CHAPTER 101: VIS VS. CIS

6 0 0
                                    

AXQUECIA POV

"Galing ko ba?" pagyayabang na tanong agad ni Lux nang makalapit siya sa amin, napangiwi naman. "Sus, napapangiti ka nga kanina e, alam kong magaling ako kahit hindi mo na sabihin" natatawang sabi nito sabay akbay sa akin.

Natawa naman sina Tristan at Yvez sa kaniya.

Kahit kailan mayabang talaga psh.

"Axie!" napalingon ako ng may tumawag nanaman sa akin, si Shainah. "Mamaya na ang debate! Wala tayong representative!" problemadong sabi nito.

"P-paanong wala? Nakalista 'yan diba bago nagsimula?" tanong ni Lux.

"Nag back out 'yung nakalista, kinabahan yata" sabi ni Shainah.

"Ikaw na lang kaya mahal" sabi ni Lux dahilan para mapalingon ako sa kaniya.

"Oo nga ano!" sang ayon ni Shainah.

"Bakit ako? Ayaw ko nga!" tanggi ko.

"Please Axie, wala talaga tayong irerepresent! Matalino din ang kalaban!" pagmamakaawa ni Shainah.

"Ayaw ko talaga" tanggi ko.

"Psh, Axie ikaw na lang ang pag asa" sang ayon naman ni Tristan.

"You can do it Axie, just for CIS" sabi naman ni Yvez.

"Pinagkakaisahan niyo pa talaga ako" inis na bulong ko.

LUXZELL POV

"Alam ko na 'yan! 'Wag mo kong turuan psh" maktol ni Ax.

Sinasabi ko sa kaniya ang criteria ng debate pero napakakunat ng ulo niya. Wala siyang nagawa kundi ang sumali dahil wala na talagang ibang gustong sumali, napilit siya ng Dad niya.

Kung pwede lang sana si Sevi ay pwede kaso magkasabay ang essay at debate.

"Baka pilosopohin mo Axie, ayusin mo!" turo ni Nix.

"Psh, kayo may gustong sumali ako rito" pagsusungit ni Ax.

"Abah tanga mo naman kung babarahin mo 'yung kalaban. Baka sabihan mo ng pake ko? Malay ko ba! Edi 'yun! Pinaglalaban mo?" panggagaya ni Nix sa tono ni Ax, natawa naman ako.

Nasa Canteen kami at minamadali ang pagkain dahil ilang minuto na lang ay debate na.

Kaming tatlo lang ang narito dahil sinamahan ni Tristan si Sevi at Yvez sa essay writting.

Nang matapos kaming kumain ay pumunta agad kami ng gymnasium dahil doon ulit gaganapin ang debate.

"Gaga mars! 'Yun ata ang kalaban mo! Parang ang sungit tulad mo" bulong ni Nix kay Ax habang nakaturo sa babaeng nakaupo sa unahan.

Nakasalamin at seryoso ang mukhang nililibot ang tingin sa kabuuhan ng mga tao.

"Psh, wala sa itsura ang matalino, nasa utak" sagot ni Ax.

Naglakad na siya papuntang unahan. Nagkatingin sila 'nung babae pero agad na umiwas ng tingin si Ax at naupo sa kaharap na upuan na kinauupuan ng babaeng naka salamin.

"Medyo kinakabahan ako, pilosopo si Axie e" sabi ni Nix na napakamot pa sa ulo, natawa naman ako kaya napalingon siya sa akin. "Stop laughing dude, totoo 'yun! Baka mapahiya CIS mamaya" sabi niya na kunot na kunot ang noo.

"Ingay mo tsk tsk" sabi ko sabay tulak sa kaniya, hindi naman malakas pero ang O.A niya.

"Ouch! Ang sakit ah!"

"Anong masakit? Hindi nga malakas 'yun!"

Kami pa yata ang magbabangayan dahil kabaliktaran ng ugali niya ang ugali ni Ax.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now