CHAPTER 119

4 0 0
                                    

LUXZELL POV

"See? Isang taon na ang nakakalipas pero hindi pa rin bumabalik si Axquecia? Hindi ba dapat na bumalik siya ngayon dahil alam niya ng nakalabas na ang bata at malalaman niya na ang DNA result pero wala?" natatawang sabi ni Sevi. "Dahil wala siyang tiwala sa sinasabi mo tungkol sa DNA kaya 'wag ka ng umaasa."

Napatango naman ako. Napatingin ako sa hawak kong folder kung saan nakalagay ang DNA result. Tinago dahil naghintay ako na babalik siya para mapakita sa kaniya ang pruweba pero hindi siya bumalik. Ang tahimik ng pangalan niya dito sa Pilipinas. Walang balita tungkol sa kaniya. Gusto ko sanang pumunta ng London kaso nagbanta si tito Primo na hindi ko magugustuhan ang madadatnan ko doon.

Kung galit si Ax ay paniguradong nasa grupo niya 'yun at pwede akong pagkaisahan kapag nagpumilit akong pumasok ng London. Umaasa pa din akong babalik siya dito dahil mahal niya pa 'ko. Umaasa pa din ako.

Wala akong nagawa kundi abalahin ang sarili ko sa trabaho para lang makalimutan kong naghihintay ako sa taong malabo na yatang bumalik pero umaasa pa din ako.

"Erp si Allirah" sabi ni Tristan.

Napalingon naman ako kay Allirah. Nilapitan ko siya at hinaplos ang pisngi ng baby niya.

"Anong ginagawa niyo dito? Baka magkasakit dito si Rahzell. May kailangan ka?" nakangiting tanong ko kay Allirah, umiling  naman ito habang nakangiti. "Miss mo 'ko?" natatawang tanong ko

"A-ang kapal mo" nahihiyang sabi nito na napayuko pa.

"Eh... Ano nga ang ginawa mo dito?"

Narito kasi ako sa kumpanya at nagtatrabaho ng dumating si Allirah. Narito din sina Tristan at Yvez habang nagluluto naman sa Master Kitchen ng Kumapanya si Sevi.

"M-may gusto lang akong sabihin"

Napakunot naman ako sa sinabi niya. "Ano 'yun?"

"Are you busy?" tanong niya.

"Hindi naman masyado. Ano pang gusto mo?" tanong ko.

"Atensyon mo daw Luxzell" buyo naman ni Tristan.

"Pakyu shut up kano" natatawang sita ko sa kaniya.

"K-kung okay lang sa'yo kumain tayo sa labas" sabi ni Allirah.

"Oo papayag 'yan" singit ni Tristan.

Tumango naman ako tsaka inalalayan siyang makalabas. Sinenyasan ko sila na babalik ako tsaka inalalayan kong makasakay ng elevator.

Nang makalabas kami ng building ay inalalayan ko naman siyang makasakay ng kotse. Pinatay ko ang aircon dahil baka mapaano ang baby. Napatingin naman ako kay Rahzell at kinurot ang pisngi nito bago nagmaneho.

"Kamusta ang Ama niyan? Nagparamdam na ba?" tanong ko.

Umiling naman si Allirah. "Kaya ko naman itong alagaan mag isa. Hindi ko na kailangan siya" sabi ni Airah habang nilalaro ang daliri ng anak.

"Sabagay ako lang sapat na ano?" natatawang tanong ko, natawan din siya.

Nang makarating kami sa isang restaurant ay kumain agad kami.

Tumabi ako sa tabi niya, napalingon pa siya sa tabi ko tsaka napangiti. Sinilip ko naman si baby Rahzell na mahimbing ang tulog sa gilid ni Allirah. Nang matapos kaming kumain ay inihatid ko muna sila sa bahay nila bago ako bumalik ng kumpanya.

"Baka mafall ka sa Allirah na 'yan ha" sabi ni Yvez.

Natawa naman ako tsaka iiling iling na lang.

SEIRHO POV

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now