CHAPTER 93: BICOL

5 0 0
                                    

AXQUECIA POV

"Abah kasalanan mo 'yan, hindi mo inalam e" pagtataray ni Nix sa akin.

Tulad ng inaasahan ay naiwan kaming dalawa at nagpaiwan si Tristan para may kasama daw kaming lalaki psh. Hindi ko alam kung anong mayroon sa dalawang 'to at parang hindi mapaghiwalay.

Ngayon ay kinikwento ko kay Nix ang nangyaring usapan namin ni Lux kagabi at pinagtatarayan niya niya lang ako.

"I can't imagine that she's 15 years old" sabi ko na naging lutang pa sa kung saan.

"Hindi naman kasi lahat ng tao naaayon ang itsura sa edad, ikaw nga 17 na e halata ba sa height?"

Natikop ko ang bibig ko at masama ang tingin kay Nix. Nakikipagbiruan ba ako? Inis akong napasinghal.

"Napakapangit mo kausap, nagmana sa mukha mo" pabulong na sabi ko pero halatang narinig niya.

"This face? Really?" nagyayabang na sabi niya na tinuro pa ang mukha niya.

Maya maya ay pumasok si Tristan dahilan para mapalingon kaming dalawa sa kaniya.

"Tsh your boyfriend is so paranoid, every minute call me" inis na maktol ni Tristan nang makapasok. "Tumatawag bawat minuto para lang magtanong kung ayos ka lang ba daw o kung kumain ka na" salubong ang kilay nitong nakatingin sa akin.

Gusto kong kiligin sa balita ni Tristan kahit nagmamaktol ito. Hindi ko lang kasi inaasahan na ganu'n pala ang ginagawa ni Lux. Kahit na malayo ako ay ako pa din ang iniisip niya. Ang sarap sa pakiramdam.

Napalingon naman ako nang magring ang phone ni Tristan, sa reaksyon niya pa lang ay alam ko na kung sino ang tumawag.

"Oh ano nanaman?tsh... Oo nga narito na nga oh!... Oo nga ayos nga paulit ulit... Wala!.... Maaayos naman nga kasi kanina ka pa e!tsh... Oo na oo na!.... Sige!" inis na sagot ni Tristan sa phone niya tsaka padabog na ibinaba ang linya tsaka humarap sa akin. "Kumain ka na raw at uminom ng gamot" sabi niya na tumayo pa at pumunta ng dinning area.

Napalingon naman ako kay Nix na nakatingin kay Tristan tsaka lumingon sa akin na nakataas ang kilay.

"Kung ako sa'yo, aasawahin ko na si Lux" nakangiwing sabi nito. "Hindi ka kayang kalimutan kahit nasa trabaho"

Wala ako sa sariling napangiti at napatingala habang nakaanday ang likod sa andayan ng sofa. Ang sarap lang isipin na ganu'n 'yung lalaking napili ko. Kailangan ko na talaga yatang baguhin ang pagkaselosa ko dahil si Lux ang nagpatunay na hindi ko kailangan magselos dahil ako lang ang gusto niya kahit saan pa siya.

"Wow masaya? Sabagay sino nga ba namang hindi sasaya sa babaeng puro loko lang ang alam dati tapos nagustuhan ng lalaking napakagwapo, gentleman, magaling kumanta, maalaga, maasikaso, maalalahanin, maagmahal tsaka loyal?"

Lalong lumapad ang ngiti ko sa sinabi ni Nix. Sino nga bang babae ang hindi magkakagusto kay Lux kung ganito siya magmahal?

Nang maihanda na ni Tristan ang makakain ay nagsabay sabay na kaming kumain. Hindi ko tuloy maiwasan magtaka kung anong mayroon sa kanilang dalawa dahil kung magbangayan ay para bang aso't pusa.

"Can you please just eat your food and shut up your mouth?" inis na inis na sabi ni Tristan.

"Wow? Ako pa? Baka nakakalimutan mong nagpaiwan ka dito para may kasama kaming lalaki" pagpapaalala naman ni Nix.

Nagpatuloy lang ako sa pagkain.

"Oo at nagsisisi na akong nagpaiwan dito dahil ang ingay mo at hindi rin natigil kakatawag si Lux" maktol naman ni Tristan.

"Sus, gusto mo kaya. Pagala gala ka sa labas kanina, naghahanap ka ng chiks ano? Opps opps? 'Wag ka ng tumanggi, halata sa mukha mo na babaero ka" si Nix, natawa naman ako.

"Hoy ulol? Anong babaero? Habulin ng babae oo"

Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na lang ako ng pagkain dahil halatang walang makakaawat sa kanilang dalawa, hindi ko alam kung totoo ba ang bangayan nila o baka lambingan na talaga nila.

Nang matapos akong kumain ay inabutan ako ni Nix ng gamot na iinumin ko, ininom ko naman agad 'yun. Masakit talaga ang ulo ko at pasalamat akong hindi ako sinisipon ng todo. Nang makainom na ako ay dumiretso na ako sa kama at doon nagpahinga.

"Ax" tawag sa akin.

Dahan dahan nagmulat ang mata ko at nakita ko kaagad ang kabuuhan na mukha ni Lux. Napapikit ulit ako dahil parang gusto ko pang matulog. Narinig ko din ang lakas ng bunganga ni Nix at Tristan. Narinig ko din ang boses ni Yvez at Seirho.

"Ax wake up" rinig kong tawag ni Lux pero inaantok pa tin talaga ako. "Mauna na kayo sa baba, susunod na lang kami" rinig kong utos ni Lux sa mga kaibigan namin.

"Baka may mangyaring kababalaghan ha" rinig ko namang sabi ni Nix.

Napasinghal naman si Lux. "Kung mayroon man, wala ka ng pakialam do'n. Kung gusto mo din, yayain mo si Kano"

"What the—" rinig kong boses ni Tristan.

Natawa naman sila at narinig ko na ang pagbukas sara ng pintuan.

"Ax" tawag nanaman sa akin ni Lux. "I know you're awake" sabi niya dahilan para mapamulat ako ng mata. "Are you okay now? Anong nararamdaman mo?" tanong niya, umiling naman ako.

Naupo ako at niyakap siya. Niyakap niya din ako. Naalala ko 'yung sinabi ni Tristan at Nix kanina. Nang bumitaw ako sa yakap ay hinarap ko siya. Pinagmasdan ko ang kabuuhan ng mukha niya tsaka napadpad ang tingin ko sa labi niya, nakita ko pa ang paglunok niya. Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya pero umiwas siya at tumayo. Nangunot naman ang noo ko.

"Tara baba na tayo, kumakain na sila" sabi niya tsaka inalalayan akong makatayo.

Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko. Umiiwas ba siya ng halik?

Nang makababa kami ay kumain ako ng tahimik, iniisip kung bakit parang umiiwas siya? Hindi kaya may nakahalikan siyang iba kaya siya umiiwas sa akin? Ayaw niya ng halik ko? Nakakapagtaka naman kasi dati palagi niya 'kong hinahalikan. Hindi naman sa patay gutom ako sa halik pero bakit parang ayaw niya na?

Nang matapos ang pagkain ay pumunta na kami ng room. Ang akala ko ay si Lux ang makakasama ko pero si Nix pala. Hindi naman sa ayaw ko si Nix kasama pero parang nasanay akong si Lux ang kasama ko.

"Dito kayong dalawang babae" sabi ni Lux na nilingon ako. "Doon ako matutulog sa room ni Sevi" nakangiting sabi nito. "Kung may kailangan kayo, tumawag lang kayo" sabi niya pa.

Nanatili lang akong nakaupo sa sofa habang tulala sa palad kong kinakalikot ko. Bakit parang nagbago agad? Kanina lang tuwang tuwa ako dahil ganu'n ang inaasta niya pero ngayon ganito naman. Hindi ko tuloy alam kung tama bang itigil ko na ang pagiging selosa ko.

Nang makalabas sila ng room at naiwan kami ni Nix ay naramdaman ko ang paglingon sa akin ni Nix. Paniguradong nalalaman niya agad ang inaasta ko dahil kilalang kilala niya 'ko.

"Ang tahimik mo nanaman ha? Kanina lang ay todo ang ngiti mo" sabi nito tsaka naupo sa tabi ko. "Wag mo na lang isipin kung ano ang mga pumapasok sa isip mo, pagod sila dahil baka nakakalimutan mo na galing silang iba't ibang school"

Galing din naman kaming iba't ibang school last year pero nahahalikan niya ako tapos magkatabi pa kami sa pagtulog. Siya pa nga ang nag aayos ng pinagkainan namin noon pero ngayon parang nag iba. Ang weird.

Basta na lang ako tumayo at naligo. Kahit na masakit ang ulo ko at nilalagnat pa ako ay naligo ako. Nag iisip ako hanggang sa pagligo. Nang matapos akong maligo ay nagpatuyo lang ako ng buhok tsaka natulog kahit na punong puno ng iisipin ang utak ko.

---------->

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now