CHAPTER 45

22 0 0
                                    

(045)

YVEZ POV

Hindi ko alam na ganito pala makipaglaro ang tadhana.Ilang araw lang ang nakakaraan ng makilala ko si Jichelle pero ito nanaman at makikita ko pa yata siya sa Intramurals.

I don't know myself.What I mean is I don't know what I feel.Wala naman akong nararamdaman para sa kaniya pero naiilang ako sa tuwing kasama siya.It's weird.

"Naiisip mo nanaman si Jichelle tsh" natatawang sabi ni Tristan.

Tulad nito psh.Nakakailang sa tuwing nanunukso siya.Ngayon ay naiintindihan ko na si Lux,ang pagkakaiba lang ay gusto ni Lux ang itutukso siya samantalang ako ay hindi.

Nakapila kami sa basketball boys at hindi ko namalayan na lutang pala ako.

Nang kami na ang magsusulat ay napatingin ako sa listahan ng mga basketball girls ng nakasulat ang pangalan ni Axie.Nangunot naman ang noo kong nilingon si Tristan at tinuro ang pangalan ni Axie.Nangunot din ang noo niya.Parehas kaming napasinghal at nagpasulat na din ako kay Tristan ng pangalan ko.

"Talagang kakaiba ang trip ng pinsan mo" singhal ni Tristan ng makalabas kami.

Hindi ko rin inaasahan na sasali siya do'n.Psh.Ang daming pwedeng salihan e.

"Kuya"

Napalingon na lang kami ng may tumawag ng Kuya.We are not sure if he call us but I'm looking who call Kuya.

Tama nga.Sa amin siya nakatingin at nakangiti.

Si Walter Alonzo.

"Kamusta?" Tanong ni Tristan sa kaniya nang makalapit na ito samin.

"Ngayon ko lang nabalitaan ang nangyari sa family ni Kuya Lux" nawala ang ngiti sa labi niya. "Wala na si Lexzia" parang maluluha na siya.

Hindi niya nalaman agad dahil nasa ibang bansa siya 'nung araw na 'yun.Ngayon niya lang nalaman at talagang nakakaawa ang itsura niya pero hindi ko maiwasan na maalala ang reaksyon ni Lux 'nung araw na 'yun.

"Kamusta si Kuya Lux?Kasama niyo ba siya?Gusto ko siyang makamusta?" Sabi ni Walter na nilingon pa ang paligid.

Nagkalingunan naman kami ni Tristan at mabilis na nag iwas ng tingin sa isa't isa dahil parang iisa ang nasa isip namin.

"Hindi na pumapasok ang Kuya Lux mo."Nagpapaunawa ang tono ni Tristan."Hindi namin alam kung nasaan siya e"

Nangunot naman ang noo ni Walter na naglilipat lipat ng tingin saming dalawa ni Tristan na animo'y naguguluhan.

"H-hindi niyo alam kung saan?" Nagtatakang tanong niya na naglilipat pa din ng tingin saming dalawa.Nagkalingunan naman kami ni Tristan tsaka sabay na napalingon sa kaniya at tumango."S-seriously?N-nakita ko siya kahapon" naguguluhan pa din ang tono niya.

Sabay nanaman kaming napalingon ni Tristan sa isa't isa at napalunok pa akong nag iwas ng tingin.

"Y-you see him?W-where?" Naguguluhang tanong ko na napalingon kay Tristan.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now