CHAPTER 110

6 0 0
                                    

LUXZELL POV

"Umuulan pa, nakakairita naman!" maarteng sabi ni Nix.

Nasa room kami ngayon at hindi pa rin sinususpende ang klase hanggang sa nag announce na si Shainah na wala na daw pasok.

Yes!

"May dala kang payong mo?" tanong ko kay Ax at tsaka ito umiling.

Naglalabasan na rin ang mga kaklase namin kaya bumaba na rin kami.

"Payungan mo si Nix at share naman kami ni Seirho dito" sabi ni Yvez kay Tristan.

"Tss bakit ba ang mga babae, may liptint sa bag pero payong wala? Ano 'yun? Gusto pagaling pinapayungan ganu'n?" maktol agad ni Tristan, natawa naman kami.

"Kung ayaw mo magpapayong e ayos lang naman. Ang dami mo pang sinasabi e kaya ko namang magpaulan" sabi ni Nix na lumusong na sa ulanan.

"Hoy gagi ka! Kapag nagkasakit 'yun. Payungan mo na dali oh!" Sabi ni Yvez sabay tulak kay Tristan.

Inis namang suminghal si Tristan bago patakbong lumapit kay Nix para payungan ito. Inis naman siyang nilingon ni Nix at tinulak palayo sa kaniya. Hindi namin sila marinig dahil sa lakas ng ulan pero alam naming nagbabangayan sila dahil sa mga reaksyon ng mukha. Tsk tsk kahit nasa gitna na sila ng ulan ay hindi sila pumipili kung saan nila gusto magbangayan.

Napalingon naman ako kay Ax tsaka ito sinenyasan na pero tumanggi ito dahilan para mangunot ang noo ko.

"Ibigay mo kay Seirho ang payong mo" nakangiting sabi niya, nangunot naman ang noo ko bago sinunod ang utos niya.

"Anong payong niyo?" nagtatakang tanong ni Sevi.

Hinila ako ni Ax sa kung saan at doon ko napansin na papunta kaming locker.

"Iwan natin ang bag natin dito" sabi niya, inilagay ko naman ang bag ko sa locker ko.

"A-ano bang plano mo?" nagtatakang tanong ko.

Hindi niya ako pinansin at tsaka ako hinila sa kung saan. Nang makabalik kami sa pwesto kanina ay doon ako nagulat ng bigla niya akong hilain papunta sa ulan.

"Hoy! Magkakasakit tayo nito! Tara na! Ano ba Ax!" inis na sabi ko na hinihila siya sa hallway pero hindi siya nagpapahila.

"Tara!" yaya niya pa kay Nix na sinunod din naman siya.

No choice ako kundi ang sundan sila.

"Ano bang mayroong topak ang mga babae at kung sino pa ang pinapayungan sila pa ang galit" maktol ni Tristan ng lapitan ko siya.

Ako 'tong siraulo at hinila ko ang payong niya dahilan para mabasa ito.

"Hoy! Tang*na mo ka Luxzell!" sigaw niya habang hinahabol ako para kunin ang payong.

Napalingon ako ng hindi na siya humabol at bumawi kay Yvez. Hinila niya din ito sa ulanan dahilan para mabasa na rin ito. Pati si Sevi ay ginantihan niya.

Natawa naman ako dahil halatang inis na inis sa Yvez dahil sa ginawa ni Tristan.

Napalingon ako ng hilain ako ni Ax papunta sa gilid at halikan ako. Napangiti pa ako bago bumawi ng halik. Sobrang tagal ng pagkakadikit ng labi namin na halos malasahan namin ang tubig ulan sa labi ng bawat isa. Napahawak siya sa batok ko habang nasa bewang niya naman ang braso ko. Ninanamnam ang bawat tamis sa labi.

Nang maghiwalay ang labi namin ay doon ko lang napansin na bumabakat na ang bra niya sa damit niya kaya aligaga akong pinasok siya sa kotse at inabutan siya ng extra tshirt ko na nakastock sa kotse.

AXQUECIA POV

"Dad" tawag ko kay kay Dad dahilan para mapalingon siya sa akin. "How's Kuya?" tanong ko.

"He's okay at talagang lumalago daw ang kumpanya natin sa London" nakangiting sabi nito tsaka uminom ng kape.

"Woah? Akalain mo nga namang magseseryoso na ang lalaking 'yun" natatawang sabi ko.

"Psh. Ikaw nga nagseryoso na din kay Luxzell. Kung alam ko lang na anak ni Zeryl ang magpapaseryoso sa Kuya at si Luxzell ang magpapaseryoso sa'yo, matagal ko na yata silang pinakilala sa inyo"

Napangiti ako sa sinabi ni Dad. I really don't imagine my self before. I changes a lot because of him. I became serious in a relationship and also became good person. I know I'm not totally good person atleast I'm avoiding a war not to the past that I made a sisterhood na nagsisimula pa ng gulo noon.

"You know what, you're so lucky to have him. He's not a smart and handsome, he can also respect a girl like you. He's gentleman and caring"

Napangiti at tango naman ako sa sinabi ni Dad, totoo 'yun.

"Marami ang pagpapasalamat ko kay Zev at Kuya, kung hindi sila gumawa ng milagro noon e paniguradong hindi mapupunta sa akin si Luxzell" natawa naman si Dad sa sinabi ko. "Loyal si Luxzell at kung sinong babae ang gusto niya ay hindi niya titigilan hanggang may nakikita siyang possibility dahil alam niyang kaya niyang kunin 'yun" nakangiting sabi ko. "Sino nga ba namang hindi magkakagusto kay Luxzell Dad?psh" natatawang sabi ko.

"Yeah, I know that. Many people wants him. Not only a girl but a other company" natatawang sabi ni Dad. "Maraming dahilan para magustuhan siya, hindi lang sa itsura" nakangiwing sabi ni Dad tsaka muling sumimsim ng kape.

Nakakatuwa lang isipin na si Luxzell ang naging boyfriend ko. Hindi ko lang talaga inaasahan na kahit punong puno ng katarantaduhan ang past ko.

"Always trust his words because he never lie" sabi ni Dad na kumindat pa tsaka umakyat ng kwarto niya.

Napangiti naman ako tsaka tatango tango na parang tanga psh.

Pumasok ako ng kwarto at nahiga habang tulala ang tingin sa kung saan. I don't know what I feel right now. I'm so happy to have him and I can't imagine without him in my life. It sounds corny but yeah, I can't imagine my life without him. He changes me a lot and if he was gone in to my life, I think I will be back to old me. 'Yung tarantado at walang kabuhay buhay. Puro gulo at walang pagseseryoso.

----------->

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now