CHAPTER 114

5 0 0
                                    

TRISTAN POV

Kalat na ang balitang nangyari sa pagitan ni Allirah at Luxzell. Malaki ang tiwala namin kay Luxzell at alam naming hindi sa kaniya ang batang 'yun.

"Tigil tigilan mo ang pag iyak Luxzell, 'wag kang magpakatanga sa nangyayari" gitil na sabi ni Seirho.

Napalingon sa kaniya si Luxzell. Narito kami ngayon sa mini park ng Campus dahil wala namang klase.

"Tanga? Tanga na ba sa'yo 'yung iyakan 'yung babaeng mahal mo?" inis na sabi ni Luxzell na tumayo pa.

Agad na napatayo kami ni Yvez kung sakaling may mangyaring sakitan.

Tumayo naman si Seirho at matalim na tumingin kay Lux.

"Hindi pa siya patay para iyakan Luxzell. Hindi mo kasi naiintindihan ang pinupunto ko. I was pointing here that don't be affected to her because your not fault okay? Nakakainis lang kasing nakikita kang ikaw 'yung nasasaktan e wala ka namang kasalanan" pagdidiin ni Seirho sa mga salita.

"Yun na ang problema! Wala akong kasalanan pero nasasaktan ako!" inis na sabi ni Luxzell na napahilamos pa ng sariling palad sa mukha.

"Kasi iba ang iniisip mo at hindi ang sarili mo!" sigaw din ni Seirho.

"Hey tama na okay? Walang magagawa 'yang away niyo e" awat ko na pumagitna pa sa kanilang dalawa.

Hindi ko pa naman nakikitang magalit si Seirho pero kinakabahan ako sa pwedeng magawa niya lalo na ni Luxzell. Nakita ko kung paano siya magalit at halos hindi ito makilala.

Nag aalala din ang tingin ni Yvez na aligaga ding umaawat sa braso ni Luxzell.

"Bakit ka ba nagagalit? Ha? Wala naman akong ginagawa sa'yo" inis na sigaw ni Luxzell kay Seirho, hindi pinansin ang pag awat ko.

"Bakit ako nagagalit sa'yo? Kasi sinasaktan mo din ako!" natigilan kaming lahat sa sinabi ni Seirho lalong lalo na si Luxzell. "Nasasaktan din ako na makita 'yung kakambal ko na nasasaktan dahil lang sa babaeng ni minsan hindi siya pinagkatiwalaan!" sigaw ni Seirho na halos makatutusok ang talim ng tingin.

Natulala si Luxzell sa sinabi ni Seirho. Kahit kami ni Yvez ay hindi namin inaasahan na ganu'n pala ang nararamdaman nito kahit na robot siya.

"Bakit ka umiiyak? Nag aalinlangan ka na baka hindi na siya bumalik ganu'n ba?" nameke ang tawa ni Seirho na napasinghal pa. "Always remember that its not you fault. Wala kang kasalanan! Ang may kasalanan dito 'yung babaeng 'yun!" inis na sabi ni Seirho na nagturo pa sa kung saan. "Alam mo kung ano ang kasalanan niya kung bakit nasira ang relasyon niyo? Kasi hindi ka niya pinagkatiwalaan!" Galit na galit ang tono ni Seirho.

Hindi ako ang kausap niya pero kinakabahan ako. Napatingin ako kay Luxzell, nakayuko na ito habang kuyom ang dalawang palad.

"Imagine na kami ngang mga kaibigan mo naintindihan ka agad, pinagkatiwalaan ka kaagad e ano si Axquecia? 'Yung mismong girlfriend mo pa? Kahit hindi ko nararamdaman 'yang pagmamahal na 'yan sa babae, alam ko kung sino ang tama at kung sino ang may mali!" kunot noong sabi ni Seirho na halos mabingi kami sa sigaw nito. "I'm just concern Luxzell and if you don't understand my point then kill yourself on overthinking" inis na sabi ni Seirho tsaka padabog na hinablot ang bag at tinalikuran kami.

Nabaling agad ang tingin ko kay Luxzell. Umupo ito sa concrete chair at hindi mahinto ang pagpatak ng luha. Naiintindihan ko si Luxzell pero mas naiintindihan ko si Seirho. Tama si Seirho. Walang kasalanan si Luxzell pero parang inako niya lahat ng kasalanan. Siya lahat ang nagbuhat nito kaya siya ang nahihirapan sa sitwasyon.

"Tama si Seirho" Nagbuntong hininga si Yvez bago sinabi 'yun. "Pinsan ko si Axie pero aminado akong mali ni Axie kung bakit nasira ang relasyon mo. Hindi naman si minamasama namin si Axie sa'yo pero hindi ka talaga niya pinagkatiwalaan hindi tulad ng pagtitiwala namin sa'yo bilang kaibigan."

"Wag mong iyakan 'yung sitwasong wala ka namang kasalanan" dagdag ko naman tsaka hinaplos ang likod ni Luxzell. "Kung mahal ka 'nun babalik at babalik 'yun, kung hindi na talaga 'wag kang mag alinlangan dahil marami namang babae dito sa mundo"

Napasinghal si Lux tsaka natawang pinunasan ang luha.

"Babaero ka talaga" natatawang sabi ni Luxzell, natawa naman si Yvez.

Tsk? Ako na nga itong concern e nilait pa!

LUXZELL POV

Nakauwi na ako ng bahay pero wala pa din si Sevi. Nag aalala ako na baka kung ano ang ginawa niya. Talagang galit siya sakin.

Nanlaki na lang ang mata ko ng pagpasok ko sa laboratory ko ay nakita ko siyang nagluluto.

Bakit dito siya nagluluto? Hindi ba dapat sa kusina sa labas?

"Oh nakauwi ka na pala. Akala ko wala ka ng balak umuwi" natatawang sabi ni Sevi tsaka inilapag ang nilutong turtang talong sa table.

Naupo naman ako doon at pinagmasdan ang mga niluluto niya. Akala ko ay magagalit siya sa akin pero natural ang pagkakangiti niya.

"Kumain na tayo" yaya niya nang matapos siya magluto.

Napatingin naman ako sa kaniya kaya naramdaman niya ang tingin ko kaya napalingon siya sa akin.

"S-sorry kanina" ako na ang nagbukas ng topic tungkol kanina.

"Ayos lang basta 'wag mo lang kakalimutan ang mga sinabi ko kasi ni minsan hindi ko balak na masaktan ka Luxzell" nakangiting sabi niya tsaka nilagyan ng beef steak ang plato ko.

"Salamat." 'yun na lang ang naging sagot ko tsaka kami nagsimulang kumain.

Susubukan kong hindi kalimutan ang mga sinabi niya pero hindi ibig sabihin 'nun ay kakalimutan ko si Ax. Hanggang sa umaasa pa din ako hinding hindi ko siya makakalimutan. Hanggang mahal ko pa siya hinding hindi ko pa siya kakalimutan. Malaki ang tiwala ko na babalik siya sa akin at magtitiwala sa akin, mamahalin ako at hindi na ulit ako iiwan.

Sana nga ganu'n ang mangyari dahil umaasa ako na ganu'n nga. Naalala ko ang sinabi ni tito Primo, ilang taon bago siya babalik. Alam kong kaya kong maghintay pero hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang mahalin siya. Kilala ko ang sarili ko, once na mawala ang taong 'yun e dahan dahan ding nawawala ang feelings ko tulad na lang ng nangyari kay Zev.

Kamusta na kaya si Wayan?
Kamusta na si Ax?
Ayos lang kaya sila?
Sana ayos lang sila.
Sana mahal pa din ako ni Ax.
Sana bumalik na siya sa'kin.
Sana ako pa rin.
Sana...

-------------->

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now