CHAPTER 120

5 0 0
                                    

LUXZELL POV

Limang taon na ang nakakalipas at isa na akong CEO ng J.A Company habang business partner ko na rin ang mga kaibigan ko. Si Yvez na ang humahawak ng Alvarez Company habang si Tristan din ang humahawak ng T Company pati na rin ang T Resort.

Graduated na kami ng college sa kursong business management. Si Sevi ang personal chief rito sa kumpanya at tuwang tuwa siya sa ginagawa niya. Masaya siya sa tuwing magugustuhan ng mga empleyado ang luto niya.

5 years old na rin ang anak ni Allirah at nakakatuwang napalapit ako sa batang 'yun dahil sobrang bait niya.

Narito ako ngayon sa office at nagtatrabaho. Hindi ko na rin inaabala si tito Primo na magtrabaho pa dahil nasa edad na siya. 56 years old na siya at ayaw ko na din siyang napapagod kaya pinabakasyon ko sa Bicol kasama ang mga taga Bicol na kilala niya sa Masbate. 2 days na siya doon at paniguradong nag eenjoy siya.

Gusto kong ako naman ang magtatrabaho dahil 'nung panahong hindi ko kaya ay siya ang nagtaguyod nitong kumpaniya, ngayong matanda na siya ay ako naman ang  magtatrabaho para sa kaniya.

He never fail to feel that I'm very special to him and he can do everything just for me. He became my second father.

"Sir, may dumating pong business partner niyo" sabi ni Krivz sa kalagitnaan ng pagbabasa ko.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Nagtataka ako kung sino ang sinasabi niyang business partner e nasa kabilang room lang naman si Tristan at Yvez.

"Patuluyin mo" sagot ko, tumango naman ito tsaka inasikaso ang sinasabi niya.

AXQUECIA POV

"Ano ka ba! Kinocontact ka ni Dad pero hindi ka macontact!" inis na maktol sa akin ni Kuya.

Hindi ko alam kung paano niya natunton ang tinataguan ko kasama ang grupo ko. 'Nung una kasing punta ko sa London ay dito ako sa bahay ni Kuya nakituloy pero 'nung tumagal ay naglayas ako at nagpakalayo layo kasama si Wayan at ang grupo. Hindi rin mahiwalay sa akin ni Nix kaya kasama ko ito hanggang saan.

Limang taon na ang nakakalipas pero sariwa pa din ang sakit na nararamdaman ko. Tang*na! Ganito ko ba talaga kamahal si Lux at kahit ilang taon pa ang lumipas ay hindi ko siya kayang kalimutan? Gusto kong umuwi ng Pilipinas pero natatakot ako sa kung anong pwedeng madatnan ko doon.

"Kailangan mo ng umuwi ng Pilipinas. Nakalista ang pangalan mo sa papalit sa pwesto ni Dad sa J. A Company. Mag impake ka na at uuwi tayo ng Pilipinas" sabi ni Kuya pero para akong bingi na hindi siya naririnig kaht gaano pa kalakas ang boses niya.

Napasinghal ako tsaka pekeng tumawa. "Sasaktan niyo talaga ako ha" iiling iling na sabi ko na natawa pa. "Alam niyong naroon si Luxzell at hindi pa ako handang makasama siya" seryosong sabi ko.

"Napakatanga mo talaga!" singhal niya sa akin. "Sasamahan nga kita para makabawi tayo"

"Makabawi? Sasaktan mo din siya? Kung ikaw kaya ang saktan ko" pagbabanta ko sa kaniya.

"Ang dami mo pang sinasabi tara na" sabi niya tsaka hinila ako.

Naiwan sina Zev at ang anak niya dito habang kasama ni Nix si Wayan sa bahay nito sa London at papunta na kami ng Pilipinas. Hindi ako handa sa kung anong pwedeng maabutan ko doon. Hindi ko alam kung handa na ba akong makita si Luxzell na kasama ng ibang babae at may sariling pamilya. Hindi pa rin mawala ang galit ko at hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ko.

Napakarupok ko! Nasasaktan na 'ko pero hinahanap ko pa din siya. Hindi ko lang kasi matanggap na gagawin niya sa'kin 'yun.

Nagpatuloy ako ng pag aaral sa London at graduated na ako ng college sa kursong Business Management. Kahit na hindi ako nakikita ni Dad at Kuya ay nilalagyan niya ng pera ang bangko ko kaya nakapagpatuloy ako sa pag aaral.

Paglapag namin ng Pilipinas ay agad akong sinalubong ni Dad ng sama ng tingin. Napakunot naman ang noo ko sa sama ng tingin sa akin ni Dad.

"Tinatawagan kita pero hindi ka sumasagot, alam mo bang may nag aalala rin dito sa Pilipinas" seryosong sabi niya.

Napatikop naman ang bibig ko tsaka napalingon kay Kuya pero agad itong umiwas mg tingin. "S-sorry Dad" sabi ko na napayuko pa.

Kapag seryoso ang mukha niya ay galit siya at hindi siya nakikipagbiruan. Napansin ko na din ang pagbabago ng mukha niya, tumatanda na. Ganu'n ba talaga ako katagal sa London para manibago sa nakikita ko ngayon?

"Paano mo agad malalaman ang totoo e halos nagtago ka ng ilang taon!" Inis talaga ang tono ni Dad.

"A-Anong totoo Dad?" nagtatakang tanong ko.

"Anong ginagawa mo sa pera mo? Nababawasan ang pera mo sa bangko mo" pagbabago ng topic  na sabi niya.

Napabuntong hininga naman ako tsaka humarap sa kaniya. "Nag aral ako Dad at graduated na ako sa college sa kursong Business Management." sabi ko na napakamot pa sa ulo tsaka muling humarap sa kaniya. "So anong totoo Dad?" pagbabalik ko sa tanong.

"Hindi anak ni Luxzell ang nasa tiyan ni Allirah at may DNA test result kaso hindi ka bumalik" diretsong sabi ni Dad.

Natigilan ako. Hindi ako magalaw at hindi natigil sa pagkurap ang mata ko sa kaniya, hindi makapaniwala sa sinabi niya. Parang may kung anong tuwa ang naramdaman ko sa balitang 'yun at konsensiya dahil pinalipas ko ng ilang taon 'yung galit ko na wala naman siyang ginawang masama.

"S-saan siya Dad?" aligagang tanong ko.

"Nasa J. A Company, busy siya sa trabaho dahil siya na ang CEO ng kumpanyang 'yun. Ang alam niya ang nagbabakasyon ako sa Bicol pero ang totoo ay pinahanap kita. Alam kong nasa grupo ka pero hindi ko alam kung saan kayo nagtago" seryosong paliwanag niya. "Saan si Wayan?"

"Kasama ni Nix" sagot ko. "Pupuntahan ko si Luxzell"

"Goodluck"

Nagtaka ako sa sagot ni Dad. Para bang kinabahan ako sa sagot niya. Para bang may makikita akong hindi ko magugustuhan. Napalingon na lang ako kay Dad tsaka nagmamadaling makasakay ng taxi.

Nang makarating ako sa J.A Company ay agad akong pumasok ng buiding. Nagtataka pa ang mga empleyado nan makita ako pero hindi ko na lang sila pinansin at nagmadaling pumunta ng office.

Nakita ko si Krivz kaya lumapit ako sa kaniya.

"Narito ba si Luxzell?" Tanong ko na tinuro pa ang nakasaradong pintuan.

Tumango naman ito. "Good Evening Ma'am. Wait lang po" sabi nito tsaka pumasok ng room. Matagal pa siya sa loob bago lumabas at hinarap ako. "Tuloy po" sabi niya tsaka pinagbuksan ako ng pinto.

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok. Naabutan kong nakaharap si Luxzell sa mga papeles tsaka napalingon sa akin nang mapansin na pumasok ako.

Napalunok ako ng makitang walang reaksyon ang mukha niya. Ang laki ng ipinagbago ng itsura niya. Nagmature ang mukha niya at lumaki ang katawan. Lalong kumapal ang kilay niya at humaba din ang buhok niya. Lalo siyang gumwapo.

"Luxzell" panimula ko na nilalabanan ang tingin niya.

Nilalabanan niya din ang tingin ko at ngumiti ito. "Axquecia, nice to see again" natural ang ngiti niya.

Axquecia?

Napalunok ako. Parang may kung anong kirot ang dumaan sa dibdib ko.

"L-Luxzell. S-sorry ngayon ko lang nalaman" sabi ko na nakagat pa ang sariling labi kasabay ng pagyuko.

"Alin? 'Yung hindi mo 'ko pinagkatiwalaan?" nakangiting tanong nito dahilan para mapalingon  ako sa kaniya. "Nakalimutan ko na ang bagay na 'yun" nakangiting sabi niyo. "Magtatrabaho ka na ba?" natural ang pagkakangiti niya.

Hindi ko na makilala ang Luxzell na kaharap ko. Hindi na siya expressive tulad ng dati, marunong na siyang kumontrol ng reaksyon o... Baka totoo na talaga wala na 'ko sa kaniya.

----------->

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now