CHAPTER 125

5 0 0
                                    

WARNING: MATURED SCENE AND EFFECT

AXQUECIA POV

Nagsiuwian na ang mga bisita ni Luxzell kaya naiwan na lang kami nina Tristan, Yvez, Seirho, Dad, Wayan, Nix at Allirah psh.

"Uuwi na kami" sabi ni Yvez, tumango naman si Luxzell. "Happy birthday ulit erp" nakangiting sabi nito.

"Salamat"

"Ako din uuwi na ha, bukas na lang ulit. Happy birthday ulit" sabi ni Tristan.

"Sige. Salamat sa pagpunta" sagot naman ni Luxzell tsaka bumaling kay Allirah. "Ihatid ko na kayo pauwi" nakangiting sabi ni Luxzell kay Allirah.

Syempre hindi naman tumanggi si Allirah psh.

"Dito muna kami hanggang sa magising si Wayan" sabi ni Dad.

Tulad nga ng inaasahan ay inihatid ni Luxzell si Allirah. Tumalim ang tingin ko sa kamay ni Luxzell sa braso ni Allirah. Sinong hindi magtataka niya? Para silang magjowa.

"Uuwi na ako" sabi ko tsaka tumayo.

"Mamaya na" sabi ni Seirho.

"Maya maya, madali lang 'yun si Luxzell" sabi ni Dad.

Napasinghal naman ako bago padabog na naupo. Ilang minuto ang lumipas bago makabalik si Luxzell.

"Tito, sure po ba kayong ayaw niyo rito muna matulog" sabi ni Luxzell.

"Hindi na dahil may aasikasuhin din ako" sabi ni Dad tsaka kinarga si Wayan na mahimbing na ang tulog.

Naglakad na si Dad palabas kaya naglakad na rin ako pero hinawakan ni Luxzell ang braso ko at hinila palapit sa kaniya. Nagtataka naman akong tumingin sa kaniya.

"Maiiwan ka rito" sabi nito sa akin.

Napalingon naman ako kay Dad pero nginitian niya lang ako tsaka tumango. Sa sobrang disperada ko na makausap si Luxzell nang kami lang dalawa ay walang pagtanggi sa sistema ko, pagtataka oo.

"Mauna na kami. Happy birthday ulit. Si Axie ang pinakamahal naming regalo sa'yo" natatawang sabi ni Dad kay Luxzell kaya natawa din ito.

Napakunot naman ang noo ko tsaka inis na kinuha ang sariling braso sa kamay niya.

"Salamat po tito. Mag iingat po kayo" sabi ni Luxzell tsaka kumaway pa.

Sinundan naman namin ng tingin ang sasakyan ni Dad at nang mawala ito ay isinara niya ang gate pati na rin ang pinto tsaka tinulak ako papasok ng bahay. Napalunok pa ako sa ginawa niya.

"Happy birthday Luxzell. Matutulog na din ako" sabi ni Seirho tsaka nginitian ako.

Nang makaakyat ito ng kwarto ay naiwan kami ni Luxzell sa sala. Hinila niya ako papasok ng kwarto tsaka tinulak para mapaupo sa kama. Napalunok ako sa kaba.

"Bakit mo 'ko iniwan ng anim na taon?" pandidiretso niyang tanong, napalunok naman ako. "Naghintay ako ng siyam na buwan para mapakita sa'yo 'yung DNA test result pero hindi ko inaasahan na aabot ng anim na taon" nameke ito na kunwaring natatawa. Napayuko naman ako sa sinabi niya. "Hindi mo 'ko pinagkatiwalaan" kunot noong sabi niya dahilan para mapalingon ako sa kaniya, nakita ko na ang lungkot sa mga mata niya. "Tapos 'nung nakauwi ka, biglaan pa" nameke ulit ito ng tawa. "Nawalan na 'ko ng pag asa na magiging ayos pa tayo" sabi niya tsaka napalunok pa. "Dahil hindi ka man lang nagparamdam na ako pa"

Napangisi naman ako sa sinabi niya. "Aminado akong kasalanan ko at nagsorry na 'ko sa'yo. Nawalan na din ako ng pag asa dahil hindi mo na rin pinaramdam na ako pa" sabi ko habang nasa mata niya ang tingin. Tumayo ako at hinarap siya. "Alam mo bang nagseselos ako!" inis na sabi ko sa kaniya. "Alam mo bang pinagsisisihan ko 'yung ginawa ko dahil sa'kin, kaya tayo nagkaganito!" hindi na natigil ang pagpatak ng luha ko. "Tapos madadatnan ko na sobrang close mo kay Allirah" sabi ko tsaka nameke pang tumawa at agad na pinunasan ang luha. "Mahal pa kita Lux" sinabi ko 'yun na nasa mismong mata niya ang tingin. "Hindi 'yun nagbago sa loob ng anim na taon"

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now