CHAPTER 122

4 0 0
                                    

AXQUECIA POV

Hindi ako nakatulog. Naabutan ko pang makauwi ng Pinas si Nix at Wayan.

"Where's Papa Luxzell?" tanong ni Wayan.

Nasa London pa lang kami ay hinahanap hanap niya na si Luxzell. Wala akong ibang masabi kundi busy ang Papa kaya dito muna tayo.

Lumalaki si Wayan at lumalawak na din ang isipan. Nagtataka na siya sa haba ng taon ang nakalipas. Sampong taong gulang na siya at nagkakaroon na rin ng sariling isip.

"Tito Primo" bungad nito kay Dad at niyakap ng mahigpit. Nakita ko naman ang pananabik ni Dad kay Wayan. "Saan po si papa? Pwede ko po ba siyang makausap?" tanong nito kay Dad.

Napalingon pa sa akin si Dad tsaka hinarap si Wayan. "Bukas na dahil madaling araw pa lang. Matulog ka na dahil bukas ay bibisitahin natin si Papa mo" sabi nito kay Wayan.

Agad naman itong sumunod at pumasok sa kwarto niya. Nagpaalam na din si Nix na pupunta sa bahay niya dito sa Pasig.

Hinintay kong sumapit ang alasyete ng umaga tsaka naligo ako at nagmadaling pumunta ng office para tignan si Luxzell.

"Wala po dito si Sir Luxzell, nasa Calixton Elementary School po." Bungad sa akin ng gwardiya.

Napakunot naman ang noo niya. "Anong ginagawa niya doon?"

"Ah Ma'am siya na po ang nagpapalakad ng Calixton" sagot nito.

Napatango na lang ako tsaka nagmadaling sumakay ng kotse ko para mapuntahan ang Campus na 'yun. Nakalimutan kong ipapasa pala ni Dad sa kaniya ang mga school.

Pagpasok ko sa Campus ay bumungad sa akin ang mga bagong mukha ng mga estudyante. Marami ding nabago sa pintura at ayos. Maraming mga estdyante at may pasok pa ngayon. Nilibot ko ang tingin ko sa kabuuhan ng Campus at sinubukang hanapin si Luxzell.

Nanlaki ang mata ko ng makita siyang kasama si Allirah at kausap ito. Kasama nito ang batang lalaki na sa tingin ko ay anak ni Allirah. Nakangiti silang dalawa habang nag uusap. Ang sakit nila tignan. Hindi ko inaasahan na ganito ang bubungad sakin dito sa Pilipinas.

Agad akong tumalikod at nagmadaling umalis ng Campus na 'yun. Pumunta ako ng bar at nilasing ang sarili. Ginabi ako dito sa bar at pakiramdam ko ay kulang ang alak na nainom ko. Nasa labas ako ng bar nang makita ko nanaman si Luxzell at Allirah na magkasama pati na rin ang bata.

Pumasok sila ng restaurant.

Psh sige lang. Saktan mo lang ako Lux dahil ayos lang talaga.

"Sabi ko na nga ba at dito kita makikita! Tara na. Umuwi na tayo" yaya sa akin ni Nix pero binawi ko ang braso ko sa kaniya.

Matalim akong tumingin sa pwesto nina Luxzell. Glass door 'yun kaya nakikita sila. Nakangiti si Luxzell habang kausap si Allirah na sumisilip silip pa sa lalaking bata na kasama nila.

Happy family ampot*!

"Umuwi ka na Axquecia" sabi ni Nix tsaka hinila na ako papasok ng kotse.

Nanghihina na din naman ako kaya hindi na ako nanlaban. Iniuwi niya ako sa bahay at hindi ko alam kung ano ng nangyari.

LUXZELL POV

"PAPA"

Napalingon ako sa pinto ng marinig ang boses na 'yun.

Wayan?

Kasama niya si tito Primo. Todo ang ngiti ko na sinalubong ito ng mahigpit na yakap. Malaki na siya at gwapong gwapo na.

"Kamusta ka na? Ang gwapo mo na baby" sabi ko na ginulo pa ang buhok niya.

"Syempre nagmana ako sa'yo Papa"

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now