CHAPTER 27

24 1 0
                                    

(027)
                               

LUXZELL POV

Nasa office na kami ni Dad at tito sa J.A Company.Nasa kwarto si Ax ngayon,pinapahinga ni tito Primo.Nasa dinning area naman kami ni Dad at Mom nang makabalik si tito Primo.

"Tulog na si Axie"pabuntong hiningang sabi nito tsaka naupo sa tabi ni Dad.

"How is she?"nag aalalang tanong ni Mom.

"She's fine."nakangiting sabi nito."Alam kong masakit 'yun sa kaniya pero matatag ang batang 'yun.Hindi 'yun iiyak sa harap ng nanay niya kahit paluin mo pa"natatawang sabi ni tito na iiling iling pa.

Parehas kami ni Dad at Mom na hindi man lang natawa sa biro niya.Totoo.Matatag nga si Ax dahil hindi man lang siya umiyak habang nasa harap ni tita Zeryl.Umiyak lang siya nung wala ito.

Gusto ko sanang magtanong kaso naduduwag ako.Naglilipat lipat lang ako ng tingin sa kanilang tatlo at naghihintay na pag usapan nila ang bagay na 'yun.

"Lux"tawag ni tito na ikinatuliro ko,hindi alam kung lilingon lang o sasagot pa ba."Malaki ka na"natatawang sabi ni tito na ikinakunot ko.Ano bang koneksyon 'nun?"Siguro naman ay nakita mo ang nangyari kanina hindi ba?"nawala ang pagkakunot ng noo ko tsaka tumango pero yumuko agad."Alam ko ring alam mo kung anong meron sa Mom ni Axie at Zev"napalingon ako sa kaniya tsaka tumango.Napalingon naman ako kay Mom at Dad,seryoso ang mukha nila."Alam kong naguguluhan ka sa sitwasyon na mayroon si Axie."nawala ang ngiti ni tito tsaka lumingon kay Dad at Mom."Alam nila ang buhay ni Axie at ngayon ay gusto kong ikwento sayo"nanlaki ang mata kong lumingon sa kaniya.Lumingon muna ito sa hagdan na papuntang kwarto na tinutulugan ni Ax,nagpapasiguro."Si Lucas ay matagal ko ng kaibigan,since 1st year high school"panimula niya na lumingon pa kay Dad,napalingon din ako."Naging magjowa si Lexzy tsaka si Lucas nung 3rd year high school at transfer naman si Zeryl sa campus,yung campus na pinapasukan mo ngayon.Yun ang school namin noon,hindi nga lang kaganda noon sa ngayon ang campus"natatawa nanaman siya."Maldita na talaga ang isang 'yun"patukoy ni tito kay tita Zeryl."High school enemy namin si Zeryl."natatawang sabi nito na lumingon kay dad at mom na nakitawa din."Kung ano ano ang pinag aawayan namin 'nun.Dahil nga magkaibigan kami ng Dad mo ay sabay naming binubully ang babaeng 'yun habang si Zeryl naman ay binubully din kami.Para bang nagbabawian lang"sabi ni tito na para bang inaalala pa ang nakaraan."Away talaga ang sa amin.Walang katapusang away.Kahit anong bagay pinag aawayan namin.Then one day,birthday ng kaibigan din namin na kaibigan din ni Zeryl.Invited kaming apat ng mom at dad mo."mahabang kwento niya."Nalasing kami pare pareho at do'n nabuo si Axie.Ang katunayan 'yun ay plinano talaga nila na iwan kaming dalawa sa iisang kwarto at do'n matulog.Dahil nga lasing kaming pareho ay hindi namin alam ang ginagawa namin"sabi niya na para bang may biglang gumuhit na lungkot sa mata niya na napalunok pa.Lumingon siya kay Dad na tumango lang."Ilang week nakakaraan nalaman ni Zeryl na buntis siya.Galit na galit siya sa akin 'nun pero mas galit ako sa sarili ko 'nun kasi ayaw ko.Ayaw ko talaga siya.Lalong ayaw kong maging nanay siya ng anak ko.Nagkasala pa ako."sabi niya na nagbuntong hininga pa."May pamilya na ako ng mangyari ang araw na 'yun.May anak ako at 'yun si Xian.May asawa ako pero patay na 'nun pero hindi pa rin naalis ang konsensiya ko 'nun"kwento niya na iing iling pa."Ganu'n din si Zeryl,may pamilya na anak si Zev."tumingin siya sa akin ng ikwento 'yun."Parang ayaw pa nga ni Zeryl maniwala na ako ang ama kaya nagpa DNA kami at naconfirm na ako nga."bumuntong hininga ulit siya."Gusto niyang ipalaglag 'nun si Axie pero sinabi kong 'wag mong gagawin 'yun dahil ipapakulong ko siya.Papatay siya ng batang walang kamuwang muwang.Sinabi ko na aakuin ko ang anak namin.Sa akin ang bata kung ayaw niya"sabi niya na tumigin sa kaniyang palad."Aminado akong pinagsisihan ko ang araw na 'yun,na nagsisi ako na nagpakalasing ako kaya may nabuo kami.Nagsisi ako na may anak ako sa kaniya"para bang nasa puso ako ni Ax at nakakaramdam ng sakit.Kung maririnig ito ni Ax ay paniguradong masasaktan siya."Alam mo ang hindi ko pinagsisihan ang araw na 'yun?"tanong niya sa akin na ikinakunot ng noo ko."Yung pinigilan kong ipalaglag si Axie sa sinapupunan ni Zeryl at akuin lahat ng responsibilidad para lang mapalaki si Axie."nakangiting sabi niya na para bang ikinalambot ng tuhod ko."Binata pa lang kasi kami ni Lucas ay alam niya ng gusto ko magkaroon ng babaeng anak."nakangiting kwento nito na lumingon pa kay Dad,napangiti naman si Dad na iiling iling pa."Ang asawa ko naman ay nabigyan ako ng anak kaso lalaki bago siya namatay sa sakit"nakangiti pa rin siya."Ang akala ko nga 'nun ay lalaki ang batang nabuo namin ni Zeryl"natatawang sabi nito na iiling iling pa na nasapo ang sariling noo."Tapos nung araw na pinanganak ang batang 'yun.Nasa hospital ako para makuha agad ang bata.Laking gulat ko ng makita ko na babae ang bata.Halos mapatalon ako sa tuwa nun hindi ba?"natatawang tanong nito kay Dad na tumango naman si Dad habang tumatawa."Magkasama kami nung araw na pinanganak si Axie.Sabay kaming nag asikaso ng birth certificate ni Axie.Nagtatalo pa kami ng ipapangalan ni Axie"natatawa nanaman si tito,wala ako sa sariling napangiti dahil pagkatapos ng maraming kwento niya ay ganito ang katapusan."Ang sabi ng Dad mo ay Alexzia ang ipangalan ko pero ang sabi ko ay gusto ko ay Akesha"

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now