CHAPYER 79

5 0 0
                                    

LUXZELL POV

"Pwede bang samahan mo 'ko papuntang computer laboratory. Hindi ko kasi alam kung saan 'yun" sabi ni Nix dahilan para mapalingon ako sa kaniya.

Bakit ako pa?

Napabuntong hininga  muna ako bago tumayo at naunang naglakad. "Tara" yaya ko, sumunod naman siya.

Naglilingunan ang mga eatudyante na madadaraanan namin at nagtataka ang mga tingin. Hindi ko na lang 'yun pinansin at nagmadaling naglakad.

Wala si Ax dahil tinawag ng Dad niya sa office at wala kaming klase ngayon dahil may meeting ang mga teacher.

Huminto ako sa harap ng computer laboratory at sinenyasan itong pumasok na.

"Can you please go with me inside?" nagmamakaawa ang tono niya.Nanlaki naman ang mata kong napatitig sa kaniya tsaka nilibot ang tingin sa paligid. "Madali lang ako promise" nakangiting sabi niya.

"Bakit ba nagpapasama ka pa?" kalmadong tanong ko, ayaw kong masamain niya.

"B-baka kasi mabully nanaman ako e" sabi niya na yumuko pa habang kinukutkot ang kuko.

Napabuntong hininga naman ako tsaka tumango. No choice naman ako. Nakiusap naman e.

Pagpasok namin ng computer laboratory ay nakakapagtakang walang estudyante ang nasa loob at kaming dalawa lang. Nanlaki ang mata ko ng ilock niya ang laboratory at nanunukso ang tingin.

"W-What are you doing?" nagtatakang tanong ko habang nanlaki ang mata at napalunok pa.

"I just want to ask some question" sabi nito na lumapit sa akin.

Napalunok ako ng itulak niya ako sa paupo ako sa swivel chair na malapit sa lamesa ng nagbabantay dito.

"A-ano bang ginagawa mo?" inis na tanong ko na tumayo agad pero tinulak niya ulit ako tsaka naupo sa kandungan ko, napalunok pa ako.

"Kailan pa naging kayo ni Axie?" unang tanong niya na ikinakunot ng noo ko.

"Ano bang pakealam mo?" inis na tanong ko na tinulak siya palayo sa akin tsaka dali daling tumayo.

"Can you please answer my question para matapos na agad 'to" inis na sabi niya.

Sumama naman ang tingin ko sa kaniya.

"Pwede ka namang magtanong ng hindi mo ginagawa ang mga ito" inis na sabi ko tsaka sinubukang buksan ang pinto pero nakalock. "Open this!" inis na sigaw ko.

Umiling siya tsaka ngumiti. Tinitigan ako simula ulo hanggang baba tsaka kinagat ang sariling labi. Potang*na! Kasama ba ito sa grupo ni Ax sa London? Manyakis din!

"Sure ka bang seryoso sayo si Axie?" Nakangising tanong niya.

Kumunot naman ang noo ko. "Ano bang pinagsasasabi mo?" nanggigigil na tanong ko.

"Alam mong alam mo kung anong ibig kong sabihin Luxzell Jeon" nakangising sabi nito na dahan dahan lumapit sa akin. "Kung ako sayo, 'wag ka masyadong seryoso sa isang 'yun." bulong niya sa akin sabay halik sa pisngi ko.

Napaiwas ako at dali daling pinunasan ang pisnging hinalikan niya. "Buksan mo na 'to!" inis na sabi ko.

"Maglaro muna tayo saglit" nakangising sabi niya tsaka dahan dahan bumaba ang tingin sa maselang parte ng katawan ko.

Napalunok ako sa sinabi niya. Hindi ko na maintindihan ang kabang nararamdaman ko. Nagmumukha akong tanga at kawawa dito na kung sa tutuusin ay ako ang lalaki dito.

"Tigil tigilan mo ko Nix!" inis na sabi ko na lumapit pa sa kaniya. "Hindi mo 'ko madadala sa kakaganiyan mo! Malilintikan ka kapag sinabi ko 'to kay Ax!" pambabanta ko sa kaniya pero parang wala lang sa kaniya 'yun.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now