CHAPTER 18

28 2 0
                                    

NOTE:ANG INYONG MABABASA AY GAWA GAWA LAMANG NG AUTHOR AT ANG MGA LUGAR NA MABABANGGIT AY GALING LANG SA GOOGLE.KUNG ALAM NIYO ANG LUGAR NA MABABANGGIT AT HINDI TUGMA SA KWENTO O KUNG MAY MALI MAN AY UNAWAIN NA LANG.SALAMAT.

                                           (018)

LUXZELL POV

First time kong makapunta dito pero dahil nga sa sinabi ni Dad na kilala ako sa lugar na 'to ay hindi na ako magtataka kung pagsilbihan kami nito ng sobra.Nasa Villa Caceres Hotel kami ngayon,sobrang ganda dito.Napakaaliwalas.Kahit gabi ay makikita mo ang ganda ng paligid.

"Sa sofa na lang ako matutulog"prisinta ko.

Hindi ko rin inaasahan na iisang kama lang ang narito sa room na tintuluyan namin ni Ax.Maiwas ito,oo at talagang kompleto ang gamit.

"M-maliit ang sofa.S-sa tangkad mong 'yan,hindi ka magkakasya"sabi ni Ax na nailang pang lumingon sakin,mabilis umiwas ng tingin.

"Then we sleep together in one bed"sabi ko na nahiga sa kama.

Nakakapagod ang byahe at kulang talaga ang tulog ko.May pahinga kami ng isang araw at 'yun nga ang linggo,bukas.Sa lunes hanggang byernes ay magdidistribute na kami ng pera.

Sabi ni Dad ay ipapadala na lang nila bawat school ang pera pero tumanggi si Ax at sinabing baka mangurakot pa sila at hindi maibigay ng maayos ang pera sa mga estudyanteng nangangailangan talaga kaya kami ang pupunta at nadamay ako tsk tsk.

Excempted kami sa school ng isang week pero 'pag balik namin do'n ay kailangan naming pag aralan ang mga inaral nila ng isang linggong wala kami at magtake ng quiz na ginawa rin nila ng isang linggong wala kami.

Hindi pa naman nagsisimula ang trabaho ay alam ko ng nakakapagod.Matutuwa lang ako kapag nakita ko ang mga estudyanteng nagpapasalamat dahil sa tulong namin.Nakakataba ng puso ang ganu'n.

"Maliligo muna ako."sabi niya na pumasok sa banyo.

Dalawa ang banyo.Isa sa babae at isa sa lalaki pero iisa ang kama.Talagang nananadya si tito at dad.

Pumasok na din ako ng banyo para sa lalaki at nagsimulang maligo.Dahil sa sarap ng tubig do'n ay natagalan ako.Napakaginhawa ng tubig at pakiramdam ko ay nahimasmasan ang pagod na nararamdaman ko.

Nang makalabas ako ng banyo ay napalunok ako ng makita kong nakatalikod sa gawi ko.Nasa dinning area at nag aayos ng pagkain.Naka pulang bistida ito na hapit na hapit sa katawan niya.Manipis ang strap dahilan para umusbong ang puti ng dibdib,likod at braso nito.Ang haba naman nito ay kalahati ng binti niya dahilan para makita ang kalahati ng binti nito.Walang sapin ang paa niya habang nakawagwag ang buhok niyang tumutulo pa.

Napalunok muna ako bago lumapit sa table na inaayos niya.Walang pintuan ang namamagitan sa sala,kwarto at kusina sa room na'to.Pagpasok mo ng room ay bubungad agad ang sala set.May malaking tv,isang mahabang sofa at dalawang single sofa na kulay abo.May glass round table sa  gitna na may flower vase pa na kulay puti na may kulay pulang rosas.

Nasa likod naman ang kama na sobrang laki.Kung tutuusin ay kasiya ang limang tao sa lawak ng kama.Kulay abo rin ito at may apat na malalambot na unan.Kulay puti naman ang kumot na sobrang lambot at laki rin.Katabi nito ang maliit na table na may nakapatong na lamshade.Nasa kanan ng sala set ang dinning area.May babasaging lamesa na kasiya ang apat na tao.May kulay itim na apat na upuan ang nakapalibot dito.May kalakihang refrigerator at punong puno ng pagkain.May oven,blender,coffee maker at di kalakihang lutuan.May basket pa ng prutas.

"May nagpadala ng pagkain dito.Inayos ko lang"sabi ni Ax na nauna ng maupo.

Naupo na rin ako at tinignan ang pagkain.May adobo,menudo,sisig,bangus at kanin.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now