CHAPTER 83

5 0 0
                                    

AXQUECIA POV

"Sorry Nix pero hindi talaga natin maiisahan ang isang 'yun" sabi ni Mr. Limsiaco na ikinagulat ko, kausap niya si Nix sa office nito.

"Tsh! Paano ko ba maiinis ang babaeng 'yun? Marami ang plano ko, simula pa lang ay natatalo na agad ako" inis na sabi ni Nix.

Talagang pinagplanuhan niyong dalawa 'to. Umalis ako sa lugar na 'yun at kinalimutan ang narinig. Marami na din ang bulong bulungan na hindi na daw makakarampa si Luxzell dahil disqualified na ito.

Napunta ako sa mini park ng Campus at pinahinga ang isip, nakakapagod patakbuhin ang kumpanya hindi tulad ng dati. Kung 'yung dati kasi ay narito sina tito Lucas at tita Lexzia, napapadali pero ngayon ay medyo nahihirapan si Dad at ayaw niya 'yung sabihin kay Luxzell dahil ayaw niya itong mamoblema pa.

Nang mag uwian ay pumunta agad ako ng kumpanya para matulungan si Dad.

LUXZELL POV

"Lux" malanding sabi sa akin ni Nix na lumapit pa kaya napaiwas ako.

Nasa parking lot ako at sinakto niya talagang kakaalis lang ng mga kaibigan ko habang si Sevi naman ay inutusan ko lang saglit na kunin ang librong kailangan namin sa library at nagpaalam naman si Ax na magpapahinga na siya.

"Ano nanaman bang kailangan mo?" inis na tanong ko na nilibot pa ang tingin sa paligid.

"Ikaw" nakangising sabi nito na ikinakunot ng noo ko. "Pumayag ka na rumampa tayo" sabi nito na humakbang papalapit sa akin, umatras naman ako.

"Ayaw ko" madiin na pagkakasabi ko.

"Bakit? Tinakot ka ba ng girlfriend mo?" nakangising tanong niya pero nagtataray. "Under ka pala ni Axie"

"Hindi niya ako tinakot at kusa kong ginawa 'yun. Handa rin ako maging sunod sunuran kay Ax 'wag lang ako mapunta sa iba" seryosong sabi ko.

Napangiti naman ito. "Mahal na mahal ah"

"Umalis ka na lang kasi kahit anong gawin mo hinding hindi ako sasama sayo rumampa, kung gusto mo magsolo ka" sabi ko na tatalikod na sana pero tinulak niya ako dahilan para makapasok ako sa kotse kong nakabukas.

Nanlaki din ang mata ko ng pumasok siya at isara ang kotse.

"Kung ayaw mong sumali edi gagawin ko na ngayon ay binabalak ko" sabi niya na ikinagulat ko.

Nagpumilit akong maupo ng maayos sa kotse tsaka siya hinawakan sa kwelyo. "Kahit ano pang gawin mo hindi ako susunod sayo!" Inis na sigaw ko na nilapit pa ang mukha sa kaniya. "Tigilan mo na 'ko kasi ayaw ko ng gulo" inis na bulong ko.

Parang wala siyang narinig at ngumiti pa. Nagulat ako ng bigla niya 'kong sunggaban ng halik, sinubukan kong umalis pero idinidiin niya ang kamay niya sa batok ko. Nang makaalis ako sa halik ay naghabol ako ng hininga at sinamaan siya ng tingin.

"Bakit ba ginagawa mo 'to? Gusto mo na bang mabuntis at puro kamanyakan ang ginagawa mo?" Inis na bulong ko sa kaniya.

Alam kong wala ng tao sa parking lot pero mas mabuti ng sigurado. Ngumiti naman si Nix tsaka tinignan ang labi ko at tumaas ang tingin sa mata ko.

"Paano kung sabihin kong o—"

"Wag ako!" Inis na sigaw ko tsaka pilit inaabot ang pinto ng kotse pero hinaharangan niya.

Nahinto ako sa ginagawa ko ng himasin niya ang ibabang parte ko. Nakapants ako pero naramdaman ko agad. Napalunok pa ako ng idiin niya ang paghimas dito.

"Ano?" nakangiting bulong nito na inilapit pa ang mukha sa akin. "Masarap ba?" nakangiting tanong nito habang pinagpapatuloy ang ginagawa.

Kahit ayaw ng isipan ko ay nagugustuhan ng katawan ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing gagalaw ang palad niya sa parte kong 'yun.

Napalunok ako ng maramdaman ang pag alis ng belt ko. Hindi niya inaalis ang tingin sa akin habang napako din ang tingin ko sa kaniya. Naramdaman ko naman ang pagbaba ng zipper ko. Walang hinto ang kalabog ng dibdib ko. Alam kong mali pero bakit sumasang ayon ang katawan ko at hindi makagalaw.

Naramdaman ko naman ang palad niya na pumasok sa brief ko. Napapikit ako ng mahawakan niya na mismo ang parte kong 'yun.

"Oww" paungol na sabi niya dahilan para makadagdag ng kakaibang pakiramdam sa akin. "A-ang laki mo" parang nang aaki ang tono niya.

Napalunok ako ng himasin niya 'yun sa loob ng brief ko. A-Ax. Napalunok muna ako bago inalabas ang kamay niya at pilit na binuksan ang kotse at itulak siya palabas doon. Agad kong sinara ang kotse para hindi siya makapasok.

"T-tigilan mo na 'ko Nix" pagbabanta ko pero ngumisi lang ito tsaka kinagat ang daliring pinanghimas sa akin tsaka tumalikod palayo.

"BULLSHIT!" mura ko sa loob ng kotse tsaka sinilip ang pants ko.

Hindi na maayos ang belt habang nakabukas ang zipper. Napalunok pa ako ng maalala ang ginawa niya. Tang*na! Gusto ko 'yun  pero gusto ko si Ax ang gumawa!

Nang makarating si Sevi ay wala na akong ibang ginawa kundi ang manahimik hanggang makauwi.

AXQUECIA POV

"Swim suit attire at formal attire pa din" sabi ni Yvez.

"Swim suit? Kailangan pa ba 'yun? Hindi ba't sa nagpapageant lang 'yun?" inis na tanong ko.

Nagkibit balikat naman si Yvez. Napalingon ako kay Lux na kunot ang tingin sa malayo kaya lumapit ako sa kaniya. Sinalubong niya ako ng nakangiting tingin. Nagulat ako ng bigla niya akong hinalin at halikan.

"Ano ba!" maktol ko na lumayo pa tsaka pinunasan ang labi.

Sumama naman ang tingin nito sa labi ko tsaka tumingin sa mata ko. "Ayaw mo na ng halik ko.?" parang batang tanong niya.

Ngumiti naman ako tsaka umiling. Hinala niya nanaman ako at hinalikan ulit, sa pagkakataong ito hindi na ako nagpunas ng labi.

"Respeto naman sa walang kahalikan" singit ni Tristan.

"Edi kiss your crush" sabi ni Yvez.

"Hoy isa ka pa! Nakita ko kayong nagkiss ni Jichelle tsk" maktol nanaman ni Tristan dahilan para mapalingon sa kaniya ang lahat.

Ngumiti lang si Yvez tsaka iiling iling. Boto naman ako sa kanilang dalawa at kahit malayo ang pagitan ng edad nila, bagay sila psh.

"Ikaw Seirho, wala ka bang natitipuan?" tanong ni Tristan. "Baka bading 'yang robot mo ah!" sabi ni Tristan habang tumatawa.

"Manahimik ka kano" singhal naman ni Lux.

"H-hindi nga ako kano" para bang umuusok nanaman ang ilong ni Tristan.

"Mayroon" sabi ni Seirho dahilan para mapalingon kami sa kaniya. Nagtataka ang tingin namin at nag aabang ng sagot niya. "Pagluluto"

Napangiwi kaming lahat dahil sa sagot niya.

Nang magsimula ang lesson ay nanatili kaming tahimik at dahil sa narinig ko 'nung nakaraang araw ay alam kong may nagaganap na favoritism dito sa loob ng room.

--------->

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now