CHAPTER 13

27 4 0
                                    

(013)

LUXZELL POV
Nasa J.A Company kami.2:30am ay narito na kami dahil 12:00 ng madaling araw natapos ang party.Kasama si Dad,Tito Primo at Ax.

"Congrats.Ang galing niyo sa pageant"sabi ni Tito Primo ng paakyat kami sa office ni Dad.

"Psh"rinig kong singhal ni Ax.Halata pa rin ang pagkalasing sa mata niya.

"Hindi mo naman sinabi sakin Axie na may issue pala kayo nitong si Lux sa campus HAHAHAHAHA"Nang aasar sabi ni Tito Primo,napakamot naman ako ng ulo.

"Tsk tsk ngayon ko nga lang din nalaman na sikat ang love team nitong dalawa sa campus ko"iiling iling naman na sabi ni Dad.

Napangiwi naman ako.

Nang makarating kami sa office ni Dad ay naupo agad kami.Lahat kami pagod maliban kay Tito Primo na nagpaiwan dito ng kunting oras para mabantayan ang opisina.

"Good Morning everyone.Mr. Lafuente call us, the the meeting will suspended because of some private reason based on him"balita samin ng secretary ni Dad.

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni Ax.

"Siraulo talagang Lafuente na 'yan.Magdedeklarang suspended kung kailan dito na tayo?Seriously?"maktol ni Ax,pinagtawanan naman siya ni dad at tito.

Ganito na sila kaclose.

"Magpahinga na kayo dahil alam naming pagod na kayo.May kwarto sa taas.Do'n na kayo"sabi ni tito.

"Psh pepersonalin ko na talagang Lapwente na yan e!Ilang beses na 'yan.Kung hindi lang malaki ang ambag niya dito e...psh"rinig kong maktol nanaman ni Ax.

Sino ba yung Lafuente?bakit parang inis na inis siya.

"HAHAHAHA hayaan mo na lang.Magpahinga na kayo."sabi ni dad na nilingon pa 'ko.

Nauna ng tumayo si Ax at humalik sa pisngi ng Dad niya at kay dad.Ganu'n din ang ginawa ko.

"Sleepwell"sabi ni Dad tsaka kami tumalikod.

Nagpatuloy kami sa taas ng opisina ni Dad kung saan may kwarto.

"Magkatabi tayo?"nagtatakang tanong ko.

Kunot noo niya naman akong nilingon."Marami ang kama"sagot niya tsaka naglakad palayo.

Napalunok naman ako ng maalala ang nangyari sa kotse niya.Parang wala lang sa kaniya pero sakin,hindi ko kayang makalimutan.

Dumiretso ako ng banyo tsaka dali daling naligo dahil sa antok.Nang makabihis ako ay lumabas na ako ng Cr.Nakita ko namang nakaligo na rin si Ax at nagsusuklay sa harap ng salamin.

"Saan ka matutulog?"tanong ko habang palipat lipat ng tingin sa dalawang kama.

Tumingin naman ito sa dalawang kama tsaka muling tumingin sa salamin."Kahit saan"sagot niya.

May dalawang kama rito.Kulay pula at kulay asul.Sa pula ako nahiga.Nakatingin pa ako sa kaniya habang nagsusuklay siya.Ang cute niya tignan sa kulay pink na pantulog na padjama at manipis na jacket.

"Natutulog ka bang nakapatay ang ilaw?"tanong ko.

"Hindi"nanlaki ang mata ko.

Ayaw kong matulog na bukas ang ilaw!

"H-ha?eh natutulog akong patay ang ilaw"sabi ko napaupo sa kama.

Lumingon siya sakin at inilapag ang suklay sa drawer katabi ng mahihigaan niya.Lamshade ang pagitan ng kama na hinihigaan namin.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon