CHAPTER 11:Welcome Party

34 7 0
                                    

(011)
Welcome Party

LUXZELL POV

"Luxzell Jeon"announce ni Shainah.

Napalingon naman ako kay Ax.Ngumiti naman ito tsaka tumango.Nagsimula naman akong maglakad paputang stage.

Lalaki ang naunang rumampa.

Paglabas ko ay umingay ang paligid.

"Waaahhh Luxzelll!"
"Ang dayaaa bakit nakacoat?"
"Damot!"

Napatingin naman ako sa mga nagbubulungang babae tsaka ngumiti.Tulad ng palaging pageant.Taas noo akong naglakad sa kanan at todo ang ngiti.Pumunta naman ako ng kaliwa tsaka pumormang modelo ng Coat.Pumunta ako ng harap tsaka binukas ang ibabaw ng coat ko.Nakikita na ngayon ang dibdib at braso ko.

"Wahhhh ohmygashh"
"Ang hottttt huhu"
"Mamatay na ata akoooo"
"Ang init!Wala bang aircon dito?"

Pumunta ako ng gitna tsaka pumorma na para bang model.

"Axiee"
"Ohmygash supportive sanaol"
"Yieee ang sweet nilaaaa"
"Couple coat acchhhkk"
"Look oh!Nagtititigan sila"

Lalo akong napangiti ng makita ko si Ax na nasa gitna ng mga tao at diretso ang tingin sakin.Nakangiti ito tsaka sinenyas ang diliri na tumingin lang sa kaniya.Two peace sign sa daliri ay nakaturo sakin tsaka tinuro sa dalawang mata niya habang nakangiti.

"Ohmygashh they look perfect"
"Sila na langggg huhu"
"Axzell!Axzell!Axzell!"

Tulad ng sinabi niya at tutok lang ang tingin ko sa kaniya habang nakangiti.Dahan dahan kong inalis ang natitirang dalawang botones tsaka hinubad 'yun.

"Ohmygashhhh"
"Woaah?"
"Wahhh ang init hoooo"

Nanatili lang ang mata ni Ax sa mata ko kaya hindi ako nakaramdam ng hiya.Hawak ko ang coat tsaka sinabit sa balikat ko at nagpostura bilang isang modelo.

Ngumiti ako tsaka nagflying kiss kay Ax tsaka kumindat at tumalikod.

"Waaahhhh mamatay na ata ako"
"Huhuu ohmygashh"
"Hala may something na sila"
"Yieeee"
"Axieee"

Ngayon lang ako nakaramdam ng hiya nung makabalik ako ng backstage.Dali dali akong nagsuot ng coat tsaka naupo sa gilid.Napapikit ako at pinapahinga ang isip.

"Tubig"rinig kong sani ni Ax tsaka inabutan ako ng mineral water.

Dahan dahan naman akong lumingon sa kaniya tsaka kinuha yung tubig.Dahil sa sobrang hiya ay isahan ko lang ininom ang tubig.Nakita ko siyang ayusin ang coat tsaka huminga ng malalim.

"First time mo bang sumali sa pageant?"tanong ko habang nasa coat ko ang tingin.

"Hindi."sagot niya na lumingon pa sakin."Kaso first time kong rarampa sa ibang school"

Tsaka siya naglakad palapit sakin.Nakita ko naman ang pagpila ng mga babae at pagbalik ni Xian na boxer na lang rin ang natira.Napatingin pa ito sakin tsaka kay Ax tsaka naglakad palayo.

"Pumila ka na"utos ko sa kaniya.

"Mamaya"sagot niya na nasa pila din ang tingin.

"Bakit?"nagtatakang tanong ko.

"Basta"sabi nito tsaka pumikit at inianday ang ulo sa dingding na kinauupuan namin.

Napatingin lang ako sa itsura niya.Maganda siya.Sobrang ganda.Napadpad nanaman ang tingin ko sa labi niya.Alam mo bang ikaw first kiss ko?Ako rin kaya first kiss mo?tanong ko sa sarili tsaka napatingin sa mga mata niyang nakapikit.Napaanday rin ako sa dingding tsaka napapikit na rin ako dahil hindi ko maintindihan ang pagod na nararamdaman ko ngayon.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum