CHAPTER 72: LONDON

8 0 0
                                    

LUXZELL POV

"AXZIAH;THE FOUNDRESS OF LAVERIOSA SISTERHOOD" rinig kong bulong na sabi ng isang babae.

Axziah? Sino? Bakit nakatingin sila kay Ax?

Nasa London na kami ni Ax. Paglapag ng eroplano ay may lugar agad na pinuntahan si Ax. Hindi ko alam ang lugar na 'to dahil first time kong makapunta sa London.

Ang nakakapagtaka lang ay halos lahat ng tao sa London ay napapalingon kay Ax, matanda man o bata. Ang hindi ko lang maintindihan ay ang mga reaksyon nila na para bang nagulat sila na nakita ito, hindi lang gulat dahil may kung anong takot sa mga mata nila. Hindi rin nila tinititigan si Ax at agad itong umiiwas ng tingin.

"Axziah is back"
"Ohmygash the leader is back"

Kanina pa sila Axziah ng Axziah. Sino ba 'yun? Hindi ba't Axquecia ang pangalan nito? At...

Leader who?

Kinakabahan ako sa mga naririnig kong bulong bulungan lalo na't kay Ax sila nakatingin. May kung anong kaba ang nararamdaman nila ng makita si Ax at lalo na 'ko dahil hindi ko naiintindihan ang nangyayari. Para bang nakakataas si Ax sa lugar na ito dahil wala ni isang nagtatangka na makipag eye to eye contact kay Ax.

"GIVE FULLY RESPECT TO OUR LEADER AXZIAH" sigaw ng isa.

Nanlaki na lang ang mata ko ng magsiyukuan ang mga babae na narito sa amin. Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko dahil sa mga kinikilos ng mga babae dito sa London. Hindi ko maintindihan, walang lalaki sa parteng ito.

Sumenyas si Ax na tumayo ng ayos, nagsunuran din ang mga ito. Seryoso ang mukha ni Ax habang tinitignan ang bawat isa. Sa tingin ko ay lagpas bente ang babaeng narito sa kinatatayuan namin ngayon.

"Meet my boyfriend Luxzell Jeon" sabi ni Ax.

Dahan dahan silang lumingon sa akin at nagsiyukuan. Napalunok ako sa inaasta nila.

"A-anong nangyayari?" kinakabahang tanong ko kay Ax pero hindi niya ko pinansin at sumenyas na tumayo ng ayos.

"TO ALL NEWBIES, MEET THE FOUNDRESS AND THE LEADER OF THE LAVERIOSA SISTERHOOD" anunsyo ulit ng kaninang babae.

Napalunok ako ng makita na nakatingin sila kay Ax at yumuko.

A-anong foundress? Leader? Anong Laveriosa Sisterhood?

"Ax a-ano 'to?" bulong ko sa kaniya.

Hinarap niya naman ako, napalunok pa ako ng seryosong seryoso ang tingin nito sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti. Para bang nawala ang kaba ko dahil sa ginawa niya.

"Ito ako dati" sabi niya na ikinakunot ng noo ko.

Ito ako dati. Ano ba siya dati?

"I-I don't understand Ax" sabi ko na naguguluhan talaga.

Nginitian niya lang ako at muling nilingon ang mga babaeng nakapalibot sa amin. Magaganda ang lahat at si Ax ang pinakamaliit pero mataas ang tingin nila.

"Prepare a small celebration" utos nito sa babaeng nag aannounce kanina. "I have announcement later" sabi nito tsaka tumalikod doon at hinarap ako.

Ewan ko ba. Para bang nabobo ako sa sitwasyong ito. Hindi ko malaman kung anong mayroon.
Hinila ako ni Ax palayo do'n. Nang makalayo kami ay hinarap niya ako. Nanatiling tikop ang bibig ko.

"Paniguradong may alam ka na sa nakaraan ko" panimula niya na ikinakunot ng noo ko. "Alam mong loko ako dati" sabi niya tsaka naupo sa bakal na upuan katabi ng magandang puno. Nanatili akong nakatayo at naguguluhang nakatitig sa kaniya. "Nilipat ako ni Dad dito para mag ayos pero ang totoo, lalong lumala" sabi niya na napangiwi pa at nagcross arm. "Axziah ang pangalan ko sa lugar na 'to" sabi niya na tinignan ako sa mata. "Axziah badgirl psh ani nila" sabi niya na ngumiwi pa. Napakunot naman ang noo ko. "Kilala ako dito bilang badgirl, well aminado naman ako do'n" sabi niya na hinila pa ang kamay ko para mapaupo ako sa tabi niya.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now