CHAPTER 36

24 1 0
                                    

(036)

AXQUECIA POV

Maaga akong nagising.Palagi naman.Napalingon ako kay Lux at sa dalawang kaibigan niya,mahimbing ang tulog.Kinuha nanaman ni Lux ang atensyon ko.Nakayakap pa siya sakin.Nasa pinakagilid ako,katabi ng lampshade.Katabi ko si Lux,katabi niya naman si Tristan tsaka Yvez.

Napangiti ako ng makita ang mukha niya.Nakita ko nanaman ang mukha niya pagkagising.Nakatabi ko nanaman siya sa pagtulog.Nakayakap ko pa sa pagtulog.Nahahalikan ko pa.

Psh mahal ko na ba?

Hindi ko alam.Tinatanong ko ang sarili ko pero ang mismo ko ring sarili ang sasagot.Hindi ko alam.Hindi ko alam kung mahal ko na.Siguro?Pwede?Oo yata?Ewan?.Magulo pa.Wala pang kasiguraduhan pero ang alam ko lang,masaya ako sa tuwing makakasama ko siya.

Hinawakan ko naman ang mukha niya.Inilapit ko pa ang mukha ko sa kaniya para lang makita siya ng malapitan.Inalis ko ang hibla ng buhok niya na nahaharangan ang nakapikit na mata niya.

Makapal ang kilay niya na bumagay sa mahabang pilik mata niya.Napunta naman ang tingin ko sa ilong niya.Matangos ang ilong niya na bagay na bagay sa mukha niya.Hinawakan ko ang ilong niya pababa sa labi niyang nakasara.

Ang lambot ng labi mo.Kaya akong baliwin ng halik mo.Kaya akong iwala sa sarili ko sa tuwing didikit 'yun sa labi ko.Napakatamis ng halik niya.Sobrang sarap sa pakiramdam ng halik niya sa sistema ko.

Nagulat ako ng halikan niya ang daliring nakahawak sa labi niya habang nakapikit.Hinawakan niya ang kamay ko tsaka ipinatong sa pisngi niya.Napangiti naman ako dahil sa ginawa niya.

Napatitig pa ako lalo sa mukha niya.Sa sobrang titig ko ay napansin ko ang dahan dahang pagmuklat niya ng mata.Akalain mong pati ang pag gising niya ay gwapo pa din siya.

"Good Morning"bulong ko dahil nag aalinlangan na baka magising ang dalawa.

Ngumuso naman siya sabay tingin sa labi ko.Inuutusan akong halikan siya.Napakunot naman ang noo ko na tinignan siya.Nagulat na lang ako ng hilain niya ko ng pagkalapit lapit sa kaniya.Sa sobrang lapit ay nagkakadikit na ang ilong namin at nararamdaman ko na ang hininga niya.

"Kiss me"bulong ni Lux.

Nanlaki pa ang mata ko dahil sa kakaibang epekto ng boses niya.Para bang namamaos.Napalunok akong napalingon sa labi niya tsaka muling tumingin sa mata niya.

Wala ako sa sariling napalapit ng mukha sa kaniya tsaka hinalikan siya.Kakalas na sana ako ng halik pero hinawakan niya ang batok ko at inaalalayan sa paghalik.

Nang matapos siya ay siya na ang umalis sa halik.Ngumiti naman siya tsaka pumatong sakin.Inis naman akong tinignan siya tsaka napalingon sa dalawa,mahimbing ang pagkakatulog tsaka ako muling lumingon kay Lux.

Nakatingin lang siya sa mukha ko.Tinititigan ang bawat parte ng mukha ko tsaka huling tumingin sa labi ko.Hinalikan niya ko ng walang sabi sabi.Wala 'ni isang pagtanggi sa sistema ko.Gustong gusto ko kung ano man ang ginagawa namin ngayon.

Pagkatapos niya akong halikan sa labi ay humalik naman siya sa noo ko tsaka tumayo.Inalalayan niya naman ako tumayo.Nang makatayo ako ay hindi niya binitawan ang kamay ko tsaka sumenyas na 'wag maingay.Kunot noo naman akong tumango.

Inopen niya ang ilaw tsaka...

"MAY SUNOG!GISING GISING MAY SUNOG DALIIII"sigaw ni Lux dahilan para tarantang napatayo sa higaan ang dalawa.

"Sunog?Saan?"aligagang tanong ni Tristan na patalon pang tumayo sa kama.

"Sunog?"tarantang tanong ni Yvez na dali dali ding napatayo.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now