CHAPTER 38

26 0 0
                                    

(038)

AXQUECIA POV

Hindi ko malaman kung anong gagawin ko.Nasa pinto kami ni Lexzia at sinisilip siya.Kasama ko si Yvez at Tristan.Wala si Dad dahil may aasikasuhin siya sa kompanya.Sumisilip kami ng biglang tumunog ang kwarto ni Lexzia na nangangahulugang may hindi magandang nangyayari.

Patakbong pumunta si Tristan sa station ng mga doctor para ibalita ang nangyayari.

Anong nangyayari?

Nakita ko namang lumabas si Luxzell at patakbong pumunta sa pwesto ko.

"Lexzia"tawag niya habang nakasilip sa glass door.

"Erp"sabi ni Yvez na inalalayan si Luxzell na umalis sa pintuan na 'yun dahil parating na ang doctor at mga nurse.

Napatakbo ako ng manghina nanaman si Luxzell,nanghihina ang tuhod niya dahilan para mapatumba siya.Inalalayan siya ng dalawa niyang kaibigan.

"Luxzell!Lux!"natatarantang tawag ni Yvez.

Namumutla siya at halatang walang tulog.Dalawang araw na kami rito at hindi pa siya umaayos sa pagkain.Nagpaexcuse na kaming apat sa klase at nagrequest sa guro na magtetake na lang ng mga quizes para makahabol.

Hindi namin pwedeng pabayaan si Lux ngayon.Nagpaalam na ang dalawang kaibigan niya sa kani kanilang mga magulang at paisa isa lang kaming umuuwi para lang may maiwan dito.

Hindi nakakausap si Lux at parang wala sa sarili.Natatakot kami na baka makaisip siyang magpakamatay para lang masundan ang magulang niya.Hindi ko kakayanin kapag nangyari 'yun.

Napakasiraulo talaga ng tadhana.Kung kailang gusto na kita,nagloko pa ang panahon.Bakit naman ganu'n?Kailan alam ko ng mahal na kita,nagkaproblema ka naman.Sa ngayon mas pipiliin kong sarilihin muna ang nararamdan ko dahil hindi kaya 'nun palitan ang sakit na nararamdaman ni Lux ngayon.

Napalingon ako sa doctor ng lumabas ito.

"Sorry pero hindi kinaya ng pasyenteng lumaban.Sorry to say pero wala na siya"sabi ng doctor na ikinahina ng tuhod ko.

Nilalabanan ko ang panghihina ko.Napalingon ako kay Lux at hindi na nahinto ang luha niya.Patakbo siyang pumasok ng kwarto.Napatakbo din ako.Narinig ko pang kausapin ni Yvez ang doctor pero kay Lux na ang atensyon ko.

"Lexziaaa"tawag ni Lux habang sinusubukan galawin ito.Wala na talagang buhay si Lexzia.Napatalikod pa ako para maiwasang maluha sa nakikita."Lexzia.Ikaw na lang ang lakas ni Kuya e.Bakit mo pa 'ko iniwan?"halos gumaralgal ang tono ni Lux,hindi ko na kayang pigilan maluha."Babawi pa nga ako sayo diba?Lexzia naman"kinakausap niya ito na para bang sasagutin siya nito.

Napayuko na lang ako tsaka nagpunas ng luha.

Masakit na makita kitang umiiyak Lux.Kung kaya ko lang ibalik ang buhay nila ay paniguradong gagawin ko para sayo para lang hindi kita makitang nasasaktan ng ganiyan.

Ang katotohanang wala akong magagawa ngayon ay sobrang nakakabaliw.Pakiramdam ko ay wala akong kwentang tao sa ngayon dahil wala akong maitutulong sa kaniya.Ang kaya ko lang gawin ay samahan siya.

"Hindi ko na kaya"sabi ni Lux na hinang hina na natumba sa gilid ng kama ni Lexzia.

Taranta naman akong lumapit sa kaniya."Lux"tawag ko na inalalayan agad siya."Yvez!"tawag ko dahil hindi ko kaya ang bigat niya.

Patakbo namang lumapit si Yvez na inalalayan agad si Lux.

Gusto kong maiyak sa kalagayan ni Lux.Hindi ko alam kung anong gagawin ko.Wala akong magawa para ibalik 'yung saya sa kaniya.Hinang hina si Luxzell.Namumutla at dahil sa dalawang araw na hindi pagkain,para bang nagbago ang katawan niya.Hindi ko alam pero 'yun ang tingin ko.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now