CHAPTER 20

27 2 0
                                    

(020)

LUXZELL POV

"Tsaka ko na ikekwneto sayo Dad kung bakit.May kailangan kaming habuling oras"sabi ni Ax ng makabalik kami sa J.A Company.

Si Tito Primo lang ang naabutan namin do'n.Nagtataka akong nilingon ni Tito Primo pero hindi ko siya nilingon.Kahit ang mga tao do'n ay hindi inaasahan ang maagang pagbabalik namin.

Sumakay kami ng eroplano para madaling makabalik.Dumiretso kami sa office para ipaalam at ngayon ay hila hila ako ni Ax sa kotse niya.Siya ang nagmamaneho at para naman akong sira na nakalutang sa kung saan.

Maya maya ay naramdaman ko na ang pagtigil ng kotse niya.Siya pa ang nagtanggan ng seatbelt ko at hindi ko inaasahan na pupunasan niya ang luha ko gamit ang palad niya.Napangiti naman ako tsaka tumango.Ako na ang nagkusang bumaba.

Nang makapunta kami ng court kung saan maraming estudyante ang nagkukumpulan.Halata ang pagkagulat sa kanilang reaksyon.Malamang na alam nilang nasa Bicol dapat kami ngayon.

Nagulat naman ako ng hilain ako ni Ax papuntang office ni Dad.Tulad ng reaksyon ng karaniwan ay nagtakang lumingon si Dad samin.

"Why are you her—"

"Long story tito.Babalik din po kami agad mamayang gabi"pigil ni Ax sa sinabi ni Dad.

Kunot noo naman akong nilingon ni Dad.Napansin ang pamumula ng mata ko

"What happened to you son"

"Long story again tito.Tsaka ko na lang ikekwnento.May kailangan lang kaming makausap"si Ax ang sumagot.

"Okay"parang nag aalinlangan pa ang pag sang ayon ni Dad,hindi naalis ang tingin sakin.

Hinila nanaman ako ni Ax papunta sa Shs Building.Halos lingunin kami ng lahat ng estudyante at magsimula ng magbulungan.

"Ohmygash what happened to him?"
"Is he okay?"
"Dapat nasa bicol sila diba?"
"What they are dong here?"
"Ownow,hindi kaya alam na nila yung nagyari"
"Siguro nga dahil narito rin si Axie"

Bulungan pa lang,kompirmado na.Lalong umusbong ang kaba ko.

Walang pasok ngayon dahil linggo pero maraming estudyante dahil may activity.Nakita ko naman si Ax na hinila si Xian palabas ng room nito kasabay ng pagrating nina Tristan at Yvez na kasama ni Zev.Parehas silang dalawa na nagulat ng makita ako.

Hindi pa man nagsisimula ang salita sa pagitan naming lahat ay biglang sinampal ni Ax si Xian.Halos lahat ng nakapalibot ay nabigla sa ginawa ni Ax,hindi lang kami.

"Sinabi ko ng tigilan mo hindi ba?Ngayon!Ipaliwanag mo sa lahat ng narito ang nangyari"hindi ko alam pero bakit parang mas galit si Ax kaysa sakin?galit na galit siya sa kuya niya at hindi ko alam ang pinakadahilan.

Napahawak si Xian sa pisnging sinampal ng kapatid niya tsaka dahan dahan napalingon kay Ax.Nagsisitaliman ang tingin nila.

"Why are you doing this to me?"may diin sa bawat pananalita ni Xian.

Ngumisi si Ax na para bang naiinis sa tanong ng nakakatandang kapatid niya."You know why I'm doing this brother"

Napalingon ako kay Zev,nahuli ko siyang nakatingin sakin at madaling nag iwas ng tingin.Yumuko ito at hindi ko namalayan na naluha siya.

Napayuko din ako at iniiwasang maluha.Naramdaman ko naman ang haplos ng palad ni Yvez sa likod ko,ganun'n din si Tristan.

"Ax 'wag dito please"

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now