CHAPTER 117

5 0 0
                                    

LUXZELL POV

"Congratulation to all graduating students"

Nang matapos ang graduation ay tuwang tuwa ako na makita ang sarili kong nakasuot ng toga. Si tito Primo ang nagsabit ng medalya ko.

"Magcecelebrate tayo ng achievement niyo ni Seirho kaya doon kayo sa bahay tumuloy ha. Siguraduhin niyong nakalock ang bahay niyo" paalala sa amin ni tito, napangiti naman ako. "Sige na dahil may aasikasuhin ako madali lang 'to" sabi niya na kumindat pa tsaka naglakad palayo sa amin.

Tuwang tuwa naman kami ni Seirho na umuwi tsaka nagbihis. Sinunod naman namin ang bilin ni tito.

"Pwede bang samahan mo ako sa sementeryo" pakiusap ko kay Seirho.

"Sure. Sure. Ngayon na ba?" tanong niya.

Ngumiti naman ako tsaka tumango. Siya ang nagmaneho. Dumaan pa kami ng flowershop para bumili ng bulaklak. Nang makarating kami ng sementeryo ay patakbo akong pumunta sa puntod ng pamilya ko.

Kinuha ko ang panyong nasa bulsa ko at pinunasan ang puntod nito. Nilagyan ko sila ng tig iisang bouqet ng bulaklak.

"Hi mom, dad Lexzia graduated na ako ng senior high" kunwaring kinakausap ko sila kahit na alam kong hindi sila sasagot. "Ako na po ang bahala sa mga naiwan niyo" sabi ko pa na lumipat sa puntod ni Lexzia at pinunasan din ito. "Iniwan na din ako ni Ax Dad HAHAHAH pero ayos lang, maghihintay pa din po ako" sabi ko na lumingon pa sa puntod ni Dad. "Si tito Primo, 'yung brestfriend mo Dad hindi ako pinabayaan" nakangiting sabi ko.

"Hinahanap na tayo ni tito Primo" sabi ni Sevi.

Tumango naman ako tsaka tumayo. "Aalis na po ako ha, babalik po ako kapag may time" sabi ko tsaka nauna ng naglakad.

Nang makarating kami sa bahay nina tito Primo ay nanlaki ang mata ko ng makita ang sobrang daming tao. Gulat akong napalingon sa mga ito at nagtatakang tumingin kay tito Primo. Mga taga Bicol ang mga narito, narito ang pamilya ni Jichelle.

"Congratulation sa inyong dalawa" bati ng lahat.

Napangiti naman ako tsaka yumuko sa kanilang lahat bilang pag galang tsaka hinarap silang lahat.

"Maraming salamat" sagot namin ni Sevi.

"Congrats" sabi ni Lacson na nakipagkamay pa sa akin.

Napangiti ako tsaka nakipagkamay sa kaniya. "Salamat" sagot ko.

Tsaka siya bumaling kay Sev at nakipagkamay din. Nanibago pa ako sa kaniya dahil isang taon lang naman mahigit ang nakakalipas pero para bang ang laki ng pinagbago niya.

"Congrats" bungad ni 'nay Glerry sa akin na niyakap pa ako tsaka si Sevi.

"Salamat" sagot namin.

"Erp!" sigaw ni Tristan kaya agad na nilibot ko ang tingin at nakita ko silang kumakaway.

May mga chairs at tables ang narito sa garden ng bahay ni tito Primo at sa sobrang laki nito ay kinaya ang dami ng taong karamihan ay taga bicol.

Lumapit kami ni Sevi doon tsaka nakipagkamay sa kanila.

"Congrats!" sabi sa amin ni Mallix tsaka Vince.

"Salamat" sagot namin.

Naupo kami sa tabi nila. Round table ang narito kaya nakapabilog kaming anim.

"Si Yvez hindi makagalaw, narito kasi si Jichelle e" natatawang buyo nanaman ni Tristan kay Yvez.

Napatingin naman ako sa pwesto ni Jichelle, kasama nito ang pamilya niya.

"Psh manahimik ka nga kano" sabi naman ni Yvez.

"Stop calling kano. Ang pangit!" Maktol naman ni Tristan.

"Good evening everyone and thanks for coming" sabi ni tito sa microphone dahilan para matuon sa kaniya ang atensyon ng lahat. "We are here to celebrate the achievement of my two handsome son" napangiti pa ako ng tawagin niya kaming anak. "Well they are not my actually son but I treat them as a son." Sabi nito na lumingon pa sa amin. "Congratulations and to all graduating this year" sabi nito dahilan para magpalakpakan ang mga tao. "Enjoy your foods and stay chill" sabi ni tito tsaka bumaba ng mini stage.

May tugtugin na nagpapasaya ng gabing ito. Medyo madilim at sobrang saya.

Nakakapagtataka lang dahil ni isa ay walang nagbalak na nagtanong tungkol kay Ax. Feeling ko tuloy ay kinausap ni tito ang lahat na 'wag babanggitin si Ax kapag narito ako.

"Cheers!" sigaw ni Tristan na itinaas ang wine niya.

"Cheers!" Nakangiting sabi namin tsaka nakipagcheers.

Masaya talaga ako ngayong araw dahil kahit wala na ang pamilya ko para gawin ang ganito, may ibang pamilya na gumagawa sa akin, sa amin. Nakakataba lang ng loob na pumunta pa ng Bicol si tito para lang sunduin ang mga taga bicol para lang makasama ko sa celebration na 'to.

"Congrats" sabi sa amin ni tita Wilzy.

Tuwang tuwa naman akong napalingon sa kaniya at niyakap ito.

"Thanks tita" sabi naman namin ni Sevi.

Pati ang pamilya ni Yvez ay bumati sa amin. Marami ang bumati at nakakatuwa talaga ang nangyayari. Ang akala ko ay toga na ang magpapasaya sa akin pero marami pa pala. Ang akala ko malulungkot ako dahil wala 'yung pamilya ko para gumawa ng celebration pero ginawa ni tito Primo para sa akin. Hindi ako naghangad kay tito Primo, sinusurpresa niya lang ako tulad nito. Nakakataba ng puso.

"Congrats Luxzell" napalingon ako sa nagsalita sa likod ko.

Napatayo ako ng makita si Allirah. "Salamat" nakangiting sabi ko. "B-bakit ka naglalakad lakad? 'Yung baby mo baka mapaano" nag aalalang sabi ko na napatingin pa sa tiyan niya.

Natawa naman ito. "Kaya ko na" sabi niya.

"Congrats mga kuya" bati naman sa amin ni Alisha.

"Salamat" sagot namin.

"Excuse muna, bantayan niyo dito si Alisha ah" sabi ko sa kanila, tumango naman sila.

Si Alisha ang pinaupo ko sa upuan ko tsaka inalalayang maglakad si Alisha palayo sa pwesto namin.

"Kamusta 'yung baby?" tanong ko na napalingon naman sa tiyan niya.

Malaki na 'yun.

"Medyo sumasakit na 'yung tiyan ko kasi nararamdaman ko na sumisipa na 'yung baby" nakangiting sabi niya.

"P-pwede ko bang mahawakan?" Nakangiting tanong ko habang nasa tiyan na ang tingin.

Ngumiti naman ito at hinawakan ang kamay ko at dahan dahan nilapit sa tiyan niya. Nararamdaman ko na nga ang pag galaw ng bata sa loob ng tiyan niya.

"Magalaw na siya ano?" tanong niya sa akin, napatango naman ako.

Nakakatuwa naman. Malapit na siyang lumabas. Hindi na ako makapaghintay na makita ang batang lumabas. Hindi ko ba alam pero feeling ko ay naging tatay na rin ako sa anak ni Allirah. Halos nakalimutan ko na nga 'yung issue namin e dahil natutuwa ako sa tuwing makikitang lumalaki ang tiyan ni Allirah.

---------->

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now