—"

Natigilan ito sa pagsasalita ng makita si Wayan. Mabilis itong lumapit kay Wayan dahilan para magising si Wayan.

"Papa" sabi ni Wayan kay Luxzell.

"A-Anong nangyari" kunot noong tanong ni Luxzell kay Nix.

Napalingon naman sa akin si Nix at nagtatakang naglilipat lipat ng tingin sa aming dalawa.

"S-si Axie ang tanungin mo" sagot ni Nix dahilan para matuon ang tingin sa akin ni Luxzell.

"Anemic, kailangan niyang salinan ng dugo" sagot ko na lumingon kay Wayan.

"S-Salinan? Anong blood type siya? Mqgdodonate ako T-Type B ako"

Mabilis naman akong napalingon sa kaniya.

"Yun naman pala e! Si Luxzell lang naman pala makakasalin ng dugo" sabi ni Nix dahilan para mapalingon sa kaniya si Luxzell.

"Kung ganu'n, simulan na natin" sabi niya tsaka lumabas ng room.

Napalingon sa akin si Nix pero umiwas ako ng tingin. Paniguradong pasasabugin niya nanaman ako ng maraming tanong.

Maya maya lang ay nagpakuha na ng dugo si Luxzell. Tinawagan ko naman si Dad na mayroon ng nagdonate ng dugo kay Wayan kaya pumunta agad siya dito. Nagulat pa siya ng malaman kung sino ang nagdonate.

"Type B ka pala Luxzell" sabi ni Dad na napakamot pa sa sentido.

Tumango naman si Luxzell.

Ilang oras pa ang lumipas bago naisalin kay Wayan ang dugo.

Lumabas ako ng hospital at nakatingalang tinitignan ang mga bituin. Sa dinami dami ng nangyayari dito nanatili ako sa dating problema.

Paano kaya kung pinagkatiwalaan ko si Luxzell?
Paano kaya kung kami pa?
Paano kaya kung tulad pa rin kami ng dati?
Masasaktan ba 'ko tulad ng ganito?

Hindi ko namalayan ang pagpatak ng luha ko kaya agad ko itong pinunasan.

"Narito ka lang pala"

Napalingon ako sa likod ko nang may magsalita. Si Luxzell.

"S-Salamat nga pala" sabi ko sa kaniya na hindi man lang siya tinignan.

Tumingala ulit ako at tinignan ang mga bituin.

"Why are you crying?" natatawang tanong nito, napalingon naman ako sa kaniya. "Magiging maayos na si Wayan, 'wag ka ng malungkot" nakangiting sabi nito.

Umiwas naman ako ng tingin tsaka napagiwi pa. Hindi niya man lang ba naisip na siya ang iniiyakan ko?

"Mauna na 'ko, hinihintay pa ako ni Allirah" sabi niya.

Napalingon ako sa kaniya. Nakatingin siya sa akin at halatang naghihintay ng sagot ko. Hindi ako sumagot at tinignan ko lang ang mata niya. Wala akong mabasang reaksyon, hindi ko alam kung masaya ba siya o nalulungkot.

"S-sige" naisagot ko.

Ngumiti siya tsaka tumango. Dahan dahan siyang lumapit sa kotse niya habang ako ay sinusundan siya ng tingin hanggang sa makaalis.

Nasasaktan ako. Nagseselos ako. Naghahangad ako. Nagtatampo ako. Nagagalit ako. Nagagalit ako sa sarili ko. Kasalanan ko 'to. Kagagawan ko 'to kung bakit nagkaganito pero ako 'yung nasasaktan. Hindi ko na alam kung hanggang saan kaya kong tiisin na makita si Lux na kasama ang ibang babae, ibang pamilya.

----------->

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now