CHAPTER 82

4 0 0
                                    

LUXZELL POV

"Erp gagi erp! Gulo 'to erp!" salubong agad sa akin ni Tristan, napakunot naman ang noo ko. Kasama niya si Yvez habang kasama ko naman si Sevi.

"A-anong mayroon?" nagtatakang tanong ko.

"Welcome Party na next week at ikaw ang irarampa!" kunot na kunot ang noo na sabi nito.

Binatukan ko naman siya dahilan para matawa si Sevi. "Anong gulo do'n? Matagal ko ng ginagawa 'yan! Palagi mong nakakalimutan!" Inis na sabi ko, natawa naman si Yvez na iiling iling pa.

"Tsh! Hindi mo naman kasi ako pinapatapos!" inis na singhal niya na napakamot pa sa ulo, napakunot lalo ang noo ko. "Si Nix ang ipapares sayo"

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. "H-hindi pwede 'yun!" depensa ko kagad.

"Alam namin! Sinubukan naming kausapin si Mr. Limsiaco pero hindi na pwedeng palitan ang listahan dahil mamaya ay iaannounce na 'yun" sabi ni Tristan.

Napalunok naman akong napalingon kay Sevi pero suminghal lang ito at umiling iling. Paano ako iiwas kung ganito naman?

"Punta na sa gymnasium, may announcement" rinig namong sabi ni Shainah, ang president ng Campus.

Napalunok pa ako bago naunang naglakad papuntang gymnasium.

"What's your plan?" tanong ni Yvez.

Napasinghal naman ako. "I don't know"

Nang makarating kami ng gymnasium ay puno na ng mga estudyante, may nagsisidatingan din.

"Good Morning everyone, I'm here to announce that Welcome Party is on Saturday. Tulad ng dati ay iaannounce ng mga teacher ang irarampa nila" sabi ni tito sa microphone.

"Yeheyyyy"
"Yuwooo! Ito ang hinihintay ko e"
"Ohmygash the pageant ugh"
"Luxzell! Axie!"

Sigawan ng mga estudyante pero nanatili akong tahimik habang kunot ang noong nakatingin sa sahig.

Wala na akong balak pang makinig kung sino ang makakalaban namin, gusto kong maconfirm kung sino ang makakapares ko. Mas ayos sa akin ang botohan tulad ng dati kaysa ngayon.

Hindi ko kayang rumampa kasama ang babaeng 'yun! Baka gapangin ako 'nun kapag tulad ng dati ang attire at ayaw na ayaw kong makasama siya sa ganitong okasyon!

"To SHS2..." pabitin ni Mr. Limsiaco ng batch na namin ang tinawag.

"LUXZELL ND AXIE!!!" sigawan ng mga estudyante.

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Mr. Limsiaco na ikinakaba ko. Hindi maganda ang reaksyong ng mukha niya sa pinagsisigaw ng mga estudyante.

"I-Im sorry to say but.." putol ni Mr. Limsiaco na ikinayuko ko at napapikit pa. Para bang hindi ko magugustuhan ang susunod. "It's Luxzell Jeon and Nix Kleah Morales" sabi ni Mr. Limsiaco.

Umingay ang paligid dahil sa anunsyong 'yun. Halata ang pagkadismaya ng mga estudyante at ayaw din kay Nix.

Napalunok muna ako bago humakbang paatras ng...

"Bakit hindi mo idaan sa botohan" rinig kong sigaw ni Ax dahilan para matahimik ang lahat at mapalingon kay Ax na nasa likod nanaman nakapwesto.

"This is our rule" madiing sabi ni Mr. Limsiaco

Nanlaki ang mata ko ng makitang nakangisi na si Nix sa akin. Napaiwas ako ng tingin.

"Rule? Hindi ba't nangyari na din 'to last year? Then do it again" seryosong sabi ni Ax.

Tahimik ang lahat habang nagsasagutan sina Mr. Limsiaco.

"Hindi porket anak ka ni Mr. Alvarez ay pwede ka ng masunod" sabi ni Mr. Limsiaco na tumayo ng maayos. "Baka nakakalimutan mong teacher ako dito at estudyante lang kita"

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now